Chapter 4

1522 Words
Mabilis akong umalis sa kaniyang tabi at dali-daling pinulot ang mga damit kong nagkalat sa may sahig. ‘Di ko inalintana ang kaniyang pagtitig sa'kin. "Hey!" Pigil niya ng akmang lalabas na ako ng silid matapos makapagbihis. Tulad ko ay bihis na rin si Stephen at ‘di ko man lang namalayan ang kaniyang ginawang pagbihis dahil kupado ang isipan ko ng isiping ipinutok niya ang kaniyang semilya sa loob ng aking sinapupunan. "Bakit ka ba nagmamadaling umalis?" tanong pa niya. "Tapos na ang paglalaro." Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Binuksan ko ang pintuan at agad nang lumayo mula sa silid na iyon. Iniisip ko na kung saan posibleng naroon si Wendy upang sa gayon ay mapuntahan ko siya. Sa pagkakaalala kong sinabi nito ay sa counter lamang siya tatambay para maghintay pero pagdating ko roon ay wala siya. "Sh*t!" ungot ko nang bumangga ang noo ko sa malabatong katawan ng sinumang taong nakasalubong ko. Tumingala pa ako upang kilalanin sana ang taong iyon, ngunit gano’n na lamang ang panggigilalas ko nang makilala kung sino siya. Si Anton ang taong nabunggo ko. Siya lang naman ang siraulong pinagbigyan ko na makaniig dahil sa pag-aakalang mabait siyang tao. Ngunit nagkamali ako ng akala dahil sa kalagitnaan ng aming pagtatalik ay kung anu-ano na ang gusto niyang gawin sa’kin. Gusto niya lang naman ipasok ang maliit na flashlight sa loob ng aking ari kaya sa matinding inis ko sa kaniya ay sinipa ko siya sa ari at saka nilayasan. "Becky!" Malisyosong tiningnan ako nito. "Anong ginagawa mo rito?" Dumila-dila pa siya sa ibabang labi niya. "Hindi ako si Becky!" mataray kong turan. "Oh, come on! Pa’no ko ba malilimutan ang isang tulad mo?" Iniluwa nitong muli ang kaniyang dila sabay hagod sa labing nanunuyot na animo'y disyertong lupa dahil sa bitak-bitak niyon. Naaalertong humakbang ako paatras upang mapalayo sa kaniya at ng hindi kami magkalapit na dalawa. Ngunit sa ginawi kong ‘yon ay lalo lamang akong nasukol ni Anton sa pader. "Bakit mo ko iniiwasan?" Langhap ko ang kaniyang mabaho at amoy alak na hininga. “Stay away from me!” mariing hayag ko. “Matapos ang gabing pinagsamahan natin?” Humagod ang isa niyang daliri sa’king pisngi. “Gusto mong layuan agad kita.” Kung wala lang ibang taong naroroon sa lugar ay tiyak na nagprotesta na ako sa tagal nang pagdaiti ng kaniyang daliri sa aking balat. Nandidiring iniiwas ko ang mukha mula sa magaspang niyang mga daliri, ngunit maagap niyong napisil ang pisngi ko. “Huwag mo akong dramahan Becky dahil alam mo naman kung anong kaya kong gawin sa iyo.” Napaigik ako sa sobrang bigat ng kaniyang mga daliring pumipisil. Tila ba gustong-gusto na akong durugin ni Anton sa paraan ng kaniyang pagpisil sa’king pisngi. “Bitiwan mo ako!” bulalas ko at pilit nagpumiglas upang makakawala mula sa kaniya. Sinubukan kong ipaling ang aking ulo sa kaliwa para makakawala sa kaniyang pagpisil, pero ang mga daliri naman niya ay animo'y mayroong pandikit na hindi mapaalis-alis sa aking pisngi. “Ano ba, Anton!” galit kong bulalas kahit pa nga nasasaktan na ako. “That's great, Becky! Moan my name. Moan it!” baliw niyang wika at idinikit pa ang kaniyang ibabang hinaharap sa tapat ng aking puson. Ikinaskas nang ikinaskas ni Anton ang kaniyang namumukol na hinaharap sa akin na para ba siyang aso. Gumulong ang mga luha mula sa gilid ng aking mga mata. Nag-iiba ang tingin ko sa kaniya dahil para siyang may sungay sa magkabilaan niyang ulo sa aking paningin. Nang dinakma ni Anton ang isa kong dibdib ay parang nayanig ang buo kong katawan. Nayanig hindi dahil sa ginawa niyang pagdakma kundi dahil sa kaniyang pagtilapon sa kabilang pader. “Stephen,” sambit ko sa pangalan ng lalaking kani-kanina lamang ay kaniig ko. “Are you okay?” Nahimigan ko ang pag-aalala sa kaniyang tinig nang itanong iyon sa akin. Maagap nasalo ng kaniyang mga braso ang katawan kong nanghihina at bigla na lamang bumuway sa pagkakatayo. Hindi ako halos makapagsalita dahil ramdam na ramdam ko ang pangangalay ng mga panga ko dahil sa mariing pagpisil doon ni Anton. “Sh*t!” Hindi pa nga ako nakakahuma mula sa nangyari ay muling naalog ang katawan ko sa ginawang pagsuntok ni Anton kay Stephen. Gumanti ang huli at hindi pumayag na ‘di makabawi kahit pa nga hawak ako ng isa niyang braso. Wala naman akong ibang magawa kundi ang tumili nang tumili dulot ng pagbuno nilang dalawa. At kahit panay naman ang suntukan nilang dalawa ay hindi pa rin hinahayaan ni Stephen na ako ang