Palengke
CHAPTER 1
THI-TI POV
“Hoy, Pek-Pek! Aba, wala ka talagang balak tumakbo? Bumaha na oh!”
“Tumahimik ka diyan, Thi-Ti. Kung tatakbo ako, sino bibili ng mangga ko? Ikaw?”
“Kung ako bibili, lahat ‘yan kukunin ko. Bayaran ko pa ng buo”
“Tumigil ka. Alam kong wala kang pera.”
Napangisi ako habang pinapayungan ko siya, kahit obvious na wala ring silbi dahil pareho na kaming basang-basa. Maulan sa baryo ng San Libon—yung tipong ulan na parang galit ang langit. Pero heto si Maripek “Pek-Pek” Basang, dalawampu’t walong taong gulang, nakatayo sa gitna ng palengke, parang diwata ng prutas, walang pakialam kung mabasa, basta may bumibili.
Ako si Thito “Thi-Ti” Tumirik, trenta anyos, tubero ng bayan, macho ayon sa mga tsismosa at kasalukuyang basang daga dahil sa isang babaeng may sapak sa ulo… pero mahal ko bilang kaibigan. Oo, kaibigan. Linawin natin ‘yan bago ako masapak ulit.
“O ayan na, dumadami na naman sila!” sigaw ko habang may mga taong nagtatakbuhan papunta sa pwesto niya. “Sabi ko sa’yo eh, Pek-Pek, marketing strategy mo talaga ‘tong ulan.”
“Hindi marketing ‘to. Sipag ‘to.” mabilis niyang sagot habang inaabot ang supot ng mangga sa isang ale. “Ate, salamat po. Next po kayo!”
Grabe. Kahit maulan, pinagkakaguluhan ang paninda niya. Mangga, saging, mansanas lahat sariwa. At siya? Ngumingiti kahit nanginginig na sa lamig. Naiinis ako. Hindi dahil sa eksena, kundi dahil kilala ko siya.
Mayaman si Pek-Pek. Hindi lang mayaman billionaire ang bruha. May mga negosyo, lupa, shares kung saan-saan. Pero pinili niyang magtinda sa palengke dahil doon siya masaya. Simple. Totoo. Walang arte.
“Millionaire-este billionaire tapos andito ka lang sa palengke. Senapak naman s’ya, oh!” sabi ko sabay tawa.
Bigla akong sinapak sa balikat.
“Gago. Ikaw nga tubero, sikat sa babae, andito ka rin.”
“Iba ‘yon. Service oriented ako.”
“Service my face. Malandi ka lang.”
“Uy! Hindi ah. Natural charm lang ‘to.” sabay kindat ko sa isang babaeng nakapila.
“Huwag ka diyan. Baka mawalan ako ng customer dahil sa mukha mo.”
Tumawa ang mga tao. Ganito araw-araw sa palengke. Ako ang unofficial bodyguard niya tagabitbit, tagpayong, taga-asar. At siya ang babaeng kaya akong patayin sa salita at suntok pero hindi ginagawa… madalas.
Lumakas pa ang ulan. Ramdam ko ang lamig, pero mas ramdam ko ang inis.
“Pek-Pek, seryoso. Magkasakit ka niyan. Uwi na tayo.”
“Hindi pa. Marami pa bibili.”
“Eh ‘di bilhin ko na lahat.”
“Hindi kita tinatanong kung kaya mo. Ayoko.”
“Ang tigas mo talaga.”
“At ikaw malambot.”
“Sa’yo lang.”
Napatingin siya sa’kin. Saglit lang. Pero may kung anong kuryenteng dumaan. Hindi ‘yung awkward. ‘Yung… pamilyar. ‘Yung sanay na.
“Tigilan mo nga ‘yan.” sabi niya sabay kurot sa tagiliran ko.
“Aray! Bastos ka.”
“Mas bastos ka.”
May sumigaw mula sa dulo, “Ate Pek-Pek! Dito po!”
“Sandali lang po!” sagot niya, sabay lingon sa’kin. “O ayan, tumahimik ka muna.”
Tumahimik ako. Pero hindi dahil sinabihan niya kundi dahil napansin ko kung paano siya gumalaw. Walang arte, walang yabang. Kahit alam ng ilan na mayaman siya, hindi niya ginagamit. Walang alalay, walang kotse. Tricycle lang pauwi. Pawis, ulan, ngiti.
“Alam mo, Pek-Pek,” bigla kong sabi habang inaabot ang sukli sa isang customer. “Kung gusto mo, pwede ka namang magtayo ng mall. ‘Yung palengke, ilagay mo sa loob.”
“At mawalan ng saya?”
“Eh ‘di ako na lang gawing manager.”
“Hindi ka qualified.”
“Qualified ako sa’yo.”
“Sa kakulitan, oo.”
Napatawa siya. At doon, doon ako tinamaan. ‘Yung tawa niyang walang pilit. ‘Yung tawa na parang ako lang ang dahilan.
“Thi-Ti, payungan mo ‘to.” sabi niya sabay tulak sa’kin ng isang supot ng mangga.
“Ako pa? Eh ikaw nga ang nababasa.”
“Eh mas makapal ulo mo.”
“Wow. Romantic.”
“Tumahimik.”
May isang lalaking lumapit. Mukhang bagong salta. Nakatitig kay Pek-Pek.
“Miss, magkano po ‘yan?”
“Depende. Ano ba gusto mo?”
“Ikaw sana.”
Bago pa ako makapagsalita, umusog ako sa harap.
“Kuya, prutas lang binebenta dito. Kung landian, sa kanto.”
“Relax lang.”
“Relax ako. Tubero ako. Marunong ako humigpit.”
Umalis ang lalaki. Tumawa si Pek-Pek.
“Salamat, bodyguard.”
“Walang anuman. Ako lang naman si Thi-Ti ang papasok sa Pek-Pek mo.”
BAM!
Sinapak niya ulit ako. Malakas. Ramdam hanggang kaluluwa.
“Kong hindi lang kita kaibigan, sinakal na kita eh!”
“Pero mahal mo. Hahaha!”
Pinandilatan niya ako pero may ngiti sa gilid ng labi niya. Alam ko ‘yon. Kilala ko siya.
“Tigilan mo nga ‘yan.”
“Hindi. Kasi totoo.”
“Gago.”
“Aminado ka.”
“Umalis ka nga diyan at tulungan mo na lang akong magbenta.”
Ganun siya. Hindi sweet magsalita, pero sweet gumawa. At ako? Bastos magsalita, pero seryoso sa kanya.
Lumipas ang oras. Halos maubos ang paninda. Basang-basa na kami pareho. Nanginginig na siya. Hindi na biro.
“Pek-Pek. Last na ‘to. Uwi na tayo.”
Tumingin siya sa paligid. Halos wala nang tao.
“Sige.”
Tinulungan ko siyang mag-empake. Binuhat ko ang kahon. Siya ang nagdala ng payong na butas. Typical.
Habang naglalakad kami pauwi, tahimik. Pero hindi awkward. Komportable.
“Thi-Ti?”
“Oh?”
“Salamat ha.”
“Para saan?”
“Sa pag-stay.”
Napangiti ako.
“Sanay na ‘ko.”
“Hindi ka ba nagsasawa?”
Huminto ako. Tumingin sa kanya.
“Hindi. Kasi ikaw ‘yan.”
Tahimik ulit. Ulan. t***k ng puso. Isang baryo. Dalawang taong magkaibigan o baka higit pa.
“Bastos ka pa rin.” sabi niya.
“Pero sa’yo lang. One word lang ‘yan, di ba?”
“Ano?”
“‘Tayo.’”
Sinuntok niya ulit ako. Pero mahina na. Halos haplos.