Sa dinami-rami ng araw na pwedeng mabwîsit ay ngayon pa talaga nataon kung kailan naghanda akong maging seryoso sa paggampan ng trabaho. Kung hindi lang nakiusap si mommy na pumunta ako ng kumpanya ay 'di ko rin talaga nanaising pumunta. "Bubulagta na sa sahig iyang mga taong tinititigan mo," wika ni Wendy na umupo sa'king tabi. Tinikwasan ko siya ng isa kong kilay. "Ikaw dapat kakampi ko rito at hindi tagapang-asar." "Sinasabihan lang kita dahil baka 'di mo napapansin na panay ang tingin sa'yo ng ibang empleyado. Subukan mong ilibot iyang mata mo at nang mapansin mo. Dinaig mo pa kasi ang nagseselos na asawa." Pumilantik ang kaniyang dalawang daliri sa harapan ng aking mukha. "Nakakainis kasi!" Pabalagbag akong tumayo. "Nakakainis? Ba't ka naman naiinis?" Napansin ko ang naglalaro

