"Ilang tumatakbong pritong manok na ba ang dumaan sa harap mo?" tanong ko kay Buknoy habang nagsasaing ako. "Sampu." Ngumiti na lang ako. "Maghintay ka na muna. Tsaka 'di pa luto 'tong ulam natin. Bili ka na muna ng tinapay diyan kina Mang Gener. Mamaya pa tayo kakain," sabi ko naman. "Anong oras ba kasi darating sina nanay at tatay?" tanong niya. "May hinihintay pa si tatay sa pantalan. Tapos magsasabay sila nina nanay pauwi rito kasama ng mga bisita," sabi ko. "Bisita? Galing saan? Bihira lang namang may bumisita rito sa bahay natin," sagot ni Buknoy. "Ay basta maghintay ka na lang. Malapit na 'yun umuwi sina nanay at tatay," sabi ko. Sa mga nakaraang araw kasi ay sinubukang hanapin nina nanay at tatay 'yung totoo kong mga magulang. May nahanap na contact si tatay at 'yun ang tin

