Caleb POV Nakangiti ako habang hinahatid si Elara pauwi sa bahay nila. Ang tahimik ng biyahe pero hindi nakakailang—yung tipong masaya ka lang kahit walang nagsasalita. Paminsan-minsan ay sinisilip ko siya mula sa gilid ng mata ko, at napapansin kong nakangiti rin siya habang nakatingin sa bintana. "Sabi ko na nga ba, nag-eenjoy ka," biro ko, sinira ang katahimikan. Napalingon siya sa akin, nagtataas ng kilay. "Feelingero ka talaga." "Eh kasi naman, ganda ng mood mo ngayon," sagot ko, sabay ngiti. "Walang reklamo, walang sermon. Miracle ata 'to." Tumawa siya, pero pinipilit magpaka-seryoso. "Baka lang pagod lang ako kakasigaw kanina." "Or baka lang gusto mo talagang kasama ako," sabi ko na may kasamang kindat. "Kapag lumaki ulo mo kakaganito, problema ko ba 'yun?" balik niya, pero a

