'Di maipinta ang gwapong mukha ng lalaking kaharap ko, pero kunwari ay wala akong pakialam sa kaniya kahit na lihim akong naiilang. "Huwag mo nga akong titigan!" asik ko saka pinanliitan ko siya ng mga mata ko sabay irap. Narinig ko ang pagbuga ni Stephen ng malalim na buntonghininga. Patuloy ko naman siyang inirapan na may kasama pang pagbulong-bulong. "Ilang lalaki pa kaya ang kahaharapin ko?" tanong niya sa'kin na tila wala sa kaniyang sarili. "Hindi ko kasalanang maganda ako!" sagot ko sa kaniya habang nakatikwas ang isa kong kilay. Marahas siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa upuan at saka inisang hakbang ang pagitan naming dalawa. Gahibla na lamang ang pagitan namin dahil sa kaniyang ginawa. "Hindi mo naman talaga kasalanan na maging maganda kaya nga isa rin ako sa mga nahuhumal

