-PRIMO-
“Y O U . . . what?!”, halos panabay na reaction nina Nick at Toni when I told them how I asked Mia to marry me last week.
Sa halip na sumagot ay uminom na lang ako ng alak mula sa baso ko. Andito kami ngayon sa bar ni Paul after these two practically dragged me out of work para daw makapagchill at magkwentuhan.
“What did she say?”, atat na tanong ulit ni Toni.
“What else? Of course....”, my words died as I remember Tito Caloy’s birthday.
“She said no”, halos hindi iyon lumabas bibig ko sabay inom muli ng alak.
“What???”, tanong ni Nick.
Loko ‘to ah! Papaulit-ulitin pa?!, minabuti kong sarilinin na lang ‘yon.
“Of course she’ll say no! Kahit naman ako ang pag-propose’san ng gan’on, no matter how much I wanted to say yes, kung yayain mo akong magpakasal na para bang niyayaya mo lang akong magkape, eh talagang tatanggi ako!”, sagot naman ni Toni.
Sinenyasan ko si Paul ng refill sa baso ko. Tahimik lang itong nakikinig habang nagpupunas ng mga baso at panaka-nakang nagti-tend sa ilang customer na nasa bar counter din
“That’s bull! Kung talagang mahal mo ang lalaki, kahit pa sa basuraan siya magpropose, papayag ka. You women are just so hopeless romantic, kakapanood niyo ng mga kdrama ‘yan eh”, komento naman ni Nick.
“Excuse me, that’s not being hopeless romantic, that’s what you call effort! Kung mahal mo, mag-effort ka! And for your information, I don’t watch kdramas!”,
“Effort... eh ume-effort naman ‘tong bestfriend ko ah! Sobra pa nga sa effort eh! Medical Director and CEO ‘yan ng San Mateo Gen, suma-sideline pang surgeon pag short staff o may emergency, tatay pa, pero lagi n’yang mine-make sure na may oras s’ya kay Mia. And if his schedule is really tight, he makes sure to make it up to her!”
“Aba eh kulang pa nga ya’ng mga ginagawa niya to make up for all the pain he had cause Mia in all those almost ten years!”
“O so gusto mong----”
“Enough!!! Both of you!!!”, ako na ang umawat sa dalawa dahil mukhang ang mga ito pa ang mag-aaway. Kapwa naman natahimik ang mga ito.
“So, what’s your plan?”, tanong ni Toni.
Nagkibit balikat ako tsaka muling lumagok ng alak.
“Wait, that’s it? You’re giving up?”,
“I mean what else can I do? I have offered the greatest offer a man could make to a woman. I offered her my f*cking name, my life... I offered he me! And she still refused. Ano pang dapat kong gawin, Toni? Tell me!”, I said out of pain and frustration.
Mukhang kahit ito ay out of wits na rin dahil hindi rin ito nakasagot.
Maya-maya ay nagring ang cellphone ko na nakapatong lang sa bar counter, but I didn’t even bother answering it.
A few more buzz and Toni decided to take the call. She went a few steps away para makausap ng malinaw whoever was on the other line and came back after about five minutes.
“It’s your Mom, Talia’s homeschool teacher just resigned”, ani Toni as she sat on the barstool next to mine.
“What??? Why?”,
“I think her mom’s sick, so she had to go home to her hometown in, Zambi...Zambo... urgh... somethin Zam!”,
“Zamboanga”, dugtong ni Nick.
“That’s it! You’re useful somehow!”, Toni exclaimed and snapped her finger.
“Anyway, so yeah... I think she’s giving you a weeks notice”,
“Ahhh f*ck! Where on Earth will I find a replacement homeschool teacher in a week?!”, napasabunot ako ng sarili ko sa mas tuminding frustration. Nothing seems to be going my way this last few weeks.
“Why don’t you try enrolling her in a normal school, Primo?”, tanong ni Toni.
“She can’t speak tagalog, I tried enrolling her in one of the preschools here but Mom was called in after an hour ‘cause Talia started crying and the teachers couldn’t pacify her”, paliwanag ko.
“There’s a new preschool in town, Little Angels, ever heard?”, nabaling ang tingin naming lahat kay Paul na biglang nagsalita.
Napakunot ang noo ko.
“Familiar”, sagot ko naman while trying to think when and where did I hear the name.
