A week after my birthday, I was busy catching up on school. Binugbog ko ang sarili ko sa school activities. Katatapos lang ng hell week namin, tapos intrams season naman.
“Elara!” sigaw ni Cristy nang makita akong kalalabas lang ng classroom.
She was our team captain.
“Hey!” balik ko.
“Quick warm-up practice tayo later,” she said. “Kahit until six p.m.,” dagdag pa niya.
“Sure,” I nodded.
I searched for my phone and quickly texted Mang Isko about our practice.
To: Mang Isko
Wait for me until six p.m., Mang Isko. May practice lang for volleyball.
I hit send and shoved it back into my bag before heading to the locker room.
Pagdating ko sa gym ay halos puno na ang court. Maririnig ang mga tawanan, sigawan, at tunog ng bola sa sahig. It was the kind of chaos I actually missed. Yung tipong kahit sandali, nakakalimutan kong may problema ako sa bahay.
“Ely! Warm up na!” sigaw ni Cristy sabay toss ng bola sa akin.
“On it!” sigaw ko rin pabalik, sabay catch.
We started with passing drills, then quick runs. I threw myself into every move—each jump, each dive, parang gusto kong ilabas lahat ng bigat sa dibdib ko. Pawis, sakit ng kalamnan, at hingal lang ang iniisip ko.
Walang Timothy Grey. Walang problema.
Pagtingin ko sa wall clock ay six na. “Good work, girls! Same time tomorrow!” sigaw ni Cristy.
Naupo ako sa gilid habang pinupunasan ang pawis. Saktong nag-vibrate ang phone ko.
1 missed call from Mommy
1 new message from Mang Isko:
Miss, si Sir Timothy po ang sumundo sa inyo ngayon. Naka-park daw po sa tapat ng gym.
Napakunot noo ako. Since when?!
“Everything okay?” tanong ni Cristy.
“Yeah, I guess,” sabi ko kahit halatang hindi.
Kinuha ko agad ang bag ko at lumabas. Medyo madilim na, kulay orange pa ang langit. Paglabas ko, ayun—nakapark nga ang kotse niya sa tapat ng gate. Si Timothy, nakatayo sa tabi, naka-cross arms, at mukhang inip na inip.
Pagkakita sa’kin, agad niyang binuksan ang pinto sa likod.
“You’re late,” kalmado pero mariin niyang sabi
“I said I’d be done by six,” pairap kong sabi. “Saka malay ko bang ikaw ang susundo. Pwede namang si Mang Isko na.”
“It’s six-twenty,” balik niya saka tumingin sa relo. “Isko is not available now.”
“Wow. Human clock ka pala,” sarkastiko kong sabi. “Why? Where’s Mang Isko?”
Wala siyang sinabi. Diretso lang siyang naglakad pabalik sa driver’s side. “Get in, Tine,” utos niya.
Napabuntong-hininga ako bago sumakay. Amoy ko agad ang pamilyar niyang cologne.
Walang nagsalita habang umaandar ang kotse. Nakatingin ako sa labas, pinapanood ang mga ilaw sa kalsada. Hindi ko mapigilang magtanong sa isip ko kung bakit siya ang sumundo.
Pero hindi ko tinanong.
Ayokong mag-mukhang concerned.
Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa noo ko. Hindi ko na namalayan na hindi pa pala ako nakakapagpalit sa locker. Suot ko pa rin ‘yung maikling cycling shorts at jersey ko, habang pawis na pawis.
I rummaged through my bag, hoping to find something to wipe off the stickiness on my forehead. Buti na lang may wet wipes ako. The sound of the plastic echoed inside the car since it was too quiet.
Pagtingin ko sa rearview mirror, nagtagpo ang mga mata namin.
“What?” maangas kong tanong.
“You didn’t even bring a towel or anything with you?” kalmadong tanong niya.
Awtomatikong napairap ako. “As if you care,” bulong ko.
Humugot ako ng wipe at agad na ipinunas sa noo ko. I reached for my small mirror from my bag and checked my face. Kumuha pa ako ng isa pang sheet para punasan ang leeg ko. Tumingala ako habang pinupunasan ‘yon.
Napansin kong napailing siya habang nagda-drive.
I don’t care. Mandiri ka d’yan.
Pagdaan namin sa stoplight, bigla siyang huminto at bumaba. Naglakad siya papunta sa likod at may kinuha sa trunk.
“What—”
Naputol ang sasabihin ko nang abutan niya ako ng puting towel. Hindi ko ‘yon tinanggap.
“Just get it,” he insisted.
I scoffed, folding my arms. “Ha! As if—”
Pero bago ko pa matapos, kinuha niya ang kamay ko at inilapat doon ang towel. Pagkatapos ay bumalik siya sa driver’s seat, parang walang nangyari.
“I will not use anything from you,” mariin kong sabi.
“Then don’t. It’s up to you,” sagot niya, malamig pa rin ang tono. “It’s just a spare, anyway.”
Humigpit ang hawak ko sa towel bago ko ‘yon marahang ibinaba sa tabi ko.
Ilang minuto lang, pero pakiramdam ko ang tagal ng biyahe.
Napatingin ako sa towel na nakapatong sa tabi ko. Pinaglaruan ko ‘yung laylayan no’n, hindi ko rin alam kung bakit.
Maya-maya ay napatingin ako sa rearview mirror. He looked… tired. Hindi ‘yung tipong gutom o puyat lang. Iba. Parang pagod na pagod sa lahat. Sa trabaho. Sa buhay. Sa amin.
Nakaayos pa rin ang coat niya, pero kita ko ‘yung bigat sa mga mata niya habang naka-focus sa daan.
For a second, I almost felt bad. Almost.
Tumingin ako ulit sa labas ng bintana.
Don’t go there, Elara.
I hated that part of me—the one that still cared enough to notice.
Masyadong tahimik nang dumating kami sa bahay. It was a weird kind of silence.
“Where’s Mom?” wala sa sariling tanong ko.
Nilingon ko si Timothy nang hindi agad siya nakasagot.
He slightly scratched his temple before he said, “She has a charity event for a few days.”
Agad akong umikot papunta sa kitchen. “With Aling Mirna?”
“Yeah. Your mom needs someone who could help during the charity, so…”
“Then sinong magluluto ng food?” mabilis kong tanong.
Bahagya siyang natigilan, tapos tinapunan ako ng tingin—‘yung tipong hindi makapaniwala na ‘yon talaga ang concern ko sa lahat ng bagay sa mundo.
“I’ll just order food then,” dugtong ko na lang, imbes na mainis pa siya lalo.
Dumiretso ako sa kwarto pagkatapos no’n.
I put down my bag and dialed Mom’s number. Nag-ring lang ‘yon pero walang sumasagot. I tried texting Mang Isko and Aling Mirna—walang nag-reply kahit isa.
Gano’n ba sila ka-busy?
My phone buzzed, and I immediately checked it. It was Rina.
“What?” walang buhay na bati ko.
“I heard hindi si Mang Isko ang pumick-up sa’yo,” she teased, and I could almost see her smirking face through the call.
Napairap ako saka tuluyang ibinagsak ang sarili sa kama. “Hindi nga.”
“OMG! Usap-usapan ka sa campus, someone handsome picked you up,” kinikilig pa niyang sabi.
Napabangon ako mula sa pagkakahiga. “What the f**k? It was my stepdad. Mind your words. Kadiri ka ba?”
“Ohh… sabagay, pogi naman rin kasi talaga ang ama-amahan mo. Maybe they thought someone new, you know. Ang bata naman kasi niya to be your stepdad,” maarteng paliwanag niya.
“‘To be your stepdad,’” I mimicked her tone. “God! The fact that he married my mom, nakakadiri na. ‘Yun pa kayang ma-link siya sa’kin. Kilabutan ka nga!”
“Hindi naman ako! It was the gossip,” depensa niya.
Umupo akong muli sa kama at bahagyang natigilan nang maalala kong o-order nga pala ako ng food delivery.
“I gotta go. Bye,” paalam ko saka pinindot ang end call.
Agad akong nag-scroll sa malalapit na restaurant na puwedeng mag-deliver. Nabitin ang cellphone ko sa ere nang maisip ko bigla si Timothy.
I don’t know his preferred dish. Should I include him on my order?
Wag na lang kaya. I don’t care.
But I ended up ordering for two.
Mabilis akong nagpalit ng pambahay at bumaba sa sala para hintayin ang inorder ko. I was busy fidgeting with my phone when Timothy passed by. He caught me slouching on the couch, and I instantly sat up straight. Pero ang umagaw ng pansin ko ay ‘yung hawak niya—isang plato.
He was holding a plate, walking straight to the dining area.
Wow. He’ll be eating alone? Fine! I don’t care.
Tumunog ang phone ko, tanda na nandiyan na ang food delivery. Mabilis akong tumayo at lumabas.
“Ma’am Elara po?” tanong ng driver.
“Opo,” sagot ko sabay abot ng bayad.
“Salamat, Ma’am.”
“Thank you rin,” paalam ko, saka agad na pumasok.
Dumiretso ako sa dining hall. Hindi ko siya pinansin kahit nakita kong tahimik siyang kumakain ng pasta.
Inilapag ko ang paper bag sa mesa, pero natigilan ako nang makita kong may nakahain na plato sa tapat ng upuan ko. May pasta rin ‘yon. Beside it was a silver fork, and a neatly folded table napkin.
“I-I ordered food.” Natigilan kong sabi.
Tumigil din siya sa pagkain. “Yeah… but I cooked us dinner.”
Tinapunan ko ng tingin ang inorder kong pagkain. “You could’ve told me.”
He smirked at what I said, then slowly smiled. “We can have that tomorrow if you want.”
“Edi napanis ‘to!” bahagyang tumaas ang boses ko.
Natawa siya nang malalim, at nakakainis. “We can put it in the fridge, Tine. It won’t spoil. Just reheat it tomorrow,” kalmadong paliwanag pa niya.
Malay ko ba!
“Oh, whatever. Ikaw na ang maglagay,” utos ko bigla.
“Sure,” sagot niya, saka tumayo. “Just sit down… and eat now.”