H I N D I . . . normal sa ‘kin ang ma-late sa trabaho o sa kahit na anong appointment. Halos takbuhin ko na ang building namin mula sa gate kung saan ako ibinaba ng tricycle.
Natataranta kong pilit na isinasara ang bag ko matapos kong ibalik ang wallet ko rito. Pero sadya atang hindi ko araw ito, dahil imbes na masara eh nasira pa ang zipper n’on! Kainis!
Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa inis pero mas pinili ko na lang na mas bilisan pa ang mga hakbang ko. Ngunit hindi pa ako sumasampong hakbang ay napigtas naman ang strap ng bag kong binili ko lang sa palengke sa Maynila noong doon pa ako nagtuturo. Sumabog ang lamang niyon kaya nagkalat ang mga gamit ko sa paved walkway.
“Urgh! Ngayon pa talaga??!”, galit kong sigaw sa langit na animo’y naririnig naman nito ang mga reklamo ko.
Nagmamadali kong dinampot ang mga gamit ko at basta iyon isinilid sa bag kong sira na. Mamaya ko na lang titingnan kung magagawan ko pa ‘yon ng paraan o dapat ko nang palitan. Ang importante ngayon ay ang trabahong naghihintay sa akin.
Kainis naman kasi! Sa sobrang kaba ko, hindi tuloy ako nakatulog ng maayos!
Bakit ba hindi ako kakabahan, eh today is the day na ipapakilala ako ni Mrs. Hamilton sa VIP client/benefactor ng Little Angels' bilang homeschool teacher ng anak nito.
Ayon kay Mrs. Hamilton, medyo istrikto raw ang kliyente nila at metikuloso sa lahat ng bagay. Marami nga raw sa empleyado ng Little Angels' ang pinagpilian nito bilang teacher ng anak nito. Pero sa napakaraming mas qualified ay ako raw ang pinaka-nagustuhan nito. At sino ba naman ako para tumanggi, di ba? Lalo pa’t magdodonate raw ito ng isa pang building at play area para sa mga bata kapalit ng pagpayag ni Mrs. Hamilton na magprovide ng isang staff bilang homeschool teacher ng anak nito.
Bahala na si Captain Barbel!, sigaw ko sa isipan.
"Hi Ma'am, I'm so sorry I'm late. I overslept", sabi ko ate kay Mrs. Hamilton na nakatayo sa labas ng opisina niya at mukhang hinihintay ako.
“It’s okay. Come on in, at ipapakilala kita sa bago mong estudyante”, nakangiti at magiliw pa ring tugon ng ginang.
Nakahinga ako ng maluwag. Mukha talagang tapos na ang phase ng buhay ko na puro malas at iyak, dahil ngayon ay panay swerte na lang ang dumadating sa ‘kin.
Liban pala sa pagkalate ko ng gising at pagkapigtas ng strap ng bag ko, bulong ko sa isip kaya lihim na lang akong natawa.
Tahimik akong sumunod sa Directress namin papasok sa opisina niya kung saan nakita ko ang likod ng buhok ng isang batang babae na pormal na nakaupo sa may tapat ng desk ni Mrs. Hamilton.
“Mia? I’d like you to meet your new student, Talia”, magiliw na sabi ng huli.
Wait. Talia? As in Talia Cordova? Cordova? You mean?...., hindi ko na naituloy ang sinasabi ko sa isip ko nang lumingon ang batang babae. Hindi nga ako nagkamali, ang bago kong estudyante ay si Talia Cordova, na walang iba kundi ang unica ija ng pinakamagaling kong ex na si Primo Cordova!
“Hi Ms. Mia!”, masiglang bati ni Talia na sinabayan pa ng masigasig na pagkaway
Talk about jaw dropping moments! Dahil literal na napaawang panga ko.
“I-Ikaw ang bago kong estudyante???”, hindi ko makapaniwalang tanong sa batang nasa harapan ko.
“Yes, you’ve got any problem with that?”, sabay-sabay na nabaling ang tingin ng tatlong pares ng mata sa pinanggalingan ng baritonong boses.
“Oh there you are”, masiglang sabi ni Mrs. Hamilton.