“Ang alam ko balikbayan ang founder and directress. If you call in and talk to her, she might be able to give you an advice, you know, ‘coz she probably has some experience with children who came from a foreign country”, patuloy ni Paul.
Tumango-tango naman ako, mukhang maganda ang suhestiyong iyon ni Paul.
“Wait, Little Angels you say?”, maya-maya ay tanong ni Nick na tinanguan naman ng pinsan nito.
Saglit itong nag-isip, maya-maya ay may tinawagan ito.
“Hi Tita, sorry, did I catch you on a bad time?”, saglit itong tumigil para pakinggan ang nasa kabilang linya.
“Uhm, nothing really, I was just wondering, would you know anything about Little Angels?”, sa pagkakataong ito ay mas mahaba ang pananahimik ni Nick, mukhang mahaba ang sinasabi ng kausap nito.
“You don’t say???”, tila amazed nitong sabi kapagkakuwa sabay tingin sa akin na para bang may naiisip itong kalokohan. Napakunot naman ang noo ko out of curiosity.
“So you’re saying, na kaibigan niyo si Mrs. Hamilton, na siyang owner and Directress ng Little Angels...and also, Mia’s boss?”, parang nanunuksong sabi pa nito habang nakatingin sa akin ng nakakaloko.
Biglang kumabog ang dibdib ko at the sound of her name.
“I see. Uhm Tita Elen? I may have a tinie-tiny favor to ask of you, it’s about a certain teacher at Little Angels....”, hindi mawala-wala ang pilyong ngiti ni Nick, ano na naman kaya ang nasa isip ng loko kong bestfriend.
-MIA-
N A G I S I N G . . . ang diwa kong napapadalas ang paglalakbay nitong mga nakaraang araw, nang bigla akong hilahin ni Travis braso papalapit sa kanya. Nabunggo pa ang mukha ko sa gilid ng dibdib nito dahil may kalakasan ang ginawa nitong paghila.
“Be careful”, paninita nito. Akala ko ay ako ang pinapagalitan nito, pero nang tingalain ko ito ay sa ibang direksyon ito nakatingin. Sinundan ko iyon at nakita ko ang dalawang binatilyo na kanina ay nagkukulitan nang makasalubong namin.
“Sorry po”, panabay na sabi ng dalawa na nginitian ko na lang.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Travis habang tinatanaw namin ang dalawang lalaki na papalayo na sa amin.
“Are you okay?”, maya-maya ay baling nito sa akin. Ngumiti at tumango naman ako bilang sagot, kahit na ang totoo ay hindi.
Andito kami ngayon sa ospital para sa routine check up ni Papa. Sinamahan ako ni Travis maglakad-lakad habang sumasailalim si Papa sa series of test dahil medyo matagal daw iyon.
“Are you really okay?”, ulit nito.
“O-Oo naman, bakit?”, sagot ko naman at muli nang nagpatiunang maglakad.
“You uh... Y-You seemed to be spacing out a lot lately”, nag-aalangan nitong tugon.
Medyo natigilan ako, pero agad din akong ngumiti nang may ma-realize ako.
“Si Clang o si Macey?”, nakangiti kong tanong.
“H-Ha?”
“Sino lang sa dalawa ang nagsumbong na naman sa ‘yo”,
Natawa na lang ito, mukhang nahuli ko ang plano nito at nang dalawa nitong angels.
“Nag-aalala lang sila sa ‘yo, sabi ni Clang more than a week ka nang parang laging may malalim na inisip, hindi ka rin daw nagkakakain”,
Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago muling ngumiti.
“OA na naman ang kwento ng dalawang ‘yon”
“No?”, tila hindi ito naniniwala at bahagya pa akong nilingon.
“Oo kaya no! Anong hindi nagkakain? Wala na nga akong ibang ginawa kundi kumain at matulog pag day off ko. Papaniwala ka sa dalawang ‘yon”, naiiling ko namang sagot.
Totoo naman ‘yon, malalim ang iniisip pwede pa, paminsan-minsan, pero ‘yong hindi nagkakakain, hindi naman ako na ako teenager para gutumin pa ang sarili dahil lang sa pag-ibig.
Nagkakatawanan kaming dalawa ni Travis nang mapahinto ako. Primo is standing at the end of the corridor, about 2 meters away from us. Nakatitig ito sa amin with a blank expression on his face. I haven’t seen him since Papa’s birthday... since he.... asked me to marry him... Since you rejected him, Mia, bulong ko sa isipan.
Gusto ko sana itong kausapin, kamustahin, mag-explain at humingi rin ng explanation sa biglaan n’yang proposal...kaya lang ay ito ang unang nagbawi ng tingin. Muli nitong itinuon ang pansin sa iba pang mga doktor na ando’n at naging abala sa pagbabasa ng mga charts ng pasyente. Na para bang hindi ako nito nakita. Parang piniga ang puso ko sa isiping balik na naman ito sa dating Primo, ‘yong suplado at laging galit.
Ni-reject mo ‘yong marriage proposal n’ong tao, surely you can’t expect him to be over the moon kapag nagkita kayo di ba?, bulong ng isang bahagi ng isip ko. Wala akong ibang pinagsabihan ng tungkol sa biglaang pagpo-propose ni Primo sa akin, not a single soul. Ayoko kasing magulo pa ang dati nang magulo kong isip ng mga sasabihin o opinyon ng iba.
“Nag-away na naman ba kayo?”, biglang tanong ni Travis. Muntik ko na namang makalimutan na kasama ko pala ito.
Hindi ako sumagot. Nilunok ko ang bikig sa lalamunan ko at ikinurap-kurap ang mata para pigilin ang nagbabadyang luha.
Narinig kong bumuntong hininga ito at tumingin din sa gawi na Primo na hindi na ulit nagtapon ng tingin sa gawi namin.
“I may not be in the position para sabihin ‘to... a-and as unbelievable as it may sound...I am totally on your side”, parang nag-aalangan nitong sabi.
Hindi naman ako kumibo at naghintay na ituloy nito ang sinasabi.
“As I get to know more about your story...parang mas naiintindihan ko na kung bakit at paano nasabi ng mga tao sa paligid niyo n’yo na kayo ni Primo ang perfect couple”,
“Noon ‘yon”, komento ko agad pero napangiti lang ito.
“A-And I know, I completely understand, hurt is an understatement, of what you’ve been through. But...”, huminto ito at tila lalong nag-alangang ituloy ang sinasabi.
“But?”
“Don’t you think na, kung gaano ka nasaktan, malamang ay gan’on din si Primo? I-I mean, I’m not saying na tama ‘yong mga ginagawa n’ya sa ‘yo, nor I’m trying to justify his actions and decisions. Kasi totoo namang nakakagago ‘yong mga ginawa n’ya. What I’m trying to say is... you both loved each other so much. ‘Pag nasasaktan ‘yong isa, it’s equally painful to the other half, if not twice as much... so...”
“So....?”
Muli itong bumuntong hininga na tila nag-iisip kung paano n’ya isasatinig ang gusto n’yang sabihin.
“Don’t you think masyado nang mahaba ang panahong nawala sa inyo para mas lalo n’yo pang pahirapan ang isa’t isa?”
Napaisip ako at muling nilingon si Primo na abala pa rin sa pagbabasa ng chart at pakikipag-usap sa ibang doktor. Parang hindi talaga nito alintana na nandoon lang ako sa malapit.
“Natatakot kasi ako”, halos pabulong kong sagot.
“Saan? Na masaktan ulit?”,
Tumango ako bilang sagot habang ibinabalik dito ang tingin ko. Maya-maya ay ngumiti ito.
“Isn’t that a part of being alive? We love, we get hurt, even by the people we love...and we hurt people... even those that we love. Pero hindi ibig sabihin n’on na hindi na totoo ang pagmamahal natin. It simply means...we’re just....human”, nakangiti pa rin nitong tugon.
Tanging pagtitig lang ang nagawa ko habang dina-digest ko ang mga sinabi nito. Nang lingunin ko ulit ang gawi ni Primo ay wala na ito roon.
“If you let him go this time...then it’s really goodbye for the two of you”,
“Mali ba ‘yon?”, wala sa loob kong tanong. Ang akala ko ay sa isip ko lang ‘yon itinanong, pero naisatinig ko pala.
“Nope. Certainly not”,
Napatingin akong muli kay Travis.
“Whether you accept him again or let him go, no one can ever say na mali o tama ang desisyon mo Mia. But no matter what you choose, you just have to make sure that you are ready for the consequences of your choices”.