CHAPTER 2

2132 Words
A B A L A . . . kami ni Clang sa paggugupit ng mga patterns na ginagawa namin kaninang hapon para sa materials na gagamitin ko sa klase ko bukas. Nagresign na kasi itong kaibigan ko mula sa dati naming elementary school dahil nagkainitan daw sila ni Principal Torres. Kaya ngayon ay dito ito sa amin nakatira habang naghahanap ng mapapasukang eskwelahan. “May chinika sa ‘kin si Macey”, basag ni Clang sa katahimikan. “O”, kaswal kong sabi habang nakatuon pa rin ang pasin sa ginugupit ko. “Meron daw s’yang inabutan sa kusina no’ng isang araw”, dugtong nito. Saglit akong natigilan pero nagpatay malisya lang ako. “O, ano raw do’n?”, kaswal ko pa ring tanong. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong hindi nito inaalis ang tingin sa akin at mukhang naghihintay pa na magpakita ako ng reaksyon o kung may sasabihin pa ‘ko. “Don’t tell me... nagkabalikan na kayo?”, tanong ulit nito. “Hindi ah!”, mariin kong tanggi na halos pasigaw na. “Ang taas???! Eh bakit kayo nagtutukaan sabi ni Macey kung talagang hindi kayo nagkabalikan?!”, sagot naman nito na ginaya ang tono pati ang pagsigaw ko. “Hindi nga kami nagtutukaan! S’ya ang humalik sa ‘kin! S’ya lang!”, pasigaw ko nang sagot sabay tumayo pa. “O eh di nagtutukaan nga kayo?!”, tumayo na rin si Clang at para na kaming tangang nagsisigawan tungkol sa tukaan. “Ang kukulit n’yo! Hindi ko nga s’ya tinuka! S’ya ang tumuka sa’kin!” “Sinong tumuka sa’yo anak?”, biglang singit ni Papa na marahil ay narinig ang sigawan namin kaya napasilip sa mula sa kusina. “A-Ahhmmm... wala ho Tito, pina-practice lang ho namin ‘yon play na gagamitin ni Mia sa lesson n’ya bukas. About po sa mga manok na nagtutukaan”, agad na palusot ni Clang. Lihim ko itong siniko dahil hindi pa rin ito matigil sa tukaan na ‘yan pero hindi naman nitp iyon pinansin. “Aahhh gano’n ba, o s’ya sige, at ako’y matutulog na, ‘wag na kayo masyadong magpuyat d’yan ah”, Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang pinatos naman ni Papa ang istorya nitong baliw kong kaibigan. “Sige po Tito, good night po”, “Good night Pa!”, pahabol ko nang tumalikod na ito. Nang makasigurong nakapasok na si Papa sa kwarto nito ay tsaka ko binalingan si Clang. “Panay ka kasing tukaan, ‘yan muntik pa tayong mahuli ni Papa”, paninita ko rito. “Ikaw kaya ‘tong unang sumigaw, masyado ka kasing defensive”, sagot naman nito tsaka muling sumalampak sa sahig para ipagpatuloy ang ginagawa kanina. “Hindi ako defensive, makulit ka lang talaga”, tugon ko naman tsaka naupo na rin para ituloy ang paggugupit. “Alam mo wala namang masamang aminin na nagugustuhan mo rin ‘yong mga panakaw-nakaw na halik ni Primo sa ‘yo. Understandable naman ‘yon kasi yummilicious naman talaga si Primo mo, medyo gago, pero drop dead gorgeous, so keri na din”, “Pinagsasabi mo na naman...hindi ko nagustuhan! Kamanyak-manyak”, patuloy kong pag-iinsist. “Mamatey?”, pangungulit pa nito sabay tutok ng hawak n’yang gunting sa ‘kin. Inikutan ko ito ng mata sabay iling. Wala talaga akong panalo sa babaeng ‘to. Parehong-pareho ito at si Macey, ubod ng kulit. “Naku ghorl, kung gano’n kagwapo ang mangmamanyak aayaw ka pa ba? Kung ako ‘yan baka ako na mismo ang maghubad sa harapan n’ya...ahhh, ahhh, oohh!”, sabi pa nito at umakto pang niyayakap-yakap ang sarili. Natatawang binato ko ito ng crumpled bond paper, sapul ito sa noo. “Aray! Masakit!”, reklamo nito habang tuptop ang noong tinamaan ng ibinato ko. “Kung ano-ano kasi ginagawa mo d’yan para kang may saltik. Itigil mo na nga ‘yan kaka-Primo mo d’yan, maggupit ka na”, komento ko tsaka imwenestra ang mga patterns na di pa rin nito tapos gupitin. Maya-maya ay bigla itong nagsumiksik malapit sa kinauupuan ko habang may makahulugang ngiti. “Eto last question, promise hindi na kita kukulitin about kay Primo ever, basta sagutin mo ‘tong very important question ko”, halos pabulong na nitong sabi. “Ano?”, nakakunot noo kong tanong. “Daks ba si Dok?”, kinikilig pa nitong tanong. “Ano??”, tanong ko ulit dahil akala ko’y namali ako ng dinig. “Iiiihh, kainis ‘to, daks ba kako si Primo”, mas mabagal nitong pag-uulit sa sinabi. Nang maintindihan ko ang ibig nitong sabihin ay agad na namilog ang mga mata ko sa gulat. “Hoy! Clarisse Dimaano ah! Puro ka na naman kabastusan!”, sagot ko sabay tulak dito ng bahagya. “Ang damot mo naman! Di ko naman aagawin! Curious lang ako!” “At bakit ka naman curious aber? Gusto mo matry?”, “Aba’y hindi! Selos ka naman agad! Bakit masama bang magtanong kung daks ba ‘yong jun-jun ng jowa mo?” “Syempre! I mean---hindi ko s’ya jowa pero ba’t ka naman kasi mako-curious kung daks ba ‘yong jun-jun n’ya kung ayaw mong ma-try?” “Eh bakit, daks nga ba?” “Oo!”, agad akong natigilan sa bigla kong naisagot. Maging si Clang ay nangiti tsaka dahan-dahang napatuptop ng bibig. “O-M-G...as in? Like mga 7 inches?”, kinikilig pa rin nitong tanong. Biglang parang nanuyo ang lalamunan ko kaya imbes na magkomento ay inikutan ko na lang ito ng mata. “8?”, hirit pa nito. Pero muli ay hindi ako sumagot, sa halip ay nagkunwari akong busy na sa paggugupit. “9?”, hindi pa rin ito matigil at pilit pang hinuhuli ang mga mata ko. “10??????”, eksaherada nitong hirit at gusto talagang makakuha ng reaksyon mula sa ‘kin. “OMG, pulang-pula ka ghoorrlll... meaning, mas mahaba pa????? Like mga 11? 12 inches???”, Sa pagkakataong ito ay hinarap ko na ito at sinamaan ng tingin. Iniisip ko kung paano ko ba ito mapapatigil sa kakabanggit ng jun-jun ni Primo. “Jusko Lord, 12 inches ang sawang ipinasok ni Primo d’yan??? Buti kinaya mo???”, parang hindi nito makapaniwalang tanong sabay turo pagitan ng hita ko. Agad kong hinawi ang kamay nito para sawayin. “Basta malaki, mahaba. Okay na?”, kunwa’y kaswal kong sabi para lang matapos na ang usapang jun-jun na ‘to. Pero ang totoo ay maging ako ay parang may mga paru-paro sa tiyan nang maalala ko na naman ang mga nangyari sa hotel, sa lamesa sa kusina namin, at sa kwarto namin ni Macey. Tumili ito ng walang sound habang pinaghahampas ako. Agad naman akong napalingon sa may taas dahil baka marinig na naman kami ni Papa, talagang makakalbo ko na ‘tong Clarisse na ‘to pag nagkataon. “Nakakalokaaaaaaaa!!!!! Ahhhhhh!!!!!”, pabulong ngunit intense nitong reaksyon. Halos mangisay na ito sa sobrang na kilig. “So... masarap?”, maya-maya ay tanong nito nang matapos mangisay. “Di ba sabi mo last question mo na ‘yon. No more questions. Gupit.”, pinal kong sabi tsaka itinuro ang mga naiwang patterns sa sahig. “Hmft! KJ”, inismiran ako nito tsaka tinampal sa balikat bago ito muling bumalik sa pwesto nito kanina. Lihim akong nakahinga ng maluwag nang sa wakas ay tumigil ito sa kaka-usisa. Pero hindi pa man lumilipas ang isang minuto ay bigla na naman itong tumili pero ito na rin ang nagtakip ng sariling bibig para pigilin ang pagtili. Nakita kong hawak nito ang cellphone habang sinisilip ang direksyon ng kwarto ni Papa para siguruhing hindi ito nabulabog. Nang masigurong wala s’yang nabulabog ay tsaka ako nito binalingan at kinikilig na iniharap sa ‘kin ang screen ng cellphone niya kung saan nakabalandra ang litrato ng isang lalaking naka-topless sa beach at tanging board shorts lang ang suot. “Sino naman ‘yan?”, walang kagana-gana kong tanong. “Kaloka! Di mo ba ‘to nakikilala?”, tanong din nito na sinagot ko ng simpleng iling. “OMG talaga! Mga ganitong mukha hindi kinakalimutan Maria Isabella!”, “Sino ngaaaa”, naiinip kong tanong. “Iñigo Buenaventura, remember?”, excited naman nitong sagot. Kumunot ang noo ko habang pilit kong inaalala kung may kilala ba akong