“Tumabi ka sa daraanan ko,” taboy ko kay Randy.
Hindi niya pinansin ang aking sinabi, bagkus lalo pa nga siyang humarang sa aking daraanan.
“Becky, please. Listen to me.” Ginagap niya ang mga kamay ko at dinala iyon sa tapat ng kaniyang mga labi.
Mainit ang buga ng kaniyang hininga dahil sa nararamdaman ko ang paghalik ng labi niya sa aking mga kamay.
“Aminado akong may pagkakamali ako sa’yo dahil nalasing ako ng sobra ng mga oras na iyan, pero sa maniwala ka man o hindi ay sinet-up lang ako ng mga kasamahan ko niyan para maipadala nila sa’yo ang video upang tuluyang masira ang ating relasyon,” paliwanag ni Randy.
Mapang-uyam na ngiti ang pinakawalan ko at sinabing, “bakit pa nila kailangang gawin iyon? Ano ba ang mapapala nila kung magkasira man tayong dalawa? At kung iyon nga ang goal nila, pakisabi na lang sa kanila na salamat!”
Napansin ko na bahagyang natigilan si Randy at tila hindi inaasahan ang mga ipinahayag ko sa kaniya.
“Simula sa araw na ‘to, malaya ka nang humanap ng ibang babaeng pwede mo nang ipalit sa akin. Gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin dahil wala akong pakialam na sa’yo!” Inagaw ko ang mga kamay ko mula sa mga kamay niya at sabay tabig sa kaniya para maalis siya sa aking daraanan.
“Becky!” Muli na namang humarang si Randy sa’king daraanan kaya nakaharap ko na naman siya.
“Tumabi ka nga!” bulyaw ko sa kaniya.
“No!” Idinipa naman niya ang kaniyang mga braso upang iharang ng husto sa akin.
“You know what? Hindi ka gw-” Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng dahil sa naagaw ang atensyon ko ng taong pumasok mula sa may pintuan ng Cafelod.
Ang maitim na kulot-kulot na buhok ng taong iyon ay nakikilala ko at hindi nga ako nagkamali nang ibaling pa nito ang tingin sa direksyong kinaroroonan ko. Tila nanigas ang mga binti ko mula sa aking kinatatayuan nang mapagsino si Stephen.
Sinalubong ko ang mga titig ng malamig niyang asul na mga mata habang akala mo'y isa siyang artistang naglalakad palapit sa kinaroroonan ko.
Ang kaniyang malamig na kulay asul na mga matang iyon ang nakatawag ng pansin ko simula pa man noong nakilala ko siya.
Kahit ano naman kasing pilit ko na iwasang titigan ang mga ‘yon ay patuloy pa rin akong hinahatak na titigan, kaya nawawala ang konsentrasyon ko sa aking sarili.
Tumuon ang tingin ko sa kaniyang mamula-mulang mga labi. Nag-init bigla ang aking pakiramdam nang maalala ang mainit naming halikan.
Halikang hindi lamang isang beses na nangyari kundi maraming beses pang naulit!
Ipinilig ko ang aking ulo kaya nagawi ang paningin ko sa kaniyang maskuladong katawan.
He was looking totally hot!
Sa suot niyang black leather jacket na tinernuhan ng maong na pantalon at puting rubber shoes, para siyang isa sa mga modelo ng mga damit na talagang bagay na bagay sa kaniyang pormahan.
Bumaba ang tingin ko sa namumukol na bagay sa pagitan ng kaniyang mga hita. Ilan ulit din akong napalunok laway para pigilin ang aking sariling mag-isip ng ‘di karapat-dapat na scenario lalo pa at malaswa ang mga iyon.
Alam kong matindi na ang pamumula ng mga pisngi ko sa mga sandaling ito dahil sa paglitaw ng hubad niyang katawan sa aking imahinasyon.
“Ehem!”
Bumilis ang pagpintig ng puso ko nang hilahin ako ng malalim na boses ni Stephen dahil sa kaniyang pagtikhim.
Umangat ang tingin ko sa mukha niya at napansin ko ang mapaglarong ngiti mula sa sulok ng kaniyang labi. Ang ngiting iyon ay ipinapabatid sa’kin na nahuli niya akong nakatitig sa kaniyang katawan.
Nag-iinit ang magkabilaan kong pisnging tinikwasan ko siya ng isang kilay upang maitago ang totoo kong nadarama.
“Why are you here?” mataray ko pang tanong sa kaniya.
Kung ba’t naman kasi pinaglaan ko pa ng oras na pagmasdan ang katawan niya, lalo na iyong naghuhumindig na bagay sa pagitan ng kaniyang mga hita.
“Who is he?” tanong naman ni Randy ang nagpalingon sa aking ulo.
Kung pagkukumparahin ko silang dalawa ni Stephen ay masasabing wala siyang binatbat sa huli. Kung katawan kasi ang pagbabasehan ay talo na agad siya.
Puro yabang lang ang kayang ipanlaban ni Randy kay Stephen iyon ang natitiyak ko.
“Becky, siya ba ang dahilan kaya ka nakikipaghiwalay sa’kin?” madrama pang tanong sa’kin ni Randy.
Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko habang iniisip ang kaniyang itinatanong. Saka pa lamang tuluyang tumino sa’king isipan ang tunay na dahilan nang pagpunta ko rito sa Cafelod.
“You are cheater, Randy!” mariing turan ko nang makabawi mula sa sandaling pag-iisip.
“No, I'm not!” sigaw niya. “I won't do anything to hurt you. Ang anumang napanood mo mula sa video na iyan ay puro kasinungalingan lamang!”
Mapait na ngiti ang itinugon ko sabay hawi sa kaniya upang tuluyan siyang iwanan.
Napasinghap ako sa ginawa ni Randy nang isandal ako sa pader. “Mahal kita kaya hindi ako papayag na maghiwalay tayong dalawa.”
Idinikit niya ang kaniyang ulo sa noo ko habang matiim na tumitig sa mga mata ko.
“Stay away from her!” Naalog ang buong katawan ko dahil sa marahas na paghila ni Stephen sa isa kong kamay.
“Mahal kita, Becky!” Hinawakan naman ni Randy ang magkabilaan kong pisngi gamit ang kaniyang dalawang kamay. “Hayaan mo sanang patunayan ko sa iyo.”
Siguro nga ay sinet-up lang si Randy ng kaniyang mga kasamahan para masira kaming dalawa, ngunit hindi pa rin kami pwedeng magkatuluyan dahil si Stephen ang nakatakda kong maging asawa.
Nangako na ako sa'king ina at ayoko na muling maging dahilan nang pagbagsak ng kaniyang kalusugan.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para hayaang maglandas ang aking mga luha.
"I'm sorry, Randy, our relationship is over!" kapagkuwa'y bulalas ko at saka umatras papalayo sa kaniya.
“No!” Sinubukan niyang lumapit muli sa’kin. “Hayaan mo munang ayusin ko ang problema, Becky.”
“Wala ka nang maaayos dahil sinira mo na ang tiwala ko!” mariing hayag ko at itinulak ko siya palayo.
“Becky, please!” nagsusumamong sambit nito sa aking pangalan.
“I have one rule.” Itinaas ko ang isang daliri ko sa tapat ng kaniyang mukha. “That rule is everybody's rule.”
“Gagawin ko ang anumang rules na gusto mo,” wika naman ni Randy.
May pait sa’king labi nang ngumiti sa kaniya habang sinasalubong ang titig niyang puno ng lungkot.
“Just tell me, Becky.”
“Don’t lie to me!” mariin at puno ng bigat ang bawat bigkas ko sa mga kataga.
Tumalikod na ako saka nagsimulang humakbang paalis. Aabutin pa sana ako ni Randy nang harangin siya ni Stephen.
“Excuse me, sino ka ba sa buhay ni Becky?” Napahinto ako sa paglakad dahil sa narinig na tanong na iyon ni Randy.
“Wa-”
“Asawa niya ako!” Naumid ang dila ko dahil sa itinugong iyon ni Stephen.
“Ano?!” Gulat na gulat at halos hindi makapaniwala ang reaksyon ni Randy.
Well, kahit sinong tao talaga ay magiging ganoon ang reaksyon kapag nalamang may asawa na ang kaniyang girlfriend na nakikipag-break up pa lang.
E ‘di wow!
“Totoo ba ang sinabi ng lalaking ‘to, Becky?” tanong sa’kin ni Randy.
“Huwag kang nagpapaniwala sa kaniya.” Hindi ko malaman kung ngingiti ba ako o pananatilihin na lamang ang kalamigang una kong ipinakita kay Randy.
Ang lokong Stephen na ‘to kasi kung anu-ano ang pinagsasasabi.
Ngumiti si Randy na tila nabuhayan ng pag-asa sa aking ipinahayag. Muli sana siyang lalapit sa akin ng mula sa likuran ko ay humarang naman ang katawan ni Stephen.
“Ayaw na sa iyo ni Becky kaya huwag mo nang ipagpilitan ang sarili mo sa kaniya. Balikan mo iyong babaeng ginawan mo ng sèx scandal video para may mukha pa siyang iharap sa ibang tao. Be a man, dude!” matigas nitong pahayag.
Natuwa ako sa mga narinig ko buhat sa kaniya. Hindi ko alam na may ganito rin pala siyang kabaitan kahit na ‘di halata mula sa kaniya.
“Ba’t ka ba nakikialam sa amin ni Becky? Hindi ka naman niya boyfriend, ni hindi ka nga asawa!” inis na saad ni Randy.
Napasinghap na lang ako ng bigla akong hapitin ni Stephen sa aking baywang at walang anumang salitang lumapat ang kaniyang labi sa labi ko.
Halik na gusto nang pugtuin ang aking hininga dahil sa lalim ng kaniyang nilulusob.