"Zee, anak, ano ba’ng sabi sa 'yo ng private investigator?" tanong sa 'kin ni Tita Margaret. "Wala pa rin po… Nahihirapan pong humanap ng lead si Mr. Gregorio," sagot ko. "Margaret," sabi naman ni Tito Oscar, "ilang beses ko ba kailangang sabihin sa 'yo na labinwalong taon na ang nakakaraan mula nang mawala ang anak natin? Sinukuan na tayo ng mga pulis. Wala namang nahahanap ang mga kinukuha mong private investigators. Ano pa ba ang gusto mong mangyari para tanggapin mo na ang katotohanan na wala na si Matteo?" "Kahit kailan hindi ko susukuan ang anak ko," sagot ni tita. "Ayoko ring sumuko. Pero sana maging realistic ka na, Margaret. 18 years! Ilang milyong pabuya na ang inalok natin? Ano ba’ng nakuha mo? Mga nanloloko lang. Kung talagang buhay pa si Matteo ay matagal na sana siyang ib

