Chapter 20

1520 Words
Wala pa nga sanang planong tumigil si Stephen sa paghalik sa’kin kung hindi ko siya itinulak sa kaniyang dibdib. “Huwag kang abuso!” nandidilat ang mga matang bulong ko sa kaniya. “Sinasabi ko lang sa kaniya ang totoo, Baby.” Napangiwi ako nang marinig ang endearment na ginamit niya sa'kin. “No. It must be joking!” hiyaw ni Randy na gumawa pa ng hakbang para atakihin si Stephen. Hinigpitan ni Stephen ang pagkapit sa aking baywang at itinago ako sa may kaniyang likuran. Gaya nga nang inaasahan ko ay walang laban si Randy kay Stephen. Balewala lamang ang pag-atake ng una sa huli dahil sumemplang lang din naman siya sa pader. “Umalis ka na, Randy!” saway ko sa lalaki. “Come on, Love, you can't do this. It was all a misunderstanding,” wika ni Randy habang humahakbang palapit sa'kin. Inunat nito ang kaniyang mga kamay para abutin ang aking mukha. Umatras naman ako palayo sa kaniya kung kaya hindi natuloy ang akmang paghawak niya sa akin. “We can fix this, Becky.” Sinasabi pa nito na parang ang kaniyang sarili mismo ang kinukumbinsi. Hindi ako umimik sa halip ay ibinaba ko ang ulo ko at tumitig sa lupa para iwasan ang nagsusumamo niyang titig. “Sorry ka na lang, Dude, ‘di mo iningatan ang relasyon ninyong dalawa!” wika ni Stephen sabay bitiw ng kamay niya mula sa paghawak sa’king baywang at saka inilipat iyon sa balikat ko. Inangat ko ang mukha ko upang harapin siya. May pagbabanta na sa aking mga tingin habang hinihila niya ko papalapit sa kaniyang katawan upang ipasandal. “Becky is a good one, and thanks to you for dumping her for another woman. She's all mine now!” mapang-asar na bulalas ni Stephen na kinindatan pa si Randy. “Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo!” Dinuro-duro ni Randy si Stephen sa dibdib na akala mo’y may ibubuga talaga kapag pinatulan siya ng huli. “Maniwala ka man o hindi ay wala akong pakialam. Afterall, sa’kin pa rin si Becky nakatakdang ikasal kaya stay away from her!” mapang-angking wika ni Stephen. “You shouldn’t have done this to me!” galit na hiyaw sa’kin ni Randy. “Go away, Randy, ikaw ang nagloko!” nagngangalit ang mga ngiping tugon ko. “Huwag mo na akong tatawagan o ite-text pang muli!” wika niya na halata ang labis na pagkainis sa kaniyang mukha. Nagpapapadyak na tinalikuran ako ni Randy saka mabilis na naglakad paalis. Napailing na lamang akong tinanaw siya at wala sa sariling napasabing, “bakit ko ba nagustuhan ang kumag na iyon?” “F*ck!” Narinig ko ang malutong na mura ni Stephen na sinabayan pa ng kaniyang pagtawa. Nang masiguro kong wala na nga sa paligid si Randy ay mabilis kong inalis ang aking sarili mula sa pagkakaakbay ni Stephen. “Is that how you thank me for saving you from him?” “Wala akong sinabing iligtas mo ako sa kaniya dahil kayang-kaya ko ang sarili ko!” pabulyaw kong tugon. “Tsk!” Nawalan ako ng balanse mula sa pagkakatayo nang hapitin muli ni Stephen ang aking baywang. “Ano ba?!” singhal ko sa kaniya. “Who is he?” tanong niya na nagdulot ng kakaibang kilabot sa aking pakiramdam. “None of your business!” patuloy kong asik. Hindi ko alam kung dahil sa sobrang lapit naming dalawa kaya natataranta ang mga kalamnan ko sa katawan. “What if it is?” mapang-asar niyang tanong. Nagpupuyos sa inis ang dibdib ko lalo nang mapansin ang pagkaaliw mula sa kaniyang mga mata. Pakiramdam ko’y pinaglalaruan niya ako kung kaya binato ko siya ng masamang tingin. “Hoy, Stephen! Kung inaakala mong nakalimutan ko na ang mga nagawa mong kasalanan, nagkakamali ka ng akala!” Pinanliitan ko siya ng mga mata ko. “Ano bang kasalanan ko?” naaaliw niyang tanong na parang hindi man lang nababahala sa nakikitang simangot ng itsura ko. Nanunukso pa ang kaniyang ngiti sa labi kaya tuloy ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking magkabilaang pisngi. Tinalikuran ko siya para maitago mula sa kaniya ang paniguradong pamumula ng mga iyon. Tiyak kong lalo siyang bibilib sa kaniyang sarili kapag makita niya ang itsura ko. “Need a ride home?” Narinig ko ang paghakbang ng kaniyang mga paa. “No. Thank you!” sagot ko nang hindi siya tinitingnan at saka nagsimulan na akong maglakad. “I can be your driver.” Pangungulit pa ni Stephen. Nakukunsuming hinarap ko siya saka binulyawan. “Get out of my life!!!” “Woah, relax!” natatawa niyang sabi. Kalmado ang kaniyang itsura samantala ako naman ay parang dragon na. Isang bwelta pa niya anumang oras ay tiyak ko na bubuga na ako ng apoy sa kaniya. “Can you please stop pestering me?!” inis kong sabi. Unti-unting nawala ang ngiti mula sa kaniyang mga labi. “Hindi ko gustong pestehin ka,” seryoso niyang tugon. “E, ano sa palagay mo ang ginagawa mo, nagpapa-cute lang?” nang-uuyam kong tanong. “Nothing!” Ngumisi siya bigla at kunwari ay nagmasid pa sa mga taong dumaraan mula sa aking likuran. Nagkatitigan kaming dalawa nang magtama ang aming mga mata. Ang kaniyang nagyeyelong asul na mga mata ay kumikislap na parang mga diyamante. Maganda ang maputi-puti niyang balat na mukhang alaga sa pahid ng lotion na pampaputi. Gusto ko siyang purihin at sabihan kung gaano siya ka-hot sa kaniyang kasuotan dahil nabighani ako sa hitsura niya. Ipinilig ko ang aking ulo saka humakbang na paalis. Nakakailang hakbang na nga ako palayo sa Cafelod nang mapansin ko si Stephen na sinusundan ako. “Ano ba talagang kailangan mo?” bulyaw kong tanong sa kaniya. “Ba’t ka ba sunod nang sunod sa’kin?” “I’m sorry but this road is going to the parking lot where my car was parked,” tugon niya. “Oh, talaga lang ha?!” Nagpapapadyak na umupo ako sa may sidewalk. “Mauna ka nang lumakad para mapuntahan mo na ang iyong sasakyan.” Hindi umalis sa harapan ko si Stephen, bagkus umupo pa nga siya sa aking tabi sabay dukwang ng kaniyang mukha sa mukha ko. Pakiramdam ko’y tumigil ang mundo ko nang salubungin ng titig ko ang kaniyang nagyeyelong asul na mga mata. “You look hot...” pabulong niyang usal. Sigurado akong pulang-pula na ang mga pisngi ko dahil nararamdaman ko na naman ang pag-iinit ng mga iyon. “A-are you trying to flirt with me?” ‘Di ko alam kung ba’t iyon ang naitanong ko sa kaniya. “Whatever you call for it!” Lumitaw ang mapuputi niyang mga ngipin nang ngumiti siya. Mula sa kaibuturan ko ay naramdaman ko ang kakaibang init na tila ba gustong kumawala, kaya nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi. Nagbalik sa mainit naming pagniniig ang aking imahinasyon. Ilang ulit din akong lumunok ng laway at itinikom ang aking mga hita. Pakiramdam ko’y gusto kong maulit ang sandaling iyon. “You want to say something” tanong niya na tila nababasa ang naglalarong tagpo sa’king isipan. Ipinilig ko ang ulo ko upang iwaksi ang mapang-akit na tagpo. Ibinaling ko sa ibang direksyon ang mga mata ko upang iwasan ang matiim niyang mga titig na nagbibigay ilang sa'king pakiramdam. Nakipaghiwalay ako kay Randy dahil niloko niya ako. Gusto kong saktan siya nang husto para pagsisihan niya ang kaniyang ginawang panloloko sa akin, pero nagbago na ang isipan ko. Narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa kung kaya nilingon ko siya. “Anong nakakatawa?” tanong ko saka pinanliitan ko siya ng mga mata ko. “Kaya ka ba nakipag-sèx sa’kin?” balik tanong niya sa'kin. “Lasing lang ako noon kaya ko ‘yon nagawa, pero kung walang espiritu ng alak ay hindi ko naman iyon gagawin dahil una sa lahat, hindi kita kilala!” mariin kong sagot upang depensahan ang aking sarili. “So ngayon na magkakilala na tayong dalawa ay papayag ka ng makipag-sèx ulit sa’kin?” muli niyang tanong. “No way!” bulalas ko saka pinaikutan siya ng mga mata ko. Aminado naman akong iniisip ko iyon kanina na mangyari, pero nagbago na rin ako ng isipan nang maalalang hindi kami bati. Nabalik ang isipan ko sa katabi nang marinig ang kaniyang mahinang pagtawa, pero imbes na mainis ay natuwa pa yata akong marinig ang kaniyang halakhak. “Nai-inlove ka na sa'kin, no?” tanong niya matapos akong mahuling nakatitig sa kaniya. “Ang kapal!” nanghahaba ang ngusong tugon ko sabay tayo mula sa pag-upo sa may sidewalk at walang lingon likod na naglakad palayo. Sa lahat ng mga lalaking nakilala ko, si Stephen talaga ang pinakakakaiba sa kanila. Siya lang naman kasi ang lalaking walang ibang alam gawin kundi ang bwisitin at inisin nang inisin ako. Ano kayang nakita ni mommy sa kaniya at siya pa ang napiling ipakasal sa akin? Paano naman mapapabuti ang buhay ko kay Stephen, kung sa kaniya pa lang ay tila magkakaroon na agad ako ng sakit na highbloob? Mabuti na lang talaga at ‘di ako mahilig sa matatabang karne!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD