Pakiramdam ko’y malapit na akong mambatok ng taong kaharap. Ni wala man lang siyang pag-explain kung sino ang babaeng kasama niya. “Hello!” Ipinitik ko ang dalawang daliri ko sa harapan ng kaniyang mukha para untagin siya sa pagtitig sa’kin. “Sino siya?” nakanguso kong tanong habang pinagmamasdan ang babaeng katabi niya. Pasimple akong tumingin sa katawan kong dibdib lang ang pwedeng ilaban dahil sa hubog ng katawan ng babae ay higit na lamang siya kaysa sa akin. Umismid ako dahil wala akong laban sa pagiging sexy nito. Napakaliit ng baywang at halata namang mas bata sa’kin ng ilan taon. Wala pa rin imik si Stephen kaya sa inis ko ay humakbang ako papalapit sa kaniya. Iyong lapit na halos gahibla lang ang pagitan namin dalawa. Hindi ko na nga binigyang pansin muli ang kasama niyang b

