CHAPTER 12

2188 Words
H I N D I . . . ko namalayan ang paglipas ng oras. Kung hindi pa tumunog ang alarm na nakaset sa loob ng study room ay hindi ko mamamalayang tapos na pala ang klase namin sa araw na ‘to. “We’ll continue our lesson tomorrow, Talia”, sabi ko habang tinitiklop ang workbook nito. Mostly ay getting to know pa lang ang coverage ng lesson namin dahil unang araw pa lang. Medyo nakaka-nosebleed pa ang accent ng batang ‘to kaya maging ako ay kailangan ko rin ng panahon para mag-adjust. “Do you have any questions for me?”, nakangiti kong tanong kahit na sa loob-loob ko ay hinihiling kong wag na sanang magtanong pa ito dahil baka mapa-Ha na naman ako. Di ko nga mabilang kung ilang ‘ha’ ang sinabi ko sa loob ng apat na oras ng klase namin. Mukha namang nag-isip ang bata kaya’t matiyaga na lang akong naghintay. “Was I a good girl, Teacher?”, maya-maya ay tanong nito. “Yes you were. In fact you were very good, I think you are the smartest and best student I’ve ever met”, nakangiti kong sagot sabay hawi ng ng ilang hibla ng buhok mula sa mukha nito at isinipit iyon sa likod ng tenga nito. Nagpakawala ng buntong-hininga ang bibong bata kaya bahagya akong natawa. “Thank God, I don’t want you to think that I am a bad girl and leave me too just like my other teachers and my mom”, tila kaswal na kaswal nitong sabi. Natigilan ako. Ang bata pa ni Talia para makapagsalita ito ng gan’on. Sino kaya ang nagsabi ng mga bagay na ‘yon sa inosenteng bata? “Did someone tell you that you were a bad girl?”, tanong ko. Nagkibit-balikat muna ito bago sumagot. “Just figured. Coz that’s what I saw in movies”, anito. Saglit na napaawang ang bibig ko. Tama nga si Primo, matured ang isip ng batang ‘to kesa sa edad niya. “Are you gonna leave me too, just like my other teachers and my mom?”, maya-maya ay tanong ulit nito na animo’y nagtatanong lang kung kamusta ang panahon sa labas. Muli akong natigilan. Paano ko ba dapat sagutin ang tanong na ‘yon ng isang batang paslit? “It’s my first day Talia. What makes you think that?”, kunwa’y pabiro kong balik-tanong habang nililigpit ang ilan kong mga gamit na nagkalat sa lamesas. “Just asking. Coz I like you, so I don’t want you to leave”, bibong-bibo nitong sagot. Napangiti naman ako sa sinabi nitong iyong. Iba kasi talaga sa pakiramdam ang mahalin ka ng mga estudyante mo. “Really?”, biro ko ulit na tinanguan naman nito. Lalo akong napangiti at itinuloy ang pagliligpit. “Besides, my dad likes you too”, maya-maya ay dagdag pa nito. Napatigil ako sa ginagawa ko sa narinig. Nang balingan ko ito ay abala din ito sa pagliligpit ng mga gamit niya at mukhang walang bahid ng malisya ang mga salitang binitawan nito. Of course walang malisya Mia, bata yan eh! Ikaw lang‘tong malisyoso, por Dios por Santo! Gusto ko pa sanang magtanong kung bakit nito nasabing gusto din ako ng tatay niya kaya lang ay biglang bumukas ang pinto. Muntik pa akong malaglag sa kinauupuan ko nang iniluwa niyo ang tatay nito mismo! As usual ay nakakunot na naman ang noo at mukhang galit na naman sa mundo. Pero hindi ko itatanggi, ito na yata ang pinakagwapong galit na nilalang sa mundo! Kahit na halatang pagod at puyat ay hindi iyon nakabawas sa taglay nitong kagwapuhan. “What’s wrong with you?”, masungit nitong tanong sa akin. Doon ko napagtantong nakaawang pala ang bibig ko habang nakatulala dito. Agad kong itinikom ang bibig ko at pasimpleng tumikhim upang itago ang pagkapahiya. Kung pwede lang batukan ang sarili ngayon ay ginawa ko na. “A-Ah... w-wala...”, halos pabulong kong sagot tsaka mabilis na tinapos ang pagliligpit ko. Kung napaaga lang ito ng ilang segundo ay malamang inabutan nito ang usapan nila ni Talia tungkol dito. Sa isiping iyon ay natigilan ako. Wait... hindi kaya.... Wala sa loob na napatingin akong muli sa bagong dating, na ngayon ay abalang nakikipag-usap sa anak niyang parang hinulmang buko sa kanya. Parang ibang tao na ito ang kanina’y lukot na mukha ay nawala at ngayon ay mistulang maamong anghel sa harap ng kanyang anak. Narinig niya kaya ang usapan namin ni Talia?, tanong ko sa isipan. Pilit kong hinahanapan ng tanda na may marinig nga ito sa mga usapan namin ng anak niya, pero ni katiting na bahid niyon ay wala akong makita. Bigla itong tumingin sa gawi ko kaya agad akong nagbawi ng tingin at mabilis na tumayo mula sa kinauupuan ko. “Follow me”, Iyon lang ang narinig ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay tanging ang malapad na likod na lang nito ang nakita ko na papalabas na ng study room. “Talia, I’ll see you tomorrow, okay? Bye”, nakangiti kong bulong sa estudyante ko. Nakangiting tumango naman ito bilang sagot sabay kumaway pa sa akin. Agad kong dinampot ang ilan ko pang mga gamit at bastang isinaksak ang mga iyon sa sira kong bag. Sa pagmamadali ko ay sumabit pa iyon sa kanto ng lamesa kaya’t tuluyang napigtas ang natitirang hibla ng tela na nakakapit sa hawakan ng bag ko at sumabog ang lahat ng laman niyon. “Wow...seryoso ba ‘to?!”, hindi ko makapaniwalang tanong sa kawalan. Balak ko talaga ay pumunta sa bayan pagkatapos ng klase ko para sana bumili ng mumurahing sa tiangge. Sa kasamaang palad ay hindi pa umabot ang pobre kong bag. Nagpakawala ako ng marahas na buntong-hininga bago sinimulang pulutin ang nagkalat kong gamit. “Are you okay Miss Mia?”, tanong ni Talia na mukhang nasaksihan ang nakakalungkot na sinapit ng bag ko. “Ah, oo... I mean, yes yes, I’m okay...”, sagot ko at pilit na ngumiti. Maya-maya pa ay nakita kong dinampot din nito ang ilan sa mga gamit ko at tahimik na isinilid sa bag kong sira na. Napangiti naman ako sa inasal ng bata. Ano pa man ang kwento kung bakit hindi nito kasama ang nanay nito habang lumalaki ay isang bagay ang tiyak ko...maganda ang ginagawang pagpapalaki ni Primo sa anak niya. “What’s taking you so—“, Sabay kaming napalingon ni Talia sa pinanggalingan ng boses. Nakita namin ang tatay nitong mukhang nawindang sa inabutan niyang tagpo. “What happened here?”, masungit pa rin nitong tanong. “Dad, Miss Mia’s handbag’s ripped. I think she needs a new one”, sagot naman ng anak nito sabay turo pa sa bag kong punit. “A-Ah...sorry Sir, s-susunod na ho ako”, sabi ko na lang para pagtakpan ang hiya ko sa inabutan nitong itsura ko. Baka isipin nitong masyado akong pulubi para bumili ng bagong bag. Nakakahiya! Sa isiping iyon ay lalo kong binilisan ang pagpulot ng mga gamit ko. Pero natigilan ako nang maramdaman ko ang pagdikit ng braso nito sa braso ko kaya’t napalingon ako rito. Nakita kong nakatalungko ito sa tabi ko at kaswal na dinampot ang ilan sa mga ballpen at kung ano-anong papel na nagkalat sa sahig. Amoy na amoy ko ang panlalaking pabangong gamit nito. Para iyong may nakakahipnotismong dulot dahil natulala ako at parang nawala sa sarili. Pakiramdam ko ay nagslow motion maging ang paggalaw ng adam’s apple nito sa bawal paglunok nito. Narinig kong may sinabi si Primo pero hindi iyon rumehistro sa akin. Hindi nga ako sigurado kung totoo bang nagsalita ito o guni-guni ko lang. “Miss Alcantara”, untag nito sa akin. “Huh? A-Ano ‘yon?”, “What’s wrong with you? Kanina ka pa parang wala sa sarili d’yan”, anito habang walang kurap na nakatitig sa akin. Wala na. Para na akong kandilang nauupos at hindi na makapag-isip pa. Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumitig dito pabalik. “Are y---” Naputol ang akmang pagsasalita sana nito nang magring ang cellphone kong nakakalat sa sahig. At dahil malapit iyon dito ay ito na mismo ang dumampot n’on. Ngunit bago nito iyon ibigay sa akin ay nakita ko ang biglang pagbabago ng anyo nito. “Here”, tila pagalit nitong sabi at halos ihagis na sa akin ang cellphone ko. “T-Thank you”, sabi ko naman tsaka ko sinilip ang screen para tingnan kung sino ang tumatawag. Iñigo Calling...? Pinigil kong mapasinghap nang mapagtanto ko kung bakit biglang nagbago ang anyo ng isang ‘to. Nang pasimple ko itong tiningnan ay nakita kong dinampot nito ang huling piraso ng ballpen sa sahig atsaka tumayo. “E-Excuse me...”, pagpapasintabi ko tsaka bahagyang lumayo papunta sa may isang sulok ng kwarto para sagutin ang tawag. “H-Hello?”, sabi ko ng halos pabulong na kahit na alam kong dinig naman din ng iba pang tao sa loob ng silid ang boses ko. At ang hindi ko malaman ay kung bakit awtomatikong lumipad ang mga mata ko sa dako ni Primo na ngayon ay nakatalikod sa akin. Kasalukuyan itong abala sa pagbubuklat ng workbook ni Talia, pero kahit na gayon ay may pakiramdam akong nakikinig ito sa usapan namin ni Iñigo. “I-Iñigo...napatawag ka”, Nakita ko ang saglit na paghinto ng pagbubuklat ni Primo ng workbook pero agad din naman nitong itinuloy. “Mia! Hi! How are you?!”, masiglang bati ni Iñigo mula sa kabilang linya. Ang totoo niyan ay wala na akong naintindihan pa pagkatapos ng ‘how are you’ ni Iñigo dahil masyado akong pre-occupied sa ideyang nasa isang silid lang kami ni Primo, kasama ang anak nito, ilang hakbang lang ang layo nito mula sa kinatatayuan ko at siguradong dinig nito ang boses ko. At ang fact na alam niya kung sino ang kausap mo!, singit ng isang bahagi ng isip ko. Makalipas ang limang minuto, ay sa wakas natapos din ang tawag na ‘yon. Wala talaga akong naintindihan, basta panay oo at ah, talaga lang ang sinabi ko. Tumikhim ako para kunin ang atensyon ng mag-ama na abala pa rin sa pagtingin sa workbook. Lumingon naman si Primo. Wala na ang madilim na anyo nito, kaya lang balik na naman sa malamig at walang emosyon ang mukha nito. “Uhm... Sir...”, “Yes Ms. Alcantara?” Kailan kaya ako masasanay sa pormal na pagtawag nito sa akin? “A-Ahh...i-itatanong ko lang ho sana kung... m-may kelangan pa kayo?”, alangan kong tanong habang pinagkikiskis ang mga palad ko. “What do you mean?”, kunot ang noo nitong tanong. “A-Ah... k-kanina ho kasi b-bago ‘yong...bago ho kayo lumabas, sabi n’yo follow me, s-so...a-akala ko ho may...may sasabihin kayo”, “Ah, right”, anito nang mukhang maalala ang dapat sabihin. Tuluyan itong pumihit para ganap akong harapin sabay isinilid ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon. “Gusto ko lang sana itanong kung kamusta ang first day n’yo” ‘Yon lang??? Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang sarili kong maisatinig ang nasa isip ko. Napangiwi pa ako ng kaunti dahil medyo napalakas ang pagkakakagat ko. “What’s wrong?”, Sunod-sunod na iling ang isinagot ko dito. “O-Okay naman Sir, introduction kami today and tomorrow. Tapos magmomove agad sa Getting to Know You phase. Fast learner ho itong si Talia eh”, sagot ko at sinulyapan pa ang batang pormal lang na nakaupo sa pwesto niya kaninang naglelesson kami. “Good to know then. Ipapahatid na kita sa driver”, ani Primo sabay labas ng cellphone niya mula sa isang bulsa. “Ay wag na po Sir!”, mabilis kong pagtanggi bago pa man ito maka-dial, sanhi para matigilan ito. “Wag na?” “Opo, may... may lakad pa ho ako after dito”, sagot ko at sinundan iyon ng awkward na ngiti. Tumaas ang isang kilay nito tsaka mabilis na sinulyapan ang cellphone kong hawak ko pa rin sa kanan kong kamay. “Lakad? On a weekday? If I remember it right, hindi ikaw ang klase na lumalabas kapag weekdays” “A-Ah, m-minsan lang ho Sir, p-pag ... ‘pag importante”, Siyempre hindi ko sasabihin dito na dadaan ako sa bayan para bumili ng bag sa tiangge ‘no! Saglit pa ako nitong tinitigan bago tumango at ibinalik ang cellphone sa bulsa niya. “Very well, then. Talia, say goodbye to your teacher”, pormal nitong turan. “Bye Miss Mia! See you tomorrow po!”, masiglang sabi naman ni Talia. Ngumiti at kumaway naman ako bilang ganti tsaka kinuha ang bag kong sira at niyakap iyon para siguraduhing hindi maglalaglagan ang mga laman. “Sige Sir”, Hindi naman ito sumagot at tumalikod lang kaya lumabas na lang ako. Hmft! Panira talaga ‘tong bag na ‘to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD