“Ba’t hawak mo iyan?” tanong ko kay Wendy na napansin ko sa loob ng silid na hawak ang dîldong iniregalo ko sa kaniya. “Regalo mo sa’kin ito, ‘di ba?” tugon niya na tila wala sa kaniyang sariling katinuan. Napangiwi ako sa narinig na kaniyang itinugon. Pumasok ako sa loob ng silid upang alamin ang pakiramdam niya. Sinipat ko pa ang kaniyang noo para siguruhing wala siyang lagnat. Sa totoo lang ay ‘di ko naman talaga regalo ang bagay na iyon sa kaniya. Nakatuwaan ko lamang iyong bilhin nang madaanan ko ang tindahang pinagbilhan ko niyon. Ang nasa isipan ko ng mga oras na ‘yon ay mapasaya siya. “Regalo ko nga pero bakit hawak mo? Huwag mong sabihing ginamit mo?” pabiro kong bulalas. Kinuha ko mula sa kamay niya ang dîldo at gayon na lamang ang panggigilalas ko ng bigla iyong manginig.

