Makalipas ang dalawampung minuto sa pagbiyahe, narating din namin ang Cafelod.
Inihinto ng taxi driver ang kaniyang sasakyan sa may tabi ng kalsada na malapit lang din do’n.
Humugot muna ako ng hininga bago pa idinukot ang kamay ko sa loob ng aking bag at kumuha ng pera. Iniunat ko ang aking kamay saka iniabot sa taxi driver ang bayad.
“Have a nice day, ma'am! Sana po'y magawa mo ang iyong mga plano,” wika pa nito.
Alanganing ngumiti ako sa kaniya at binuksan ang pintuan upang bumaba ng sasakyan. Agad humarurot paalis ang sasakyan at tumakbo sa gitna ng kalsada.
Nagulat ako sa presensiya ni Wendy na saka ko lang din naalalang kasama ko nga pala.
“Ba’t parang nakakita ka ng multo?” tanong pa niya sa’kin.
“Akala ko kasi ako lang ang sakay ng taxi,” nakangiwi kong tugon.
“E ‘di wow!” Inismiran niya ako.
Bumuntong-hininga ako ng mariin at saka lumingon sa Cafelod. “Break-up here I come!” usal ko sa hangin.
“Tara na, Becky! Makipag-break up ka na sa pangit mong ex!” sigaw sa’kin ni Wendy.
Napapailing na naglakad na ako para sundan siya. Napukaw ang atensyon ng receptionist sa malakas na tunog nang pagbukas ko ng pintuan ng Cafelod.
“Hello, Mam, welcome to Cafelod!” magalang na bati ng receptionist.
“So, where is he?” pukaw naman sa akin ni Wendy.
“May hinahanap po ba kayong tao? Baka matulungan ko kayo,” saad muli ng receptionist na hindi ko binigyan pansin.
Inilinga ko ang aking paningin sa may kabuuan ng Cafelod upang hanapin si Randy. Nakita ko siya at ang kaniyang isang kamay ay kumakaway pa sa’kin sa may lamesang nasa dulong bahagi na malapit lang din sa bintana.
“Siya ba ang ex mo? In fairness, may itsura.” Nilingon ko si Wendy at saka pinandilatan ng aking mga mata.
Natatawang lumayo siya sa’kin ng may ilan distansya. “Dito na lang ako. ‘Di na ako sasama roon, para naman makapag-usap kayo ng masinsinan.”
“Hindi ba’t kaya ka sumama ay para damayan mo akong makipag-break up kay Randy?” kunot-noo kong tanong sa kaibigan.
“No way!” bulalas ni Wendy. “Bakit ko naman gagawin iyan gayong ikaw ang nobya?”
“Ano pala silbi mo rito kung gano’n?” nakatikwas ang isa kong kilay na tanong.
“Audience! Hindi ba pwedeng ganoon lang?” pagdadahilan niya.
Gusto ko pa sana siyang sagutin, pero hindi ko na nagawa dahil biglang sumulpot si Randy sa’king tabi.
“Hi, Love!” nakangiti nitong sambit na tila ba walang nagawang pagkakamali sa relasyon naming dalawa.
Kinabig at isinandal ako ni Randy sa kaniyang katawan upang mahalikan ang aking labi.
Naiinis ako sa kaniyang ginawa kaya naman itinulak ko siya palayo mula sa’kin.
“Why?” tanong ni Randy na halata ang pagkagulat sa mukha.
Marahil nagtataka siya sa ginawi kong iyon sa kaniya. Hindi ko naman kasi siya itinutulak noon kahit maraming tao pa ang makakita sa amin na naghahalikan.
“Aalis muna ako. Tawagan mo na lang ako kapag kinakailangan.” Salubong ang mga kilay kong tumingin kay Wendy.
“Akala ko ba sasamahan mo ako rito?” Nakanguso ko pang turan at iniiwas na ang tingin sa kaniya.
“Bigla kong naalala na mag-iimpake nga pala ako ng mga gamit ko,” aniya sabay halik sa aking pisngi.
Magsasalita pa sana ako nang lumayo na siya. Naiinis ako sa ginawang iyon ng lukaret kong kaibigan, ngunit wala naman akong magawa.
Inabala ko ang aking mga mata sa pagtitig sa mga taong labas pasok sa pintuan ng Cafelod.
“Becky, let's sit.” alok sa’kin ni Randy na itinuro pa ang upuang nakahanda.
Tinabig ko siya bago umupo sa may upuang nasa tapat ko. Tila hindi niya naman alintana ang kagasapangan ng ugali kong ipinapakita sa kaniya dahil ngiting-ngiti pa siya kahit ganoon ang nangyari.
“You want to eat something?” tanong niya sa malambing na tinig matapos umupo sa upuang nasa tabi ko.
“Hindi ako nagugutom kaya huwag ka nang mag-abala pa,” malamig kong tugon.
“Becky, what's wrong?” Nahimigan ko ang pagkaasar sa tono ng kaniyang tinig.
Naramdaman na siguro ni Randy ang hindi magandang pakikitungo ko sa kaniya mula pa kanina.
Isang mapangutyang tawa ang aking pinakawalan bago nagsalita, “sabihin mo nga, ano ba’ng relasyon mayroon tayong dalawa?”
Humalukipkip ako at pinatagal ang titig ng aking mga mata sa kaniyang mga mata.
“Ano bang tanong iyan, Becky?” may inis niyang tanong habang puno ng kuryosidad ang kaniyang mga titig sa’kin.
“Sagutin mo na lang ang tanong ko!” kalahating sigaw ko sabay hampas ng kamay ko sa ibabaw ng mesa.
Pinagtinginan kami ng mga tao dahil sa’king ginawa, gayunpaman ay wala pa rin akong pakialam sa kanila.
Inaasahan ko ang paghingi ng tawad ni Randy at gusto kong marinig ang isang magandang paliwanag mula sa kaniya dahil sa ginawang kasalanan.
Ngunit sa halip na gawin niya iyon ay umaaksyon pa siya na parang walang ginawang mali kung kaya mas naiirita ako sa kaniya.
“May nalimutan ba akong date natin? Mayroon ba akong hindi nabili sa mga request mo? Nakalimutan ko bang magsuot ng condom sa huli nating pagniniig? Nabitin ka ba-” Lumagapak ang kanang palad ko sa kaliwa niyang pisngi dahilan para mahinto siya sa kaniyang pananalita.
“F*ck you!” galit kong bulalas.
“Ano bang ikinagagalit mo?” Kumunot ang kaniyang noo na para bang naguguluhan sa mga sinasabi ko.
“Stop acting like you don't know what you did to me!”
Nag-igtingan ang kaniyang mga panga habang panay taas baba ng dibdib niya. Namumula na rin ang kaniyang mukha at halatang tinitimping hindi sumabog ang galit.
“Ano ba ang ginawa kong mali? Paano ko naman malalaman kung hindi mo ito sasabihin sa’kin?” mahinahong wika ni Randy kaya nagpakawala ako nang mapangutyang tawa.
“Nagpaalam ka sa’kin na mag-a-out of town kayo dahil sa bagong project na ila-launch ng inyong kumpanya. Pero hindi mo sinabi sa’kin na may ibang babae pala ikaw na paggugugulan mo ng iyong oras!” puno ng pait kong salaysay.
Nakita ko ang bahagyang pagkatigagal niya at kapagkuwa'y ang pagpatak ng malamig na pawis mula sa kaniyang noo.
“H-hindi ko alam iyang sinasabi mo,” kandautal niyang turan.
“Sinungaling ka!” sigaw ko na muling umagaw sa pansin ng mga taong narito sa may Cafelod.
“Becky, please... calm down!” Pilit na akong pinatatahimik ni Randy habang papalapit nang papalapit siya sa’kin.
Dahil sa ginawing iyon ni Randy ay nagkaroon siya ng pagkakataong mahapit ako sa’king baywang.
“Pasensiya na kayo sa girlfriend ko, medyo mainit lang ang ulo niya dahil sa kaniyang buwanang dalaw!” aniya sa mga taong patuloy na nakatingin sa aming dalawa.
Ubod tamis pa niyang nginitian ang mga iyon at saka kinindatan na akala mo talaga’y isa siyang sikat na artista.
“Would you like a glass of water, Sir?” tanong ng waitress na pakiramdam ko ay sinadyang agawin ang pansin ni Randy.
“Yes, please.” Matamis na ngumiti ang huli sa waitress na agad nagsalin ng malamig na tubig sa loob ng goblet na basong naroon sa ibabaw ng lamesa.
Nang makaalis ang waitress ay kinuha ko ang goblet at dinala iyon sa ibabaw ng aking mga labi upang simsimin ang lamang tubig niyon.
Nakaramdam ako ng kaginhawaan sa lamig ng tubig, pero hindi nabawasan niyon ang galit na aking nadarama.
“What is wrong with you, Becky? Are you seriously okay?” tanong niya na nagpaawang sa bibig ko.
Nagsisimula na akong makaramdam ng pag-aalinlangan dahil sa hindi ko siya makitaan ng kakaibang pagkilos na para bang hindi niya talaga ginawa ang ibinibintang ko sa kaniya.
“Stop all your petendings!” may riin kong sabi.
“You know what...” Ipinasok ni Randy ang kaniyang kamay sa loob ng bulsa ng suot niyang pantalon at mula ro’n ay naglabas siya ng ilan libong halaga ng pera saka inihampas iyon sa may ibabaw ng lamesa.
“Heto ang pera pambayad sa tubig na nainom mo. Kapag nahimasmasan ka na sa iyong kapraningan, saka mo na ulit ako tawagan para makapag-usap tayo ng maayos!” dagdag pa niyang sabi.
“Wait!” Pigil ko sa kaniya ng akmang tatayo na siya mula sa pagkakaupo.
Dinukot ko ang telepono ko mula sa loob ng aking bulsa at saka binuksan ang mensaheng ipinadala niya noong nakaraang araw.
“Ngayon mo i-deny sa’kin ang ginawa mong kasalanan, Randy!” Idinuldol ko sa kaniyang mukha ang telepono upang ipapanood ang video na siya mismo nagpasa sa’kin.
Nanlaki ang mga mata niya at gulat na gulat sa kaniyang napanood. Halatang hindi niya inaasahang mayroon siyang sèx scandal at ang mas nakakapagtaka pa sa kaniya ay parang ‘di niya alam na siya mismo ang nagpasa.
Kapwa nakahubad silang dalawa ng babae at mapapanood mula sa video kung paanong sarap na sarap siya sa pag-ungol habang panay ang indayog ng babae sa ibabaw ng kaniyang katawan.
Sinasabi pa nga niyang walang-wala ako sa kalingkingan ng galing ng babaeng kaniig niya.
“F*ck! Hindi ako iyan!” matigas na bulalas ni Randy upang iligtas ang kaniyang sarili mula sa napapanood naming video.
Nang-uuyam na ngiti ang ipinaskil ko sa’king labi. “Account mo mismo ang nagpadala niyan at ‘di kung sino-sino lang na taong may galit sa’yo.”
Inagaw ko mula sa kamay ni Randy ang aking telepono saka tumayo na upang lumabas ng Cafelod.
“Becky!” tawag sa’kin ni Randy.
Hindi ko siya pinansin o nilingon man lang. Ayaw ko muna siyang makita at ang lintik kong puso ay nasasaktan.
‘Di ko rin alam kung bakit gayong laro lang naman ang relasyon namin dalawa. Ang tanging gusto ko lang talaga noon mula sa kaniya ay ang galing niyang magpaligaya sa kama.
Marahil tama nga siya, mas mainam na saka na lang kami mag-usap kapag hindi na ako praning.
Pero mas makabubuting ‘wag na lang talaga kaming magkita upang sa gayon ay madaling maghilom ang hapdi ng sugat sa’king dibdib.
Hindi ko na namamalayang pumapatak na pala ang mga luha mula sa gilid ng aking mga mata.
Saka ko pa lamang namalayang umiiyak na pala ako nang marinig ko sa’king labi ang mahina kong paghikbi.
Bakit nga ba ako umiiyak para sa kaniya? Ilan beses na ngang nasasayang ang mga luha ko para sa mga walang kwenta na lalaki, tapos iniiyakan ko siya?
Hindi naman siya kagwapuhan kagaya nang sinabi ni Wendy.
Iyon nga lang ay may ibubuga si Randy pagdating sa sèx dahil napapaungol niya ako.
Lintik! Huwag kong masabi-sabi na ng dahil lang sa galing niyang makipag-sèx kaya ako umiiyak para sa kaniya. Eeww!
“Mas magaling pa rin ang gwapo mong bartender umindayog!” hiyaw ng maliit na tinig mula sa sulok ng aking isipan.