Kabit sa Bayan | 35

2017 Words

Elara POV Ilang araw na ang lumipas, pero kahit isang tawag o text, wala akong natanggap mula kay Caleb. Akala ko noong gabing nag-date kami, may patutunguhan na kami—akala ko, unti-unti na kaming nagkakaroon ng direksyon. Pero mukhang mali ako. Sinubukan kong maging abala sa ibang bagay. Nag-focus ako sa trabaho, lumabas kasama si Reese, pero kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan ang sarili kong maghintay. Baka busy lang siya. Baka may inaasikaso lang siya. Baka... hindi na talaga siya babalik. Napailing ako at tumawa nang mapait. "Ang tanga mo rin minsan, Elara," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa phone ko. Dapat ko pa ba siyang i-text? Dapat ko pa bang tanungin kung anong nangyari? Pero nauna nang sagutin ng puso ko ang tanong na ‘yon—ayoko nang ipilit ang sarili ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD