The Stepson Obsession C6
CHARMAINE POV
“Oh! Bakit nandito ka? ’di ba may pasok kayo?” Hindi ko naman mapigilang mapa-hikbi habang lumapit kay Nanay at yumakap sa kanya.
“Charmaine, ano bang nangyari sa ‘yo Anak?” ramdam ko naman ang pag-alala sa noses ni Nanay kaya lalo akong napahagulhol sa iyak.
“Anak, kung ano man ang problema mo… ’wag mong kalimutan na nandito lang ako Anak…” Hinayakap ko nang mahigpit si Nanay dahil sa sinabi niya sa akin. Wala na talagang ibang magmamahal pa sa akin kung ‘di si Nanay lang.
“Nay, ayoko na rito…” Mahina kung wika kay Nanay habang pinunasan ko ang aking mga luha.
“Kung ‘yon ang gusto mo pwede naman tayong tumira roon sa tiyo Robert mo.” Nag-angat ako nang mukha dahil sa sinabi sa akin ni Nanay. Ang akala ko ay hindi siya papayag sa gusto ko.
“Totoo po ba Nay? Papayag po kayo na aalis tayo rito?”
“Kung saan mo gusto Anak, papayag naman ako. Pasensya kana kung sa tingin mo pinaghigpitan kita Anak..” iyak na wika sa akin ni Nanay.
“Nay, naintindihan po kita… alam ko naman po na para sa akin lang din po ’yon, patawad po kung may nagawa po akong mali sa inyo Nay… patawarin mo ako Nay…”
“‘Wag mo nang isipin ‘yon Anak, ang mahalaga alam mong mali ka, kaya dapat ituwid mo ‘yon at ‘wag mo nang uulitin pa.” Agad akong tumango kay Nanay.
“Opo Nay, pangako po magtatapos ako sa pag-aaral at hinding-hindi na magpapaloko pa…” Wika ko kay Nanay habang pinunasan ko ang aking mga mata.
Bumalik ako sa school at kinuha ang aking mga requirements para sa pag transfer ko. Kailangan kong tapusin ang pag-aaral ko para makahanap ako ng magandang trabaho. Para kahit do’n man lang matulungan ko si Nanay.
Matapos kung kinuha ang mga kailangan ko ay agad ko nang pinuntahan si Nanay. Nakahanda na rin ang mga damit namin para sa pag-alis. Natawagan na rin ni Nanay si Tiyo Robert na pupunta kami sa kanila.
Habang sakay kami ng tricycle ay hindi ko maiwasang muling mapa-iyak dahil muli kong naalala si Adrian. Sobrang sakit kasi nang ginawa nila sa akin ni Jela.
Sana sa pag-alis ko ay nakalimutan ko na rin siya.
“Charmaine!!!!” Malakas na sigaw ng pinsan ko habang tumatakbo siya papalapit sa akin. Kabababa lang kasi namin ni Nanay sa bus.
“Kumusta kana?!” Tanong niya sa akin habang niyakap ako.
“Ayos lang.” ngiting sagot ko sa kanya.
“Mabuti at naisipan mo nang pumunta rito? Dati Kasi ayaw mo talagang pumunta rito?” nag-yuko ako nang aking mukha dahil pinipigilan kong mapa-iyak. Si Adrian kasi ang dahilan kung bakit hindi ako pumunta rito noon paman.
“Bakit? May problema ba?” Umiling ako sa kanyang tanong habang ngumiti ako sa kanya.
“Mabuti naman Charmaine at pumayag kana na rito ka na mag-aaral. Alam mo bang matagal ko na talaga sanang gusto na rito na kayo ng Nanay mo? Hindi ko kasi mapigilang mag-alala dahil kayo lang dalawa ang nasa bahay n’yo.” wika sa akin ni Tiyo Robert.
“Hayaan n’yo po Tiyo, simula po ngayon ay rito na po kami ni Nanay at hindi na po kami babalik pa roon.” sagot ko sa kanya.
Nang makarating kami sa bahay ni Tiyo ay nilagay ko agad ang mga gamit ko sa kwarto. Wala kasi rito ang asawa ni Tiyo dahil nasa ibang bansa si Tiya. Isa lang din ang anak nila at ’yon si Chamae.
“Charmaine!!” Napatingin ako sa pinto habang kumatok si Chamae.
“Bakit? Tuloy ka!” Sagot ko habang bumukas ang pinto. Hindi ko kasi ito ni-lock.
“Ano bang ginawa mo d‘yan? Bakit ka nagmukmok?” Tanong niya sa akin habang nilapitan ako.
“Inayos ko lang ang mga damit ko.” sagot ko sa kanya habang umupo siya sa kama.
“Ano ka ba? Pwede naman mamaya na ‘yan. Mamasyal muna tayo.”
“Mamasyal?” tanong ko sa kanya dahil kararating ko lang naman.
“Oo! Ano ka ba! Dapat kasi ‘di ka nagmumukmok, Sige ka baka ‘di makikita ‘yang ganda mo!” hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya sa akin.
“Hindi naman kasi ako maganda,” yuko kong wika sa kanya dahil totoo naman. Kung maganda lang sana ako, siguro hindi ako ipagpalit ni Adrian sa best friend ko.
“Sige na, halika na! Kasi bukas papasok na agad tayo eh!” Nailing ako dahil sa sinabi niya. Mabuti nalang din at kakilala ni Tiyo ang principal sa paaralan na papasukan ko, kaya madali lang nila akong tinanggap.
“Pwede sunod nalang, pagod kasi ako sa byahe.” pagsisinungaling ko sa kanya. Sa totoo lang hindi naman talaga nakakapagod. Sadyang wala lang talaga akong gana na lumabas.
“May problema ka ba?” Tanong niya sa akin habang hinawakan ang aking mga kamay.
Hindi ko naman mapigilan ang aking mga luha na bumagsak sa harap ni Chamae.
“Sige lang…. Ilabas mo lang ‘yan, handa akong makinig sa ‘yo,” hindi ko naman mapigilang mapahagulhol sa kanya, dahil sobrang mabigat na talaga ang aking dibdib. Sobrang nasasaktan pa rin kasi ako sa ginawa ni Adrian sa akin.
Nang medyo maayos na ang pakiramdam ko ay sinabi ko kay Chamae ang lahat. Galit din ang nararamdaman niya kay Jela. Magkakilala kasi sila dahil sa tuwing pupunta sila Tiyo sa amin kasama namin si Jela na mamasyal.
Nagpa-alam naman sa akin si Ate na siya nalang daw ang lalabas. Magpahinga nalang daw muna ako.
Ilang minuto ang lumipas ay naisipan ko naman na lumabas muna dahil nakaramdam din ako ng gutom. Isa pa wala kasi si Mama sinamahan ni Tiyo na mag apply Ng trabaho.
Naisipan ko rin na mag-apply sana para sa pag-aaral ko. Ayoko kasi na i-asa ang lahat kay Nanay.
Muli akong nakaramdam ng lungkot dahil naalala ko na Naman si Adrian. Buong buhay ko ay inalay ko sa kanya pero balewala pa rin ito sa kanya.
“Anak, kumain kana ba?” Napalingon ako habang lumapit si Nanay at Tiyo sa akin.
“May dala kaming pagkain sa ‘yo. Kumain kana.” Wika ni Tiyo habang nilagay sa lamisa ni Nanay ang plastic na may lamang pagkain.
“Nakahanap na po ba kayo ng trabaho Nay? Bakit ‘di po muna kayo nagpahinga?” Tanong ko kay Nanay habang umupo ako sa upuan.
“‘Yan nga rin ang sinabi ko sa Nanay mo, pero alam mo naman na matigas talaga ang ulo niya.” Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Tiyo.
“Sos! Akala mo naman hindi rin matigas ang ulo mo!”
“Nakikita mo na Charmaine? Ayaw talaga magpatalo.” natatawang wika ni Tiyo.
“Gusto ko rin sana mag-working student Tiyo.” wika ko naman kay Tiyo.
“Bakit Naman Charmaine? May trabaho na nga ako ‘di ba?”
“Nay, maganda rin po kasi kapag may trabaho ako para makatulong naman ako sa inyo. Hindi naman po pwede na sa ‘yo ko nalang i-asa ang lahat. at hindi rin pwede na habang buhay tayo titira rito kay Tiyo.”
“Charmaine, Wala namang problema sa akin ‘yon,”
“Alam ko naman po ‘yon Tiyo pero mas maganda po sana kung may sarili rin po kaming tahanan.” sagot ko sa kanya.
“Tama ka rin naman Charmaine, pero ito ang tandaan mo na kaya ko rin naman kayong buhayin mag-ina. alam mo naman na kami lang dalawa rito ng pinsan mo.”
“Alam ko po ‘yon Tiyo, pero sana po maintindihan n‘yo po ako,”
“Naintindihan kita Charmaine, alam mo manang-mana ka talaga sa Nanay mo.” Iling na wika ni Tiyo.
“Nagsalita ka rin ganyan ka rin naman!” asik ni Nanay sa kanya, kaya napangiti ako.