P A G K A D A M P O T . . . ko nang bag na nabili ko sa tiangge kahapon ay mabilis akong lumabas ng kwarto.
Sinadya kong agahan ang pag-alis, para sakaling ipasundo na naman ako ng boss kong bipolar, ay siguradong mas nauna akong nakaalis.
Saktong papalabas na ako ng pinto nang makasalubong ko ang papasok namang si Macey. May dala pa itong bag kaya mukhang kauuwi lang nito galing sa trabaho.
“Macey may pagkain...sa...la-me-sa...”, masigla pa sana ang una kong bati rito pero unti-unting namatay ang dapat sana’y sasabihin ko nang makita ko ang mala-Biyernes Santo nitong mukha.
“Uy! Okay ka lang? Anyare sa’yo?”, tawag ko dito nang magtuloy-tuloy ito at lampasan ako.
“Okay lang ako ‘te! Masakit mata ko, uso sore eyes sa office!”, pasigaw nitong sagot at tuloy-tuloy na pumanhik sa kwarto.
Kumunot ang noo ko dahil sa kakaiba nitong kilos ngayon. Dati naman ay para itong bouncing ball of energy tuwing dumadating ito galing trabaho. Baka nga may dinaramdam ito.
“Hoy Macey! May eyemo d’yan sa drawer, maglagay ka wag mo nang intaying lumala!”, sigaw ko sa mula sa kinatatayuan pero wala na akong narinig na sagot.
Sinipat ko ang relong pambisig at nang maalalang nagmamadali pala ako ay agad ako lumabas ng pinto. Pero napahinto din ako nang makita ko si Travis sa labas ng gate namin, at nanghahaba ang leeg sa kakasilip sa loob ng bahay nila.
“Travis”, tawag ko dito dahil mukhang hindi ako nito nakikita kahit na nasa harapan ko ito.
“H-Hi”, tila wala sa loob nitong sagot at patuloy ang pagsilip sa loob.
Muling kumunot ang noo ko dahil isa rin itong umaaktong weirdo.
“Gusto mong pumasok?”, tanong ko na sinagot nito ng sunod-sunod na tango.
“T-Tara, pasok ka?”, sabi ko kahit na naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.
Hahawakan ko pa lang sana ang lock ng gate nang matigilan ako.
“WAG!”, biglang sigaw ni Macey mula sa likuran ko.
“Wag na wag mong mapapapasok ‘yang lalaking ‘yan dito sa bahay kapag nandito ako ate!”, dagdag pa nito tsaka tila amazonang nagmartsa papalapit sa amin. Muntik pa akong mabuwal ng hawiin ako nito para ito mismo ang magbalik ng lever ng gate sa pagkakalock.
Nakakaloka..., sa loob-loob ko sabay tuptop ng dibdib.
“Macey, c’mon, don’t do this. Let’s talk okay? Let me explain”, pagmamakawa naman ni Travis.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi at inasal ni Travis.
“Explain mong mukha mo! Alis! Tsupe!”, galit na sigaw naman ni Macey at muli itong nagmartsa papasok sa loob ng bahay.
Samantalang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kapatid kong nagmala-amazona at kay Travis na naiwang laglag ang balikat sa labas ng gate.
Okay, so confirm. May something going on nga ang dalawang ito, aniya sa isip. Pero wala akong balak manghimasok dahil pribadong buhay nila iyon. Unless hingin ng mga ito ang opinyon o tulong ko.
Tumikhim ako bago ko inabot ulit ang lever para buksan iyon. Napaangat naman ng tingin si Travis.
“W-Wait, Mia... a-are you sure? Baka magalit lalo si Macey”,
“Naku kailangan ko rin naman talagang lumabas dahil kailangan kong pumasok sa trabaho no”, nakangiti kong sagot.
Para itong nabuhayan ng loob at gumanti rin ng ngiti.
“Sige na, pag-usapan niyo”,
“Thanks, Mia! I owe you one!”, anito tsaka halos takbohin na papasok ang bahay namin.
Naiiling na pumihit ako para magsimula nang lumakad.
At dahil kalahating oras akong maaga ay minabuti kong bagalan ang mga hakbang ko. Mabuti naman at mukhang walang susundo sa akin ngayon.
Hindi nagtagal ay narating ko ang mansyon ng mga Cordova. Pinuno ko muna ng hangin ang dibdin tsaka marahas na pinakawalan iyon.
“Whew! Let’s go Mia! Ngiti lang tayo, ngiti lang”, sabi ko sa sarili tsaka pilit na pinangiti ang sarili bago pumasok.
“Good morning ho”, masigla kong bati sa isang kasambahay na nginitian naman ako pero nagtuloy-tuloy ito sa paglakad kaya hindi ko naitanong kung nasaan si Talia.
“Mia”,
Agad na rumehistro ang galak sa mukha ko nang malingunan ko ang isang pamilyar na mukha.
“Manang Fely!!!!”, buong galak kong sabi at diretsong yumakap dito.
“Hay sa wakas may kilala na ako sa bahay na ‘to!”, dagdag ko pa na ikinatawa ng matandang kasambahay nina Primo.
“Kamusta ka na? Ang tagal mong nawala bata ka... ano nang balita sa’yo?”, sunod-sunod na tanong naman nito at hindi rin maitago ang galak sa mukha at boses nito.
Gustong-gusto ko si Manang Fely kahit noong mga bata pa kami. Ito kasi ang laging naghahatid at sumusundo kay Primo sa bahay namin noon sa tuwing makikipaglaro ito sa amin. Noon pa man ay napakabait na nito sa amin at madalas ay kasabwat pa namin ito sa mga kalokohan. Hanggang sa magdalaga’t magbinata na kami ni Primo at maging magkasintahan ay si Manang Fely pa ang nagiging tigapagdala ng palitan namin ng love letter.
“Okay naman ako Manang, kayo, kamusta na ho kayo? Grabe wala kayong pinagbago! Ganda-ganda n’yo pa rin!!!”
“Kuu kahit kelan ikaw na bata ka bolera ka talaga”, anito at sinundan iyon ng halakhak.
“Ay, teka, maiba ako. Siya nga ba? Kaya ka nga ba nandito, ay dahil ikaw ang bagong titser ni Talia?”
Noon ako bumalik sa realidad. Oo nga pala, ito ang ngayon. Boss ko na si Primo samantalang hamak na empleyado lang ako, at estudyante ko ang anak nito.
Napakalas ako sa pagkakayakap kay Manang Fely, gayun pa man ay pilit kong itinago ang pagkaasiwa. Pilit akong ngumiti tsaka tumango bilang sagot sa tanong nito.
Bumalakat ang lungkot at pag-aalala sa mukha nito. Kasabay niyon ay naramdaman ko ang pagpisil nito sa mga kamay kong hindi nito binitawan.
“Okay ka lang ba?”, tanong nito.
Muli ay simpleng tango lang ang isinagot ko.
“May plano ang Diyos para sa’yo anak. Ha’ mo ipagdarasal ko na sana, mahanap mo na rin ang tamang taong nararapat para sa’yo”.
Sasagot pa sana ako nang biglang may magsalita mula sa kung saan.
“Manang Fely”, hindi naman galit ang tono nito pero malakas ang pagkakatawag sa pangalan ng huli.
Sabay kami napalingon ni Manang.
“Sir Primo”, tila alangan sagot naman ng matanda sabay tumabi sa akin para harapin ang paparating.
Kunot-noo akong napalingon kay Manang.
Sir?, pagtataka ko sa isip.
Noon kasi ay Primo lang ang tawag ni Manang dito dahil iyon daw ang gusto ni Primo. Kitang-kita ko naman noon kung paanong alagaan at mahalin ni Manang na parang tunay niyang anak si Primo. Kaya nakakapagtaka at nakakapanibagong makita itong parang maingat at malayo sa lalaki.
Nang tumigil si Primo sa harapan namin ay nalipat dito ang tingin ko. Pero tanging kay Manang nakatuon ang mga mata nito at nagmistula akong hangin dahil ni sulyap ay hindi ako nito tinapunan. Gaya ng dati ay malamig pa sa yelo ang ekspresyon nito at ‘sing tuwid ng San Juanico Bridge ang mga kilay nitong umisang-linya na sa pagkakakunot.
“Make sure na makapag-nap si Talia after ng klase niya. Dadaanan ko siya dito, may aasikasuhin lang ako sa ospital”, ma-awtoridad nitong bilin kay Manang.
“Opo, Sir”,
Hindi na ito nagsalita pa at nilampasan na kami ni Manang....nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
Kahit naguguluhan sa inasal nito, ay wala akong nagawa kundi ihatid ito ng tingin hanggang sa tuluyan itong makalabas ng mansyon.
Napabuntong-hininga na lang ako. Ano na naman kaya ang problema nito at para na namang kaming nasa Siberia sa lamig ng awra nito.
“Pagpasensyahan mo na lang iha, marami sigurong iniisip sa trabaho”, nakikisimpatyang sabi ni Manang habang hinihimas ako sa braso.
Pilit akong ngumiti at tumango. Eh ano pa nga bang magagawa ko di ba?
“Nasa study niya na si Talia, sige na pumanhik ka na”, nakangiti nitong turan, marahil ay upang ibahin ang mood.
“Alam mo ba kung saan ka pupunta?”, tanong nito na sinagot ko naman ng simpleng tango.
“O siya sige na, ipaghahanda ko kayo ng meryenda maya-maya”,
“Salamat Manang”, sagot ko naman tsaka laglag ang mga balikat na tinungo ang hagdan papanhik sa second floor kung nasaan ang study room ni Talia.
Habang papanhik ako sa hagdan ay hindi ko mapigilang isipin kung may nagawa ba akong ikinagalit na naman ni Primo. At kung meron man, ano kaya iyon?
“Mukhang okay naman kami kahapon... tinulungan pa nga akong damputin ang mga gamit ko...bakit bigla na lang nagpakaabnormal ngayon?”, mahina kong pagkausap sa sarili.
Napahinto pa ako habang iniisa-isa bawat pangyayari at salitang sinabi ko kahapon pero wala talaga akong maalala.
“Teacher?”, untag sa akin ng munting boses.
Napakurap ako ng ilang beses para ibalik ang sarili ko sa kasalukuyan. Nakita kong nakatayo si Talia sa taas ng hagdanan.
“O-Oh, h-hi... good morning!”, kahit na medyo nagulat ako ay pilit kong pinasigla pa rin ang sarili.
“Why are you in daze in the middle of the stairs?”, tanong nito.
“A-Ah... w-wala, iniisip ko lang---I mean I was just thinking of our lesson for today”, pagsisinungaling ko. Kaya lang ay talagang anak ni Primo ang makulit na ‘to, dahil matalino at hindi rin ito madaling maloko. Tiningnan lang ako nito na para bang sinasabing ‘yeah right’.
Hindi ko na lang iyon pinansin at mabilis na pinanhik ng tuluyan ang hagdan.
“Let’s go and start our lesson”, sabi ko nang ganap akong makalapit dito.
Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko, pero parang nagkibit balikat ito tsaka walang imik na tinungo ang kanyang study room.
Agad kong napansin ang workbook nitong nakabuklat na pati ang mga nakakalat nang krayola sa lamesa, kaya’t napakunot ang noo ko. Nagsimula na ito ng wala ako?
“I’ve started coloring a few pages before Dad left”, paliwanag nito habang kaswal na sumampa sa upuan nito.
“I noticed”,
“Dad said you might come in late today, so he said I better start with my workbook while I wait for you”, tila balewala nitong sabi sabay abot ng isang krayola at itinuloy ang pagkulay.
Napakunot naman ako ng noo.
“Ako? Late? Bakit naman ako mali-late? Ang aga-aga ko nga eh”, tanong ko.
Nagkibit balikat ito at hindi nag-abalang mag-angat ng tingin para tingnan ako.
“He said you had a date or somethin’”
Napamulagat ako. Ano raw???
“Date???? Ako???”,
Okay, OA ang pagkataas ng boses ko pero hindi ko kasi alam kung saan ako mas na-windang. Kung sa ideya bang inisip ni Primo na mali-late ako ngayon dahil may date ako, o sa fact na nanggagaling iyon sa isang batang paslit?
Tumango lang bilang sagot.
“Do you have a boyfriend Teacher?”, maya-maya ay tanong nito na lalong kong ikinagulat.
“Wha---Me??? Boyfriend??? No!!!”, talo ko pa ang artistang nasangkot sa kontrobersiya sa pagkakadeny ko.
“Tsaka, wait, who taught you that? Do you even know what a boyfriend is?”
Hanep na bata ito. Get’s kong matalino at matured ito sa edad niya, pero parang masyado pa itong bata para sa mga ganoong usapan.
“Yes, that’s when boys and girls kiss and say I love you, babe to each other whenever they meet and say goodbye”, inosenteng-inosente nitong sagot.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o pagsasabihan ito na masyado pa siyang bata para sa mga ganoong bagay.
“Ano bang itinuturo ng tatay mo sa’yong bata ka...”, bulong ko sa kawalan.
Sabagay, laki nga pala sa ibang bansa ang batang ito kaya marahil ay medyo iba ito magsalita at umasal kesa sa ibang batang kilala niya.
Pero kahit na, kung sa Pilipinas ito lalaki at maglalagi ay kailangang matutunan nito ang paraan ng Pilipinas. Kaya naman nagpasya siyang lapitan ito upang ipaliwanag na hindi akma sa isang batang katulad niya ang mga ganoong usapin.
“Talia... uhmm...”, alangan kong sabi habang tumatalungko sa katapat nito.
Agad naman itong nag-angat ng tingin at naghintay sa sasabihin ko.
“I-I know you’re a very very smart kid. So it’s easy for you to learn... s-stuff...”
Muli akong huminto. Paano ko ba sasabihin sa batang ‘to na may mga bagay na hindi pa niya naiintindihan sa ngayon?
Dilat na dilat ang matang nakatitig ito sa akin na waring naghihintay ng susunod kong sasabihin.
“B-But you know... there are things that are still too.... complicated for you to understand”
“Like?”
Saglit akong natigilan. Like ano daw Mia?!
“Uhm... a-ano... l-like... boyfriend...k-kissing... y-you know”,
“Why? Isn’t it a normal thing for people who date to kiss?”
“Abang mahabagin oo! Pinagsasabi mo bang bata ka!”, mabilis kong sabi sa gulat sa mga naririnig ko mula sa paslit na ito.
“A-Abang...what?”
“Pst, uy Talia ah, if your father does not scold you for saying this like that, sa’kin di pwede ‘yan ah...”,
Nagkibit balikat lang ito at ipinagpatuloy ang pagkukulay.
“Oh Dad never scolds. He just pretends to ignore you but actually he just doesn’t know how to say what he feels”
Hindi ako nagkomento. Totoo naman ang sinabing iyon ng anak ni Primo. Napaisip tuloy ako bigla kung may gusto nga bang sabihin ang ama nito sa akin ngunit hindi alam kung paano.
Nakaramdam ako ng guilt. Noon pa man ay ganoon na talaga si Primo. I should have known better. Kaya lang ay masyado akong na-focus sa sarili kong damdamin kaya hindi ko rin naisip ang nararamdaman nito.
“So Teacher Mia...”, untag ni Talia sa napalalim kong pag- iisip.
“Hm?”
“You didn’t go on a date last night?”,
Umiling naman ako bilang sagot. Napabuntong-hininga naman ito.
“Dad is really weird when he’s jealous”,
Napakurap-kurap ako.
Wait ano raw?
Magtatanong pa sana ako kung anong ibig nitong sabihin, nang biglang may kumatok sa pinto. Hindi na ako nag abalang pagbuksan kung sino man iyon dahil alam naman nila na hindi ako naglalock ng study room at pwede nilang buksan.
Hindi nagtagal ay sumilip ang isang nilang kasambahay.
“Miss Mia? Tumawag po si Dra., darating daw po siya ng mas maaga para sunduin si Talia. If okay lang daw po na maaga n’yo tapusin ang klase n’yo”
May kung anong tambol sa dibdib ko ang hatid ng ideyang maaaring magkita kami ulit ng nanay ni Primo. Gayun pa man ay tumango na lang ako bilang sagot.