Simula
Five days. Limang araw na akong nagkukulong sa kwarto pagkatapos ilibing si Daddy.
I don’t think I’ll ever be able to move on. He was my anchor, my shield, my protector. We were inseparable.
Kaya hindi ko matanggap na bigla na lang siyang mawawala sa’min. I’m worried my mom would give up without him.
Tiningnan ko ang huling pagkain na inihatid sa’kin ni Aling Esther. Nilapitan ko ’yon at sinubukang kainin.
Inilapit ko ang kutsara sa bibig ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko—walang tigil at tuloy-tuloy sa pagdaloy.
I want my dad back, please.
Sa huli, nakaisang subo lang ako at piniling pumikit muli.
I woke up hearing gossip outside my bedroom, kaya sa unang pagkakataon, lumabas ako.
Dumiretso ako sa kwarto nila Daddy. Walang tao. I was about to go out when a framed photo of him caught my eye.
Inabot ko ’yon at pinakatitigan.
I miss you.
Yumuko ako, saka mahigpit na niyakap ’yon. And then, the tears came again.
Ilang minuto akong gano’n nang maulinigan ko ang mga boses sa labas. Tumayo ako at ibinalik ang frame sa side table.
I walked past the study room.
“We can arrange the wedding early morning tomorrow, at the mayor’s office,” boses ni Attorney Ramos ’yon—our family lawyer.
Natigilan ako, pero walang pasintabi na pumasok ako.
“Whose wedding?” tanong ko. Kita sa mga mukha nila ang bahagyang pagkagulat.
“Justine, anak…” si Mommy ang unang nagsalita.
Pinaglipat ko ang tingin sa kanila—lalo na sa lalaking hindi masyadong pamilyar sa paningin ko.
“Sino siya?” turo ko sa lalaki.
“A trusted friend of your dad,” nauutal na sagot ni Mommy.
Kumunot ang noo ko. I’d never seen him before. Or maybe I did, but I just couldn’t remember.
Muli kong ibinalik ang tingin sa kanila. “Whose wedding is it?”
“Let’s talk about this later, Atty. Ramos. Tim,” paalam ni Mommy sa mga ito.
Agad na tumayo si Atty. Ramos at nagpaalam. Tumayo na rin ang lalaki na akala ko ay lalabas rin—pero sa gulat ko, humarap siya sa’kin.
Agad na nagsalita si Mommy. “Tim—”
“I’m marrying your mom,” putol ng lalaki.
Shock was an understatement. Akala ko biro ’yon, kaya hinintay kong bawiin niya ang sinabi.
He didn’t. He meant it.
Hindi makapaniwalang nilingon ko si Mommy. I waited for her to say anything that would pacify the rage building up inside me.
Pero luha lang ang sumalubong sa’kin.
“W-What… why?” tanong ko, halos ayaw lumabas sa bibig ko.
Natatarantang inabot ni Mommy ang mga kamay ko. “Ely, I—we need Tim’s help to—”
“I love your mom, Elara,” simpleng sabat ng lalaki.
“Don’t even say a word, you…” Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil sa nanlalabo kong paningin.
Agad akong lumabas at muling nagkulong sa kwarto.
I cried for my father—for the constant pain in my chest.
Walang kumausap sa’kin. I also missed their wedding, which I think they never even intended to include me in.
I couldn’t believe how fast it all happened. Ni hindi ko magawang lumabas ng kwarto kapag nandiyan sila. Ayokong makita silang magkasama—no, nandidiri ako sa kanila.
I hated how our house turned into the place I didn’t want to be in the most.