CHAPTER 5

1092 Words
The Stepson Obsession C5 CHARMAINE POV “Nay naman! Buntis agad? katatapos nga lang nang buwanang dalaw ko eh!” maktol kong wika kay Nanay. “Akala ko kasi katulad kana sa mga kaklase mo.” Hindi ako sumagot kay Nanay at muling itinaklob ang kumot sa aking ulo. Nang magising ulit ako ay pansin kong wala na si Nanay. Siguro umalis na siya at pumunta na sa pinapasukan niya bilang isang katulong, kaya ko talaga pinag-butihan ang aking pag-aaral para matulungan si Nanay. Tumayo ako at bumaba. Nakakaramdam na kasi ako nang gutom. Nang makababa ako ay binuksan ko ang mga takip na nasa lamesa. Kumuha ako ng kutsara at isang tasa para magtimpla ng gatas. Matapos akong kumain ay muli akong bumalik sa kwarto. Napatingin ako sa aking phone dahil simula kagabi hindi ko ito binuhay. Useless din kasi dahil wala namang magme-message sa akin. Kinahapunan ay dahan-dahan akong tumayo para buksan ang pinto. Sinabihan din kasi ako ni Nanay kanina na baka gabi na siya uuwi. Nang mabuksan ko ang pinto ay napatingin ako kay Jela habang nakatayo siya sa pinto. “Bakit hindi ka pumasok?” Tanong niya habang pumasok. “Masama kasi ‘yong pakiramdam ko..” sagot ko sa kanya. sa totoo lang hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko, wala lang akong gana pumasok at ayoko rin kasing makita si Adrian. Nagiging marupok kasi ako kapag nakikita ko siya at higit sa lahat hindi ako makatanggi sa gusto niya. “Nilalagnat kaba?” Mabilis naman akong umiling sa kanya. “Nagtaka kasi ako hindi ka man lang nagrereply.” “Lowbat kasi ‘yong phone ko, tinatamad akong mag-charge.” Pagsisinungaling ko. sadyang wala lang talaga akong balak na buksan ang phone ko. “Hinahanap ka kasi ni Adrian..” Nag-angat ako nang mukha habang tumingin sa kanya, pansin ko kasing naging malungkot ang boses niya. “Ganu’n ba? hayaan mo siya..” Wika ko. “Talaga? Hahayaan mo na siya? ibig sabihin ayaw mo na sa kanya?” Tuwang tanong niya habang tumayo. “H-hindi naman sa ganu’n… wala lang kasi akong gana na kausapin siya ngayon..” “Ganu’n ba? sige Charmaine mauna na ako, baka kasi hinahanap na ako ni Nanay.” Aniya habang mabilis akong tinalikuran. Hindi ko naman mapigilang magtaka dahil sa ikinikilos niya. KINAUMAGAHAN ay maaga akong nag-ayos sa aking sarili. Gusto ko kasing maaga akong makarating sa school dahil absent ako kahapon. Si Nanay naman ay tulog na dahil madaling araw na raw natapos ang party doon sa amo niya. Nang makalabas ako ng bahay ay tatawagin ko na sana si Jela pero mukha siyang nagmamadali. Mukhang hindi niya rin kasi ako nakita kaya hindi ko nalang siya tinawag. Agad akong umupo sa aking upuan nang makapasok ako sa aming classroom. Masyado pang maaga kaya binuhay ko muna ang aking phone para makinig ako ng music. Hindi ko pa rin mapigilang magtaka dahil mas nauna pang umalis sa akin kanina si Jela pero wala siya rito. Napatingin naman ako sa aking phone dahil panay ang pag-tunog nito. tiningnan ko naman ang mga pumasok na message at nakita ang pangalan ni Adrian. Hindi na ako nag-abala pa na buksan ang mensahe niya dahil hanggang ngayon ay wala akong balak kausapin siya. sobra pa rin kasi akong nasaktan sa ginawa niya sa akin noong isang araw. “Oy! Charmaine.” Napalingon ako kay Franky nang kalabitin niya ako. si Franky ay isa sa mga kaklase ko. “Bakit?” tanong ko sa kanya. “Hiwalay na pala kayo ni Adrian?” hindi ko naman mapigilang mapatulala dahil sa tanong niya sa akin. isa pa hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. “H-hindi pa naman bakit?” hindi ko alam kung bakit ito ang nasagot ko sa kanya. “’Wag mong sabihin na kayo pa! habang sila na nang bestfriend mo?” Malakas niyang wika. Habang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. “’Wag ka ngang magbiro nang ganyan..” ngiting wika ko habang pinipigilan ang pagbagsak nang aking mga luha. “Hindi ako nagbibiro. Alam mo kahapon at noong isang araw. Nakita ko sila kalalabas lang sa motel.” “Ano?!” Napalakas ang aking boses habang napatayo ako sa aking upuan. “M-motel?” utal kong wika habang hindi ko na napigilan pa ang pagbagsak sa aking mga luha. m-motel? Dinadala niya si Jela sa isang motel? H-habang ako? sa damuhan….at k-kung saan siya aabutan nang init nang kanyang katawan..” “Best!!” Sabay kaming napalingon ni Franky kay Jela habang malawak siyang ngumiti sa akin. agad ko namang pinunasan ang aking pisngi at pilit na ngumiti sa kanya. “Kanina ka pa ba?” Tanong niya nang makalapit siya sa amin. Hindi ko naman na pigilan ang sarili ko na sampalin siya kaya napabaling ang kanyang mukha sa kabila. “Ang baboy mo… ang akala ko pa naman bestfriend kita? Alam mo bang para nang kapatid ang tingin ko sa ‘yo?! Pero bakit? Bakit ganito? Ano bang nagawa ko sa ‘yo? Sa inyo? Bakit niyo ako ginagago?” Iyak kong sigaw sa kanya. “Bakit siya pa?! alam mo naman kung gaano ko siya kamahal ‘di ba?” hikbing wika ko. “Hindi ka niya mahal!” Muli ko siyang sinampal dahil sa sinabi niya. “’Yon ang katotohanan Charmine! Walang gusto sa ‘yo si Adrian! Ginagamit ka lang niya! lalo na ‘yang katawa-.” Muli ko siyang sinampal dahil sa sinabi niya. Hindi na ako nakipag-sagutan pa sa kanya at kinuha ko nalang ang aking bag. Hiyang-hiya kasi ako sa mga kaklase namin dahil sa sinabi niya. Umiiyak akong lumabas ng paaralan habang pinagtitinginan ako nang mga estudyante. Napahinto naman ako nang makita ko si Adrian na nasa gate. galit poot ang nararamdaman ko habang nakikita ang pagmumukha niya. Nang magka-salubong an gaming paningin ay agad akong nagbawi nang tingin sa kanya. nang malapit na ako sa kinau-upuan nila ay mabilis ko siyang nilampasan habang parang hindi niya ako nakikita. Ni kahit pagtawag sa pangalan ko ay hindi niya ginawa. Parang nadudurog ang puso ko habang naglalakad ako pauwi sa amin. Napakatanga ko! ang laking tanga ko!! hindi ko mapigilang matawa habang umiiyak. Siguro ang tingin nang mga taong nakakasalubong ko ay baliw na ako. Pinunasan ko naman ang aking mga luha at kinuha ang aking phone. Tiningnan ko ang message niya at mas lalo akong napaiyak sa unang message na bumungad sa akin. BABE: Hiwalay na tayo. Ayoko na sa ‘yo. Salamat.: napaka-walang hiya niya!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD