Labinlimang taong gulang si Elara Montesilva nang pumanaw ang kanyang ama. At kasabay noon, ang tahimik na pagbagsak ng mundo niyang akala niya ay ligtas.
The Montesilva Company didn’t mourn. It waited.
Too young to lead, too unprepared to fight, Elara was pushed to the sidelines while powerful people quietly positioned themselves around what she was meant to inherit. Sa gitna ng kaguluhan, isang lalaki ang nanatiling nandyan.
Timothy Grey.
The man her father trusted. The man who stepped in when everything started falling apart.
Sa mata ng lahat, he was family. Untouchable. Off-limits.
Years passed. Elara grew up, graduated, and slowly stepped into the world she was once shielded from. But some truths don’t stay buried. Some lines blur when time, proximity, and silence stretch too long.
When the past resurfaces and old protections begin to crack, Elara is forced to face a reality she was never prepared for. One where power has a price, loyalty has conditions, and the heart refuses to follow rules.
Because in a world built on appearances, the most dangerous thing she could do… is choose who she loves.
Sa edad na disiotso, sigurado na si Maria sa isang bagay. Gusto niyang ialay ang buhay niya sa Poon.
Busilak ang puso niya, inosente ang pananampalataya, at puno ng pag-asa ang bawat hakbang niya papunta sa kumbento. Doon niya inakalang matatagpuan ang kapayapaan. Doon niya inisip na pinakaligtas siya.
Pero habang tumatagal ang pananatili niya roon, unti-unting gumuguho ang mga paniniwalang matagal nang nakaukit sa puso niya.
At doon niya sinimulang katakutan ang isang tanong na ayaw niyang harapin:
Paano kung mali ang lahat ng pinaniwalaan niya?
Lalong tumindi ang lahat nang maging bahagi siya ng mundo ng isang nilalang na hindi niya lubusang maintindihan—
si Sir Lucero.
May mapupulang labi ito.
May matang tila laging nagbabantay… at nag-aanyaya.
At presensiyang sapat para guluhin ang isip. Pero ang mas mapanganib, ang puso.
Kaya pa sanang intindihin ng utak niya ang mga kakaibang bagay tungkol dito.
Ngunit ang hindi niya kayang tanggapin ay ang isinisigaw ng puso niya.
Kaya tumakas siya.
Ipinagkanulo niya ang lalaking hindi niya dapat minahal.
At iniwan ang mundong pilit siyang hinihila pabalik.
Ngunit anong klaseng kinabukasan ang naghihintay sa isang babaeng tumalikod sa tadhana—kung ang pinakainiiwasan niyang mangyari ay siya ring imposibleng takasan?
Ang tagumpay ni Amaraiah "Aya" Reyes bilang Senior Marketing Manager ng Madriaga Enterprises ay patunay ng kanyang husay at sipag. This is what the public sees—her confident smile, her flawless image. Pero sa likod ng lahat ng iyon, she carries a secret that could change everything.
She is secretly married to the company's CEO, Zedrick "Zed" Madriaga—ang lalaking una niyang minahal. It was a marriage born from complicated circumstances, isang kasunduang parehong nagbubuklod at naglalayo sa kanila.
Through the years, Aya learned to play the role expected of her-prim, proper, and untouchable—kahit kapalit nito ang tunay niyang damdamin. But now, Zed wants more than shadows and silence. Gusto niyang mabuhay sa mundong hindi nila kailangang itago ang isa't isa.
With Aya's rising success drawing public attention-at may mga taong handang ilantad ang katotohanan-she must decide: will she keep living the perfect lie, o ipaglalaban na rin niya ang totoong siya... kahit ang kapalit nito ay lahat ng meron siya?