“Mia, this is our very generous, very good looking benefactor, and your new boss, Dr. Primo Cordova”, nakangiting pagpapakilala ni Mrs. Hamilton sa lalaking siyang huling taong gugustuhin kong makita ngayon.
And judging by that devilish smile on his face, alam kong he is enjoying the expression written on my face right now. Ahhh sh*t...lihim akong napamura sa isipan ko habang dahan-dahang nagsisink in ang sitwasyong kasasadlakan ko.
“Right! Introduction over!”, masiglang putol ni Mrs. Hamilton sa sandaling palitan namin ng titig ni Primo.
Kumukurap-kurap akong unang nagbawi ng tingin at pilit na kinalma ang sarili. Ibinaling ko ang tingin ko sa ginang na ‘sing liwanag ng sikat ng araw ang mukha sa galak. Lihim akong napadasal na sana ay hindi ako naging masyadong obvious, at least hindi sa tingin ni Mrs. Hamilton.
“So, just to get you in the loop, Mia, Talia here, has been into one of Ms. Alonzo’s class before”, sabi ulit ng ginang.
“Unfortunately, she had a bit of a hard time adapting to the new environment especially with the language amongst peers so Dr. Cordova here had decided to take her back for home schooling”, dagdag pa nito at kasabay ng paglipat ng tingin nito sa nilalang na halos ayokong tingnan ay ang kusang paglipad din ng mga mata ko sa direksyon nito, sanhi upang saglit na magtama ang aming mga mata.
Pero tila ba nakakapasong baga ay agad kong pasimpleng ibinaling sa iba ang paningin, lalo na nang makita kong nakatitig din ito sa akin. Nakailang lunok ako ng laway dahil pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko. No! Hindi ‘to totoo! Please, kung panaginip ‘to sana magising na po ako!, tahimik kong usal sa isip.
“Miss Alcantara?”, untag ni Mrs. Hamilton sa akin.
“P-Po?”,
“Dr. Cordova will go through with the terms and conditions of the contract with you, so I’ll leave you two to it”, nakangiti pa rin nitong sabi.
“P-Pero M-Ma’am...”, pero ni hindi na ako hinintay na makasagot at tuluyan nang lumabas ng opisina niya.
“Let’s go”, ma-awtoridad na sabat naman ni Primo tsaka nagpatiuna na ring humakbang palabas ng silid.
“W-Wait! A-Anong let’s go? S-Saan tayo pupunta?”, sunod-sunod kong tanong sanhi upang mapahinto ito at halos mag-isang linya ang mga kilay sa sobrang pagkakakunot niyon.
“Home, where else?”,
“B-Bakit kailangang sa bahay n’yo? H-Hindi ba pwedeng d-dito na lang?”, kabado at nag-aalangan kong sabi.
Tila hindi nito nagustuhan ang tanong ko dahil lalo pang nalukot ang noo nito sabay humakbang ng dahan-dahan palapit sa akin.
“Ms. Alcantara, had my daughter been capable of attending a normal class, I wouldn’t have hired a homeschool teacher, right?”, anito sa mababang boses pero hindi nito itinago ang pang-uuyam sa tono ng pananalita nito.
“And it’s called ‘home school’ dahil sa bahay siya mag-aaral, right?”, dagdag pa nito na parang idinidiin ang bawat salita.
Napalunok na lang ako at walang imik na tumango.
“Meron pa?”, tanong ulit nito na agad kong sinagot ng mabilis na iling.
Umiling-iling din ito at nagpakawala ng marahas na hangin bago tuluyang lumabas ng opisina ni Mrs. Hamilton.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko namalayang nagpipigil pala ako ng hininga. Binalingan ko ng tingin ang batang nakatitig din sa akin na para ba akong isang specimen under the microscope.
Ah sh*t, ano ba ‘tong pinasok kong ‘to?, lihim kong tanong sa isip.
“Talia!!!”, inip na sigaw ni Primo mula sa labas.
“Tara bago pa maging dragon ang daddy mo!”, bulong ko sa batang may bilog na mga mata sabay lahad ng kamay ko rito.
Lihim naman akong nagpasalamat nang tila hindi naman ito nangiming kunin ang kamay ko. Okay! Not bad! At least hindi mukhang maldita, komento ko sa isip at hawak-kamay kaming nagmamadaling sumunod sa tatay nito.