CHAPTER 25

1159 Words
"W O W . . . just...wow," manghang komento ni Nick habang pinapasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Inirapan ko naman ito dahil sanay na ako sa mga pang gigolo nitong galawan mula n'ong mga bata pa lang kami. "Tara na lang," sabi ko na lang tsaka nagpatiuna nang lumabas. Kinikilabutan kasi ako sa mga galawang ganyan ni Nick eh. "Wait, si Macey?" tanong ni Travis na kasama din ni Nick na naghihintay sa sala namin. Buti na lang at pinaalala nitong lokong 'to dahil kung hindi ay nakalimutan kong kasama ko nga pala ang maldita kong kapatid. "Macey!!!!" pasigaw kong tawag dito. Bigla naman itong lumabas mula sa may kusina habang parang hirap na hirap na inaabot ang bandang likod ng suot nitong gown. "Teka lang!!! Di ko maisara 'yong zipper nitong bwiset na gown na 'to!" pasigaw din nitong sagot habang walang ka-poise-poise na nagmartsa palapit sa akin. Mabilis na lumipad ang tingin ko kay Travis na parang naengkantong nakanganga at nakatulala kay Macey. "Dude, sara mo. Baka pasukan ng langaw," narinig kong bulong ni Nick kay Travis na ang tinutukoy ay ang nakaawang nitong bibig. Pinigil kong matawa dahil literal na laglag ang panga nitong "ka-something" ng kapatid ko. Ka-something dahil hindi ko naman alam kung ano talaga ang meron sila. "Teh, tulungan mo nga akong isara 'to!" iritableng sabi ni Macey sabay tumalikod sa akin para ipasara ang zipper ng gown niya. Tumalima naman ako at kaswal na hinila ang zipper pataas. "Bwiset kasi kung kelan nakagayak na d'on ka pa maji-jebs, badtrip!" tuloy tuloy na reklamo pa ni Macey. Hindi ko malaman kung matatawa ba ako o mahihiya para sa bruhilda kong kapatid. Wala kasi talagang filter ang bibig nito, sasabihin ang gusto niyang sabihin kahit sino pa ang kaharap niya. "Kasalanan mo 'to eh! Sinabi na kasing ayokong sumama kasi ayoko ng mga arte-arteng ganito, ang kulit-kulit mo pa!" inis na baling nito kay Travis. Kita ko naman ang pagdaan ng pinaghalong gulat at kaba sa mukha ni Travis sabay turo sa sarili niya. Gusto ko ulit matawa. Mukhang kung talagang magkakatuluyan nga ang dalawang ito ay under the saya itong si Travis kay Macey. "O siya tara na lang, baka kung saan pa mauwi 'yang pagtatalo n'yong yan," singit ko bago pa nga mauwi sa away ang lahat. Nang makalabas na kaming apat ay nagpasintabi si Nick ng sandali para sagutin ang isang tawag. "Lilinawin ko lang sa'yo Dr. De Luna ah, kaya lang ako pumayag ngayong gabi ay dahil sumama si ate. Kung wala ang ate ko, nunca na sasama ako sa'yo!" maya maya ay hirit na naman ni Macey habang nakatayo din ito sa labas ng kotse ni Travis at waring hinihintay rin na bumalik si Nick. "I know," tipid na sagot naman ng pobreng doktor. "Buti alam mo," hirit pa nitong si Macey tsaka ito inirapan. "Macey," sita ko rito tsaka ito sinenyasang huwag masyadong masangil kay Travis pero lumabi lang ito. Hindi naman nagtagal ay nagmamadali nang bumalik si Nick at agad na pinagbuksan ako ng pinto ng passenger seat. "Sorry about that. Business matters," paliwanag pa nito. Simpleng ngiti lang ang isinagot ko bago tuluyang pumasok na rin sa kotse nito. Ilang saglit pa ay nasa daan na kami. Kasunod naman namin sina Travis at Macey. Tahimik lang si Nick at naka-focus lang sa pagmamaneho. Bigla tuloy akong na-ilang. Kung ano anong kalikutan ang pinaggagawa ko sa kuko ko dahil sa awkwardness na nararamdaman ko. Marami kasi akong gustong itanong at sabihin pero nag-aalangan ako dahil ayokong maging obvious o feeling. "Just say it, Mia," maya maya ay basag nito sa katahimikan. "Hm?" gulat akong napatingin dito. "Stop fidgetting and tell me what's in your mind," kaswal nitong sabi habang nakatuon pa rin ang tingin sa daan. Gan'on ba ako ka-obvious? Itatanong ko ba? O baka magmumukha akong bitter? debate ko sa isip ko habang patuloy na kinukutkot ang kuko ko. "K-Kinakabahan kasi ako," alangan kong sagot. "Don't," tipid naman nitong tugon. "Pa'nong don't? Eh tiyak na and'on lahat ng Alta sa buong San Mateo," "So?" tila balewala ulit nitong tanong. Nagsisimula na akong ma-frustrate sa lalaking 'to. "Anong so??? Tiyak din ako na lahat ng nandoon ay alam ang kwento nating tatlo! Kahit pa ilang beses nating ipaliwanag na hindi totoo ang lahat ng 'yon, wala din namang maniniwala. Sa mata nila, ako pa din ang malandi na tinuhog kayong mag-bestfriend at naging rason kung bakit kayo nag-away!" mabilis at tuloy-tuloy kong litaniya. "Woohh, relax, chill," awat nito sa mala-armalite na tira ng bibig ko. "Relax? Chill? Paano ako magrerelax and chill? Alam buong San Mateo na magpopropose si Primo sa babaeng kabuteng 'yon ngayong gabi! At sino ba sa buong bayan na 'to ang hindi nakakaalam na ex ako niyang bestfriend mong gago? Eh pati yata kalabaw sa palayan alam ang nakaraan namin eh. Tapos ngayon papanoorin ko siyang magpropose sa ibang babae at dapat umakto akong hindi ako affected para iwasan ang eskandalo na naman? Grrrr!" hindi ko na napigilan ang paglabas ng lahat ng saloobin ko. Siguro ay dahil buong araw kong kinikimkim ang mga iyon kaya nang makakita ng siwang ay dire-diretsong lumabas ang lahat ng gusto kong sabihin. Narinig ko ang bahagyang tawa ni Nick. Sinamaan ko ito ng tingin. "Tinatawanan mo'ko?" iritado kong tanong. Nakita ko ang pagkagat nito sariling mga labi para pigilin ang pagtawa, pati ang pilit na pagpapaseryoso nito sa mukha. Kahit alam kong hindi nito makikita dahil nakatuon sa daan ang tingin nito ay inirapan ko pa din ito. "Parehong-pareho talaga kayo ng bestfriend mo," nayayamot kong sabi tsaka humalukipkip. "O teka, bakit pati ako kasali?" natatawa nitong tanong. "Pareho kayong walang alam kung di pagtawanan ang nararamdaman ko. Palibhasa kasi hindi n'yo alam kung anong pakiramdam ng talikuran kayo ng mundo," seryoso kong sabi habang nakatingin sa labas ng bintana. Ilang sandaling natahimik si Nick. Mukhang tinamaan nga ito ng katotohanan sa mga sinabi ko. Lalo tuloy akong nayamot. "Hindi ako magtatagal sa party ah. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Pumayag lang talaga ako para kay Macey dahil sa pakiusap ni Travis," kapagdaka'y sabi ko nang hindi pa din ito nililingon. "Seryosong-seryoso si Primo sa gagawin niya," maya maya ay seryoso din nitong sabi pagkatapos ng ilang sandaling pananahimik. Napakunot ako ng noo at bahagya itong nilingon. Seryoso saan? Sa pagpopropose niya sa babaeng kabuteng 'yon? Gusto ko sanang itanong pero ayoko nang magtunog bitter kaya ibinalik ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana. "Aba'y dapat lang. Hindi talaga dapat ginagawang biro ang kasal," komento ko kahit na sa loob-loob ko ay para akong sinasaksak ng milyon-milyong kutsilyo habang naiimagine kong ikinakasal si Primo sa babaeng kabute. "You think too much, Mia. Just trust Primo on this one," hirit pa nito pero hindi ko na lang pinansin iyon dahil nagsisimula na namang sumama ang pakiramdam ko. Ihinilig ko ang ulo ko sa headrest at ipinikit ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD