Manila. Nagtataasang mga building. Patong-patong na mga kalsada. Nag-uumapaw na mga tao. Sandamakmak na mga sasakyan. Ingay mula sa kaliwa, sa kanan, pati sa baba at taas. 'Yun ang tanawin na bumungad sa 'kin habang nasa kotse kami papunta sa bahay ng mga magulang ko. "First time mo ba rito sa Manila, Sir Teo?" tanong sa 'kin ni Zee. I nodded. "First time ko rin na makasakay sa eroplano." Zee smiled. "Don't worry, sir. Ako mismo ang sasama sa 'yo sa paglilibot dito sa Manila." "Actually, bukas ay sasamahan ka ni Zee sa mall. Kailangang mabilhan ka ng mga bagong damit. Ipapakilala na rin kita kina Tito George at Tita Helen mo. Paniguradong matutuwa sila kapag nakita ka na nila," sabi ni mommy. "Hindi po ba kayo sa 'min sasama ni Sir Teo bukas?" tanong ni Zee. "We can't. May hinahand

