CHAPTER 3

2348 Words
-PRIMO- “N I C H O L O O O O O O O O ! ! !”, nasa sala pa lang ako nina Nick ay dumadagundong na ang boses ko at nagmamartsa na parang sasabak sa gyera. Alas siete pa lang ng umaga kaya’t sigurado akong tulog pa ito, baka nga kakatulog lang nito. Pero wala akong pakialam, ang kailangan ko ngayon ay makausap ito para sa isang napakahalagang pabor. Napalabas ng kusina ang ilang kasambahay nina Nick, na halatang nagulat sa bigla kong pagsigaw. Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy na pumanhik sa hagdan. Nang marating ko ang kwarto ni gago ay tuloy-tuloy ko itong binuksan at hindi na nag-abalang kumatok pa. Inabutan ko itong nakapatong sa isang babae pero ni hindi na ako nagulat at kaswal na lang na tumayo doon. “Nick”, tawag ko sa atensyon nito. “What now f*cker?”, iritado nitong sagot nang lingunin ako. Hindi na rin ito nagulat o nag-abalang itago pa ang ginagawang kababalaghan. Samantalang agad na nagtakip ng mukha ang babaeng kasama nito. “This is important!”, I insisted. “More important than this?!”, iritable pa rin nitong sagot na ang tinutukoy ay ang naudlot niyang ligaya. Napabuntong hininga ako. “Fine. Make it quick. I’ll go get some coffee”, sabi ko na lang tsaka naiiling na lumabas ng kwarto nito. Nick will always be Nick, for all I know ibang babae na naman ang kasama nito bukas makalawa. Dumiretso ako sa kusina para humingi ng kape sa kasambahay nito na para bang ako rin ang amo. Tutal gano’n din si Nick kapag nasa bahay namin ay ginaya ko na rin ito. Makalipas ang halos labing limang minuto ay bumaba na si loko. Halatang kakatapos lang, gulo-gulo pa ang buhok at nakasuot lang ng pajama. Kaswal akong humigop ng kape. “Manang, coffee please”, anito sa kasambahay na kanina pa abala sa paghahanda ang agahan bago naupo sa katapat kong silya. “You do know you have this bad habit of ruining my trips to heaven, right?”, baling naman nito sa’kin. Nagkibit-balikat lang ako tsaka muling humigop ng kape. Hindi kasi iyon ang unang beses na napasukan ko ito sa kwarto nito habang nasa kalagitnaan ng biyaheng langit niya, kaya parang naging normal na ‘yon sa ‘kin. “Ano bang importanteng sadya mo at ke aga-aga nambubulabog ka?”, tanong nito. “Iñigo Buenaventura, ring a bell?”, kaswal kong sagot. Saglit itong nag-isip. “Not sure, but I can find out. What’s up?”, Nagpakawala ako ng marahas na hangin. Naiyukom ko ang kamao ko nang maalala ko na naman ang inabutan kong pakikipag-usap ni Mia sa gagong Iñigo na ‘yan sa telepono kagabi. Ginabi na kasi ako ng uwi mula sa ospital. At dahil alam kong susungitan lang ako ni Mia kapag ito ang tinanong ko, ay si Macey na ang tinext ko para tanungin kung gising pa ang ate niya. Nagreply naman ito na nasa trabaho na siya pero ang alam niya ay magpupuyat ang ate niya sa paggawa ng mga materials para sa klase nito kinabukasan. Kaya nakaisip ako ng ideya na surpresahin ito ng midnight snack. Pero mukhang ako pa ang nasopresa nang abutan ko itong may kausap sa telepono na ang pangalan ay Iñigo. Ang lalong nagpakulo ng dugo ko ay no’ng sinabihan nito ang lalaki tatawagan bukas! Kung pupwede lang na hindi ako umuwi kagabi ay talagang magdamag akong magbabantay para siguraduhing hindi ito tatawagan ni Mia. Kaya lang syempre pinagtabuyan na naman ako nito paalis pagsapit ng alas dose ng gabi. Halos hindi nga ako nakatulog sa kakaisip kung magkausap ba ang mga ito no’ng umalis ako o kung talaga kayang tatawagan ni Mia ang gagong ‘yon kinaumagahan. Kaya namang pagputok na pagputok pa lang ng araw ay agad kong pinuntahan si Nick para humingi ng pabor dito. Ipapahanap ko talaga ang lintek na Iñigo na ‘yan nang maturuan ng leksyon. “Ang kay Primo ay kay Primo lang. Kapag sinubukan mong galawin ang akin, ha-haunting-ngin kita hanggang sa dulo ng impyerno”, gigil kong sagot. Tumaas-taas lang ang kilay ni Nick. “Find out kung anong pinagkakaabalahan ng gagong ‘yan. From what I heard, he’s into some business”, “Okay. And then?”, “We’ll invite him over. Mukhang walang idea si loko kung sino ang binabangga n’ya. Well, I’ll be more than honoured to introduce myself”, sabi ko at sinundan iyon ng makahulugang ngiti. Tumawa naman si Nick tsaka umiling-iling. “Pagdating talaga sa mga umaaligid kay Mia nagiging leon ka eh. Hinay-hinay ah, takutin mo lang, wag mong lapain”, biro nito. “Pwes wag nila akong kantiin. Take everything, but Talia and Mia are off limits. End of discussion.”, may pinalidad kong sabi. -MIA- “T E A C H E R . . . may nagpapabigay po sa ‘yo nito o!”, masiglang sabi ng isa sa mga estudyante ko sabay abot ng isang pulang rosas sa ‘kin. “Thank you Xia, kanino raw ‘to galing?”, tugon ko sa estudyante ko sabay kuha ng bulaklak mula rito. Pinilit kong maging magiliw at manatiling nakangiti kahit na ang totoo ay nagtataka at nagulat ako dahil baka isipin ng bata na tinatanggihan ko s’ya. Kahit na medyo may hinala na ako kung sino ang nagpapabigay raw niyon ay nagkunwari pa rin akong walang alam. Wala naman kasing ibang nagbibigay sa ‘kin ng bulaklak ng very random kundi ang loko-loko kong ex na ngayon ay masuggid na nanliligaw ‘daw’. Sa halip na sumagot ay may itinuro si Xia sa may di kalayuan. Sinundan ko naman ng tingin ang direksyong tinutukoy nito at doon ko nakita ang isang lalaking naka-light blue na longsleeves shirt at skinny suit trousers. Bahagya pang naningkit ang mata ko para sipating mabuti kung sino ang lalaking iyon dahil sigurado akong hindi iyon si Primo. Kumaway ang lalaki bago nagsimulang humakbang papalapit sa kinaroroonan ko. Nakangiti ito at hindi inaalis ang tingin sa akin habang ako nama’y pilit na inaalala kung kilala ko ba ang lalaking ‘yon. “I see you don’t remember me”, wika nito nang mga ilang hakbang na lang ang layo mula sa akin. Napangiti ako ng alanganin. Nakakahiya man ay totoo ang sinabi nito. “Wow. I’m hurt. All these years hindi ka nawala sa isip ko, but you don’t even remember me”, pabiro nitong sabi. Medyo chinito ito, tantya ko ay nasa 5’11 or so ang height, medyo payat pero may kalaparan din naman ang balikat. Nakaclean cut ang buhok at prominente ang angled jawline at matangos na ilong. “Iñigo, remember?”, dagdag pa nito nang siguro’y mahulaan na hindi ko talaga siya maalala. “Oh! Hi! Sorry, sorry hindi kita namukhaan agad!”, komento ko nang sa wakas ay maalala ko na kung sino ito. Yes that’s right. Standing before me is the Iñigo Buenaventura na dating nanligaw sa ‘kin noon na tumawag din sa ‘kin noong isang gabi para yayain akong lumabas. Bigla ko tuloy naalala si Primo na biglang nagtransform into a monster nang marinig na may kausap akong lalaki sa telepono. Kung hindi ko pa pinagtabuyan ay hindi na uuwi at binabantayan ako kung tatawagan ko nga raw ba si Iñigo gaya ng narinig n’ya no’ng dumating s’ya. “Well, I’m kinda hurt. So kung gusto mong makabawi, can you join me for coffee?”, diretsahan nitong hirit. Medyo nag-alangan ako. Bukod sa ngayon ko lang ito nakita ulit matapos ko itong ‘bastedin’, ewan ko kung bakit bigla kong naisip si Primo, siguradong maghuhuramentado ito kapag nalaman nitong sumama ako kay Iñigo. Pero agad kong ipilig ang ulo, eh ano naman ngayon kung makipagdate ka? Single ka naman ah!, sabi ng isang bahagi ng isip ko. “May... iba ka bang plano? Pwede namang sa-ibang--” “No, hindi... hindi ‘yon. Inisip ko lang...kailangan ko pa kasing siguraduhing nasundo ang bawat isa sa mga estudyante ko bago ako makauwi” , pagsisinungaling ko. “Ahh, no problem, I can wait”, nakangiti nitong sagot. Hindi naman na ako kumibo dahil medyo na-a-awkward ako. “So... I’d take that as a yes?”, nag-aalangan nitong tanong na sinagot ko na lang ng simpleng pagtango. Abot-tenga rin ang naging ngiti nito at pasimple pang napasuntok sa hangin na para bang nanalo ito ng jackpot. “Sige”, sabi ko naman tsaka nagsimulang tipunin ang mga estudyante kong chikiting para i-head count ang mga ito bago ko pauwiin. Matapos ang halos bente minutos ay natapos din ako. Iginiya ako ni Iñigo sa sasakyan niyang nakaparada sa may tapat ng gate ng preschool namin. “Thank you sa pagpayag mo na sumamang magkape”, out of the blue nitong sabi pagkasakay na pagkasakay nito sa sasakyan. Medyo awkward ako dahil hindi naman ako sanay na makipagdate, kaya mas pinili kong ngumiti na lang, baka mamaya ano pa masabi ko. “Dati kasi wala pa man akong sinasabi sino-sinoplak mo na ‘ko agad”, pabiro nitong dagdag tsaka binuhay ang makina ng kotse nito at pinaandar. “Sorry”, nahihiya kong sagot na ikinatawa naman nito. “Binibiro lang kita”, anito bago muling pumormal. “But at least I’m making a progress di ba? After 2 years of waiting, finally napapayag din kitang lumabas for coffee...”, dagdag pa nito at sinundan iyon ng mabilis na pagsulyap sa gawi ko habang nakangiti. Muli ay hindi ako sumagot. Ako na talaga ang pinaka-awkward na babae sa balat ng lupa! Sana pala nakinig ako kina Macey at Clang no’n na panay ang pilit sa ‘kin na makipagdate man lang. Pakiramdam ko tuloy ay napag-iwanan ako ng panahon. Itinuon ko na lang ang tingin sa labas ng bintana at dahil uwian na ng mga estudyante at empleyado ay medyo mabagal ang usad ng trapiko. Napatingin tuloy ako sa dalawang highschool student na sweet na sweet na nagdidate sa tapat ng fishball-lan. Wala sa loob akong napabuntong-hininga. Baka nga mas magaling pa sa pakikipagdate ang mga high school student ngayon kesa sa ‘kin. “Bakit?”, biglang tanong ni Iñigo. Napatingin tuloy ako rito. Baka isipin nitong binabastos ko s’ya. “A-Ahh wala, naisip ko lang ‘yong mga kabataan, ke babata pa pa-date-date na...”, pagsisinungalin kong muli. “Iba na ang kabataan ngayon, masyado nang open sa lahat. Ayaw na ng pinagsasabihan sila”, sabi naman nito. “Oo nga eh”, sagot ko. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil hindi talaga ako marunong magsustain ng conversation. Isa ‘yon sa mga dahilan kung bakit ako nag-aalangang makipagkaibigan o nakipagdate simula no’ng maghiwalay kami ni Primo. Masyado yata akong na-trauma sa pagtalikod ng mundo sa akin noon kaya nasanay akong mag-isa. Namalayan ko na lang na huminto na kami sa tapat ng isang coffee shop dito sa bayan kaya agad na akong bumaba ng kotse ni Iñigo bago pa man ako nito mapagbuksan. Nakita kong natigilan ito sa ginawa ko pero hindi na rin nagkomento pa. “May magagalit ba?”, bigla nitong tanong nang umagapay ito sa ‘kin habang papasok kami ng coffee shop. “Huh?”, nagtataka kong tanong. “Para medyo aloof ka, may magagalit ba kung malalaman nakipagcoffee date ka?”, Mabilis na rumihistro sa isip ko ang mala-dragong mukha ni Primo. Meron!, muntik ko nang maisatinig ‘yon! Mabuti na lang at pasimple kong nakagat ang dila ko para pigilin ang sarili. Kunwari ay tumawa ako para burahin ang awkward na atmosphere na ako rin ang may gawa. “Wala ano ka ba”, maiksi kong sagot at lihim na hiling na sana ay ‘wag na itong mag-ungkat pa. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na ito nagtanong pa. Agad kaming um-order ng kape tsaka naghanap ng pwestong mauupuan. Pakiramdam ko ay napakabagal ng oras habang nagkakape kami ni Iñigo. Panay ang pasimple kong pagsulyap sa relo ko dahil gusto ko na sanang mag-ayang umuwi. Bigla ko tuloy naisip, gan’on ba talaga kaboring ang mga date? Nagtatanong naman ito tungkol sa ‘kin, hindi rin naman puro siya ang pinag-uusapan namin, pero ba’t gano’n, ang gusto ko na lang ay umuwi at humilata sa kama. Baka nga tama si Macey, certified Tita na ako at hindi ko na na-eenjoy. ang mga ganitong bagay. Pagsapit ng alas sais ng gabi ay hindi na ako nakatiis, nag-aya na akong umuwi. Mukhang napahiya pa ito at hindi inaasahan ang bigla n’yang pag-aaya pero hindi na rin ito kumontra pa. Nagprisinta na itong ihatid ako pauwi, tumanggi pa sana ako pero nagpumilit ito kaya sa huli ay pumayag na lang din ako. Halos sampung minuto lang ang bineyahe namin at agad namang nakarating sa kami sa tapat ng bahay namin. “Sorry ah, may pasok pa kasi ako bukas”, pagdadahilan ko bago ako pumasok sa gate. “It’s okay, maybe next time we can go out for dinner?”, alangan nitong tanong. Sasagot pa lang sana ako nang biglang may magsalita mula sa likuran ni Iñigo. “Pwede ba akong sumama sa dinner n’yong ‘yan?”. Sabay kaming napalingon ng huli. And there was Primo, na prenteng nakasandal pa sa kotse ni Iñigo habang nakapamulsa pa at nakakrus ang mga paa. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba, baka mamaya ay gawin na naman nito ang ginawa nito kay Travis sa ospital. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa amin nang hindi inaalis ang matalim na tingin kay Iñigo. Tumabi ito sa akin tsaka pinasadahan ng tingin ang huli mula ulo hanggang paa. “S-Sorry, but...who are you again?”, tanong ni Iñigo dito. Agad na inilahad ni Primo ang kamay niya bago pa nagpakilala. “Dr. Primo Cordova, future husband nitong inaaya mong magdinner”.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD