"M I A . . ."
Nagising ako sa mahinang yugyog.
"We're here," ani Nick.
Iginala ko ang paningin ko at tumambad sa akin ang nagliliwanag na building kung saan gaganapin ang pagtitipon.
Nakatulog ako n'on? 'ka ko sa isip.
"S-Sorry, sorry. Nakatulog pala ako," namamaos pa ang boses kong sabi habang inaayos ang sarili.
Bahagyang ipinilig ko pa ang ulo ko dahil medyo nahihilo pa ako.
"Are you okay? You don't look too well," tanong ni Nick na may pag-aalala.
Nakaramdam ako ng kirot nang lumunok ako kaya tumango na lang muna ako bilang sagot dito.
"Are you sure?" tanong ulit nito.
Kulit naman! komento ko sa isip pero minabuti kong tumango na lang bilang sagot.
Bumaba na ako mula sa kotse pero agad akong napayakap sa sarili ko nang salubungin ako ng malamig na hangin.
Mabilis naman ang isinukbit ni Nick ang hinubad nitong coat sa balikat ko.
Medyo nagulat pa ako pero hindi na rin ako nagprotesta pa dahil talaga namang kailangan ko iyon. Nginitian ko na lang ito bilang pasasalamat at gan'on din ang isinagot nito sa akin.
Sandali kong iginala ang paningin ko para hanapin sina Macey. Nang makita kong tuloy ang tila aso't pusa nitong bangayan at ni Travis ay napangiti ako. Panatag ako na hindi papabayaan ng huli ang kapatid ko.
"Let's go?" ani Nick kaya tumango at sumunod na din ako dito.
Marami na ang tao sa bulwagan nang pumasok kami. Gaya ng inaasahan ko, kumikinang ang buong paligid dahil sa mga nagkikislapang alahas na suot ng bawat panauhin doon.
Wala sa loob na hinila ko ang coat ni Nick na nakapatong sa balikat ko, para lalong takpan ang sarili ko. Dama ko kasi agad na hindi ako nababagay sa lugar na iyon.
Kung pwede ko nga lang takpan pati mukha ko ay ginawa ko na. Lalo na at ramdam ko ang halo halong mapanuri at nang-uuyam na mga titig ng mga bisita roon.
Alam kong hindi ko imahinasyon ang mga iyon dahil mukhang pati si Nick ay napansin din ang mga pasimpleng bulungan ng mga panauhin nang dumating kami. Naramdaman ko kasi ang bahagya nitong pagtapik sa balikat ko.
"It's okay, don't worry," bulong pa nito.
Hindi na lang ako sumagot. Kaunting tiis lang naman. Hindi din naman ako magtatagal doon.
Iginiya ako ni Nick papunta sa isang kumpulan ng mga nagkikislapang mayayaman. Isang tipikal na tagpo sa mga palabas kung saan bawat isa ay may hawak na kopita ng alak na para bang kasama iyon sa palamuti.
"Ah, there he is. Pañero, allow me to introduce my prodigal son, Nicholo Aberlardo Jr.," may pagmamalaking wika ng ama ni Nick na kasama pala sa kumpulang sinasabi ko.
"Dad... Prodigal son talaga?" kunwa'y nasasaktang tugon naman nitong kasama ko, habang buong galak din namang tinatanggap ang kamay ng ipinakilala ng ama sa kanya.
Nagkatawanan ang mga nasa kumpulan.
Habang pinapanood ko kung paano makipagbolahan si Nick sa mga sosyal na kasama ng tatay niya ay mas lalo kong napagtanto na hindi talaga ako para sa mundo nila.
"I'd love to catch up with everyone, but I gotta excuse myself for now," maya maya ay narinig kong sabi ni Nick habang bumabalik sa tabi ko.
Sanhi para mabaling sa akin ang atensyon ng mga kasama nito.
"Nicholo, hindi mo man lang ba ipapakilala kung sino itong magandang dilag na kasama mo?" wika ng isa sa mga sosyal.
"Do I smell wedding bells here Nick?" panunukso naman ng isa.
"Ladies and gents, I would love to introduce this lady beside me to all of you, but unfortunately, it's not for me to do that, so if you'll excuse us for now," magiliw na tanggi ni Nick.
Napakunot naman ako ng noo.
Not for you? Eh for you? wika ko sa isip.
Muli kong naramdaman ang bahagya nitong pagtulak sa ako palayo sa kumpulan.
"Let's go," bulong nito sa'kin.
Alangan akong ngumiti sa mga kausap nito bago ako sumunod sa direksyon kung saan ako iginigika nitong 'dyet' ko kuno.
"Saan mo'ko dadalhin?" tanong ko dito nang makalayo kami sa doon sa kumpulan.
"Dito lang," wala sa loob nitong sagot habang malikot ang mata na para bang may hinahanap ito.
Maya maya lang ay lumamlam ang ilaw at nagkaroon lang ng isang spot light sa bandang gitna. Nabaling ang atensyon ng lahat sa tinumbok ng spotlight.
Ilang saglit lang ay pumagitna doon ang taong parehong gusto at ayaw kong makita.
"Ladies and gentlemen, the man who led our proud institution to top, none other than Dr. Primo Cordova," pagpapakilala ng master of ceremony.
Napuno ng palakpakan ang buong bulwagan ng hotel kung saan ginaganap ang pagtitipon.
"I heard it's a special night for Dr. Cordova tonight," narinig kong bulong ng isa sa mga bisita na nasa malapit lang sakin.
"Balita ko nga. Napaka-swerte naman ng babaeng 'yon, kung sino man siya," tugon ng isa pang bisita.
Parang biglang piniga na naman ang puso ko.
Oo nga pala, 'yong proposal nga pala ni Primo kay Janice ang highlight ng gabing ito.
"You gotta admit, ragged or formal look, Dr. Cordova can definitely pull it off," komento ulit ng isa sa may likuran ko.
Sa ayaw ko man o sa hindi, sumasang-ayon ang puso't isip ko sa sinabing iyon ng kung sino. Gwapong gwapo naman talaga si Primo sa suot nitong navy 3-piece suit.
Maya maya ay nagsalita na si Primo sa mikropono.
"Good evening everyone," bati nito sa lahat.
Pakiramdam ko ay huminto ng isang segundo ang puso ko nang marinig ko ang baritono nitong boses.
"Honestly, with this bright light, hindi ko talaga kayo nakikitang lahat. It's like I'm talking to a wall," biro pa nito habang sinasalag ang liwanag ng ilaw na nakatapat dito gamit ang malayang kamay.
Natawa naman ang mga bisita.
"Anyway, let's just move on para makapagsimula na tayo. But before anything else, allow me to borrow a fraction of your time and bear witness in this momentous event in my life," 'a pa nito tsaka tumikhim na para bang bigla itong kinabahan.
Pati ako an kinabahan na din. Alam kong hindi naman ito sa akin magpo-propose pero hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko mismong binitawan na nito ang mga salitang Will you marry me sa ibang babae. Alam ko namang hindi ako gagawa ng eksena, pero baka lang hindi ko mapigilang hindi umiyak.
Nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo na may kaunting lamig. Kaya lalo ko pang binalot ang sarili ko sa coat na pinahiram ni Nick.
"I know most of you here tonight had witnessed the...let's just say...makulay na buhay pag-ibig ko. It was no secret to everyone here. All the ups and downs, and everything else in between," pagpapatuloy ni Primo bago ito sandaling huminto na waring nag-iisip ng susunod na sasabihin.
"It was a long, winding journey for me, to finally be able to find love and happiness once again," dagdag pa nito.
Humigpit ang hawak ko sa coat ni Nick. Naramdaman ko din ang pagtutubig ng mga mata ko at ang palakas ng palakas na pintig ng puso ko.
Ayan na, found love and happiness AGAIN daw, sabi ko sa isip.
"So ladies and gents, tonight, as you celebrate with us, another year of San Mateo General Hospital's foundation, sana po ay samahan n'yo rin ako sa pagbuo ko sa buhay namin ng aking future Mrs. Primo Cordova," tila may pagmamalaking sabi pa ni Primo.
Naging maugong ang bulung bulungan na sinundan din naman agad ng palakpakan.
Samantalang lalo namang sumasama ang pakiramdam ko at para bang unti-unting nauubusan ng hangin sa paligid at nahihirapan akong huminga.
"Everyone, allow me to introduce, the love of my life, the future Mrs Primo Cordova..."