Pinauulanan ko ng matatalim na irap si Stephen habang nasa harapan kami ng hapag-kainan. “Why do you look mad?” tanong ni Mommy dahilan para maalis mula sa binata ang aking tingin. “Nothing!” may iritasyon sa tinig ko nang isagot iyon. Pilit kong pinipigilan ang sariling ‘di matarayan ang aking ina dahil lang sa panggigigil sa lalaking kanina ko pa iniirapan. Pakiramdam ko'y gwapong-gwapo na naman sa sarili si loko habang iniisip ang kung anumang naglalaro mula sa kaniyang isipan. Pakiwari ko tuloy ako iyon! Agh! “Napag-usapan na ba ninyong dalawa ni Stephen kung kailan ang araw ng inyong kasal?” Marahas na hininga ang pinakawalan ko saka sinalubong ang tingin ni mommy. “Opo!” magalang na sabad ni Stephen na tila sinadya ngang unahan akong sumagot. “Mabuti kung gano’n.” Humaplos