siyang matamaan ng suntok. Palagi niyang inihaharang ang kaniyang sariling katawan upang saluhin ang mga suntok na iniuunday ni Anton na tila ba sinasadyang ipatama sa’kin. Gwapo, matangkad, makisig, at maskulado ang pangangatawan ni Stephen kumpara kay Anton kung kaya walang panama ang huli. Nakikita ko mula sa gilid ng mga mata ko na pinagtitinginan na kami ng mga taong naroroon. Gustuhin man siguro nilang umawat ay natatakot din silang gawin dahil baka sila ay maramay. Napagtanto kong nasa loob nga pala kami ng bar at sa pagkakaalala ko ay bartender doon si Stephen. “Tama na...” Umiiyak kong niyakap sa kaniyang baywang si Stephen para pigilan siya sa akmang pagsuntok muli kay Anton. Nang tumingala ako sa kaniya'y seryoso niyang mukha ang sumalubong sa akin. Marahil kung kami lang sigurong dalawa ang taong naroon ay tiyak kong marami na siyang sasabihin. Aaminin kong kakaiba ang hatid na init ng kaniyang paghawak sa’kin. Tila ba hinahaplos ng mainit na palad ang nilalamig kong puso. Napasinghap na lang ako nang hilahin niya ang aking kamay. Para tuloy akong biglang nawalan ng lakas kaya hindi ko binawi sa kaniya ang kamay ko. Nagpaubaya na lamang ako sa kaniya nang umalis kami sa lugar na iyon at narating namin ang parking lot ng bar. Natagpuan ko ang aking sarili kasama ni Stephen, na nakatayo sa may harapan ng isang mamahaling sasakyan. Isang sasakyang natitiyak kong mahal dahil bukod sa nangingintab pa iyon ay walang bahid ng anumang gasgas. “Get in!” Napapitlag ako nang dumaiti ang kamay ni Stephen sa’king siko. “H-hindi na. Uuwi na ak-” “I said, get in!” Napalundag ako dahil sa gulat. Buong-buo ang kaniyang tinig na para bang gusto niya na akong kainin ng buo oras na hindi ako sumunod sa kaniya. Mabilis siyang umikot sa may driver seat at agad na sumakay roon. Tumagilid siya paharap sa’kin at kinabig ako ng braso niya. “Who the hell is he?” nagtatagis ang kaniyang mga ngipin nang itanong iyon sa’kin. “S-si A...” Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang binalot ng malaking kamay niya ang isa kong hita. Naramdaman ko ang mga daliri niyang humagod sa pagitan niyon dahilan para mapasinghap ako. “Wala siyang karapatang hawakan ang pag-aari ko!” Ipinagapang niya pa ang kaniyang kamay pataas hanggang sa humantad ang makinis na kutis ng kandungan ko. Ilang ulit akong napalunok ng laway sa aking lalamunan habang nakaupo at walang imik na nakamasid lamang sa kaniya. Gusto ko man pigilan siya sa kaniyang ginagawa ay hindi ko magawa. Bukod sa natatakot akong gawin iyon ay para ko na rin pinagtataksilan ang sariling katawan ko mula sa kagustuhang muling maramdaman ang init ng haplos niya na nagpapabaliw sa’kin. “S-Stephen...” sisinghap-singhap kong usal sa kaniyang pangalan. “He has no right to touch you.” Lumiliyad ang katawan ko dahil sa matinding init na lumulukob sa'kin. Hindi ko naiwasang mapaungol ng bigla niyang ipasok ang kaniyang daliri sa loob ng aking pagkababaè. “Uuhhmm...” Impit akong ungol dulot ng matinding sensasyong hatid ng kaniyang ginagawa. Natigil ang mainit naming aktibidad ng may kung sinong tao ang bigla na lang kumatok sa bintana ng sasakyan. “F*ck! F*ck! F*ck!” Napapitlag ako sa sunod-sunod niyang pagmumura para sa sinumang taong umaabala sa mainit naming aktibidad. Agad kong inayos ang kasuotan ko saka tipid na ngumiti. Sa pagkakatitig niya sa akin ay nabanaag ko ang labis na inis sa kaniyang mukha. “Harapin mo na iyang nangangatok at mukhang importante ang sasabihin sa iyo.” Dumukwang ako sa kaniya para ayusin ang nagusot niyang damit. Isang malalim na buntonghininga ang kaniyang pinakawalan bago tuluyang hinarap ang taong nangangatok sa may bintana ng sasakyan. Nangingiting pinagmasdan ko si Stephen habang nakabusangot na hinaharap ang security guard na siyang nangatok. Binaba ni Stephen ang security guard at nag-usap sila ng may kalayuan din mula rito sa sasakyan. Napansin kong medyo malalim na ang kunot sa kaniyang noo at nakasimangot na rin siya ng husto kung kaya tinawag ko na. Baka kasi maisipan pa niyang suntukin ang security guard, gayong nagtatrabaho lang din naman iyon katulad niya. Nang nakasakay na siya ay naisipan ko na biruin siya, “marahil mag-isa ka lang sa buhay kaya nakakabili ka ng anumang bagay na naisin mo.” “What do you mean?” Lalong lumalim ang pagkakakunot ng kaniyang noo kahit na nga biro lamang ang aking sinabi. “Wala. Kalimutan mo na lang na may sinabi ako,” tugon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD