Elara POV Kinabukasan, maaga akong nagising at agad na nag-ayos ng sarili. Malakas ang t***k ng puso ko sa kaba at excitement, pero hindi ko alam kung alin sa dalawa ang mas nangingibabaw. Habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin, napansin kong wala na si Reese. Siguro umuwi na siya kagabi. Mabuti na rin ‘yon, at least wala na akong iinterrogate pa tungkol sa lakad ko ngayon. Pagkatapos kong magbihis ng simpleng fitted top at denim shorts, kinuha ko ang phone ko para i-check kung may message si Caleb. At tama nga ako—may isa siyang text. Caleb: "I'm on my way. Ready ka na ba?" Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kwarto. Game na 'to, Elara. Caleb POV Nag-aayos na rin ako para sa magiging da