Iñigo. “Haaaayyy naku! ‘yong manliligaw mo na araw-araw kang pinapadalhan ng bulaklak noon? The businessman s***h philanthropist s***h super hottie s***h super yummy Iñigo Buenaventura?”, pilit na pagpapaalala nito sa akin. “Ahhhh oo, naalala ko na. O eh ano raw meron sa kanya?”, muli ay kaswal kong komento tsaka iniayos sa illustration board ang mga patterns na ginupit ko. “Eto nga minessage ako! Wait lang sasagutin ko baka ito na ang true love ko!”, kilig na kilig nitong sabi habang tumitipa sa cellphone niya. Naiiling naman akong nagpatuloy sa ginagawa ko habang si Clang ay parang timang na nakangiti sa harap ng telepono niya. “Ay...”, maya-maya ay sabi nito. Nang tiningnan ko ito ay para na itong nalugi sa lotto, bagsak ang balikat at busangot ang mukha. “Bakit?”, tanong ko. “Ayaw na kitang maging friend”, anito sa akin tsaka ako inismiran. Nalukot naman ang noo ko. Pinagsasabi na naman ng isang ‘to?, minabuti kong sarilinin na lang komentong ‘yon. “Bakit ba? Ano ba ‘yon?”, pangungulit ko dito. “Eh ang hayup na ‘yan! Minessage message pa ako, ikaw naman pala ang hahanapin! Ano ba akala n’ya sa ‘kin lost and found section???”, iritado nitong sagot tsaka padabog na inilapag sa sahig ang cellphone niya. “Ako? Bakit daw ako hinahanap?”, nagtataka ko namang tanong. Inirapan naman ako nito. “Ano pa? eh di para ligawan ka ulit! Nabalitaan n’ya raw kasi from a common friend na single ka pa rin. Wala ka pa rin bang social media account? Bakit ako ang minessage n’yan eh ikaw pala ang pakay?”, tila naiinis pa nitong sabi tsaka humalukipkip. Simpleng iling lang ang isinagot ko dito dahil sa totoo lang ay hindi talaga ako interesado sa mga ka-ek-ekan ng social media na ‘yan. “Hindi ko naman kasi kailangan ang mga ganyan”, dagdag ko pa. Maya-maya ay biglang tumunog ang message alert tone ng cellphone ko kaya agad ko namang chineck kung kanino nanggaling iyon. Hi Mia! It’s me Iñigo, sorry, I took the liberty of reaching out to you, I hope you don’t mind. Iyon ang laman ng text message na natanggap ko. Agad akong napatingin kay Clang na mukhang alam na din kung sino ang nagtext. “Ibinigay ko na ang number mo, tutal do’n di naman papunta ‘yong pa hi Clarisse, hi Clarisse n’yan. Hihingin ang number mo tapos ‘pag naibigay ko na, wala na, nakalimutan nang nag-eexist ako”, paghihimuktok pa nito. Binalak ko pa sana itong pagsabihan pero hindi na lang ako kumibo dahil mukhang sumama nga ang loob nito. Halos magkasabay na tumunong ang ringtone ko tsaka ang paos naming doorbell. Nakatingin ako sa screen ng phone ko habang tumatayo para sana buksan ang gate, pero nauna na si Clang sa pagtungo sa gate kaya sinagot ko na lang ang unknown number ma tumatawag. “Hello?” “Hi Mia, ako ‘to, si Iñigo. Natanggap mo ba ‘yong text ko?” “Ahh oo, ngayon lang”, “Great! Itatanong ko lang sana, are you free this weekend?” “This weekend? Bakit?” “Yayayain sana kitang kumain sa labas eh, kung okay lang sa’yo?” “A-Ahh Iñigo kasi---” Naputol ang dapat na sasabihin ko nang makita ko kung sino ang kasunod ni Clang na pumasok. “Hi! I brought some snacks”, nakangiting bati ni Primo tsaka bahagyang itinaas ang dala nitong mga paperbag sa magkabilang kamay. “Mia?”, untag sa ‘kin ni Iñigo na nasa kabilang linya pa rin pala. “A-Ahm... Iñigo, tatawagan na lang kita bukas ah, sige, bye”, sabi ko dito at agad na pinindot ang end button tsaka mabilis na inilapag ang cellphone ko sa lamesa. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang abutan ako ni Primo na may kausap sa telepono, eh wala naman akong ginagawang masama. Mula sa pagkakangiti ay kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. “Who the hell is Iñigo?”, parang biglang naging kulog ang boses nito na dumadagundong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD