"'Wag muna mumulat, Teo. Hinga nang malalim. Relax. Kapag dumilat ka ay nandoon ka na ulit sa kwarto mo sa Maalon. Gigisingin ka ni Buknoy. Tapos maririnig mo si nanay sa kusina. Kapag dumilat ka, babalik ka na sa normal mong buhay sa isla." 'Yun ang litanya ko sa sarili ko pagkagising ko nang sumunod na araw; pero hindi ko maikakaila ang pakiramdam ng malambot na higaan at malalambot na mga unan na nakapalibot sa 'kin. "Kahit ano’ng sabihin mo sir ay hindi naman kita pwedeng paliparin pabalik sa Batuhan para mangyari lang 'yan na gusto mo." Of course. Nagmulat ako ng mga mata. "Good morning, sir! Gising na po at nakahanda na ang agahan sa baba. Hinihintay na po kayo nina tito at tita," bungad sa 'kin ni Zee. Pupungas-pungas akong bumangon. "Sir, ba't butas-butas 'yang suot mo?" tan

