WARNING: SLIGHTLY SPG CONTENT!
-MIA-
N A M I L O G . . . ang mga mata ko at mabilis na tinampal si Primo nang marinig ko ang sinabi nito. Pero dahil nga mukhang gawa ito sa bato ay hindi man lang nito ininda ‘yon at tuloy ito sa pakikipagtagisa ng tingin kay Iñigo, na mababakas na rin ang pagkalito sa mukha.
“I’m sorry?”, ‘a nang huli.
“Not forgiven. Ayoko sa lahat ay ‘yong pinapakialaman ang mga pag-aari ko. Now, leave”, sagot naman ni Primo na hindi itinago ang iritasyon at pagbabanta sa tono.
Nalilito namang binalingan ako ni Iñigo na para bang humihingi ng paliwanag. Napabuntong hininga na lang ako.
“Sige na Iñigo, umalis na lang muna, tsaka na tayo mag-usap”, sabi ko na lang sa pobreng lalaki na walang nagawa kundi tumango na lang.
Knowing Primo, hindi talaga ito matitinag sa kinatatayuan nito hangga’t hindi nito nakikitang umalis si Iñigo. Ayaw na ayaw nito ang kino-kontra s’ya. Kaya’t bago pa magkagulo ay mabuti pang paalisin ko na lang ito.
“I’ll call you”, sabi na lang ni Iñigo.
“Subukan mo, kung gusto mong purinarya ang sumagot sa tawag mo”, agad na banta ni Primo rito.
“Primo!”, pagsaway ko agad dito.
Hindi naman na sumagot pa si Iñigo at tuluyan nang umalis.
Nang mawala sa paningin ko ang kotse nito ay tsaka ko binalingan si Primo na nakatitig pala sa ‘kin. Gusto ko itong batukan at pagsisigawan pero mas pinili kong manahimik at magkasya sa pagpukol dito lang ito ng masamang tingin. Ni ayoko na lang itong simulan dahil siguradong sa bangayan na naman mauuwi ang usapan namin.
Akmang papasok na ako ng gate ng pigilin ako nito sa braso.
“Give me your phone”, utos nito sa baritonong boses.
“Bakit ba?!”, halos pasigaw ko nang sagot dito at pilit na binawi ang braso ko.
“Just give me your phone”, ulit nito.
“Ayoko!”, mariin kong tanggi tsaka muling umaktong papasok na sa gate, ngunit napatili ako nang walang sabi-sabi ako nitong buhatin na parang sako ng bigas.
“Hoy Primo!!! Ibaba mo ‘ko!!!! Gago ka! Ibaba mo ‘ko bwiset ka!!!! Aaahhh!!!!”, panay ang protesta ko nang magsimula itong maglakad palayo sa bahay namin.
“Papa!!!! Macey!!!! Aahhhhh!!!!! Kuya!!! Tulungan n’yo ‘ko!!!!!!”, sigaw ko pa sabay kampay ng mga paa ko.
“Stop wiggling! Baka mahulog ka!”, pagalit nito sa ‘kin sabay palo sa pwetan ko.
“Ibaba mo kasi ako gago!”, pasigaw ko nalang sagot.
“Isa pang masamang salita ang lumabas d’yan sa bibig mo Mia, talagang dito kita aangkinin sa gitna ng kalsada!”, pagbabanta nito pero patuloy naman ang paglalakad habang pasan-pasan ako.
“Baliw ka ba?! Ano ka exhibitionist?! Ibaba mo sabi ako! Primoooooo!!!!”, patuloy kong pagpoprotesta ngunit wala na akong narinig na sagot mula rito.
Patuloy ako sa pagkawag-kawag pero dahil nga daig ko pa ang malnourished na isda ay parang wala lang dito ang pagbitbit sa ‘kin.
Nang mag-angat ako tingin ay nakita kong papasok kami sa mansyon ng mga Cordova na ilang block lang ang layo mula sa bahay namin. Muli akong nagsimulang magpapalag dahil ayokong pumasok do’n.
“Bakit mo ba ako dinala dito??? Bitiwan mo sabi ako bwiset ka!!!!”, ginamit ko ang natitira kong lakas para subukang kumawala mula rito pero hindi pa rin ako magtagumpay.
Nang makapasok kami sa maluwang nilang sala ay doon ako nito ibinaba. Agad ko itong pinukol ng masamang tingin habang inaayos ko ang buhok kong siguradong nagmukhang bruha.
“Habang tumatagal ay hindi ‘ata gumaganda ang tabas ng dila mo, love”, anito habang nakunot ang noo.
“For the nth time, tigilan mo ang kakatawag sa ‘kin ng love dahil hindi ako natutuwa! Tabi d’yan!”, galit kong tugon tsaka sinubukan itong hawiin para sana tunguhin na ang pinto at lumabas pero mabilis nitong nahawakan ang pulso ko tsaka ako kinabig papalapit sa kanya. Mabilis rin nitong kinuha ang kabila kong kamay at diretso iyong iginapos sa likuran ko gamit ang sarili n’yang mga kamay kaya’t nagmistula itong nakayakap sa akin. Abot naman ang pagliyad ko para ilayo ang mukha ko sa mukha n’ya.
“Bitiwan mo nga ako! gago k----mmm”, naudlot ang pagpoprotesta ko nang takpan ng mga labi nito ang bibig ko. Mariin iyon pero saglit lang at agad ding binawi.
“Bwiset ka tala---mm!!”, hindi ko na naman naituloy ang sinasabi ko dahil inulit nito ang pagsakop sa bibig ko.
“Napakabastos m---“, at muli ay gan’on na naman ang ginawa nito. Habang pilit akong umiiwas ay pilit naman ako nitong hinuhuli.
Pinakawalan nito ang mga labi ko pero nanatili kami sa posisyong nakagapos ang mga kamay ko sa likod ko gamit ang kamay niya.
“Sige, isag pangit na salita pa Mia, and I will make love to you right here, right now”, pagbabanta nito.
Sa takot na baka nga totohanin nito ang sinabi ay nagkasya na ako sa pag-irap at pagsimangot. Palagi na lang ito nakakaisa, well, ngayon nga ay hindi lang isa kundi tatlong beses pa akong ninakawan ng halik ng bwiset na Primo! Pa’no ako makakapagmove on nito???
“Ser?”,
Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na ‘yon. Sinubukan kong kumawala muli mula sa pagkakagapos ni Primo, dahil mukhang iyong kasambahay nila ang nahihiya sa naabutang tagpo, pero bigo ako.
Binalingan ako nito ng tingin kaya sinamantala ko ‘yon para senyasan itong bitiwan ako dahil nakakahiya. Pero mukhang iba ang natanggap nitong mensahae dahil bigla ako nitong muling pinangko.
“Tell everyone not to disturb me”, maawtoridad nitong baling sa kasambahay na mukhang mas nagulat pa kaysa sa ‘kin ang reaksyon.
Pasimple kong itinago ang mukha ko sa dibdib ni Primo dahil alam kong pulang-pula na rin ako. Nagsimula na itong humakhang papanhik sa hagdan habang pangko-pangko ako.
“Y-Yes Ser”, narinig kong sagot ng kasambahay na tanging likod na lang ni Primo ang nakarinig.
“I swear to God, Primo... kakalbohin kita sa pinaggagawa mong ‘to”, bulong ko dito sa pagitan ng mga ngipin ko.
Alam kong narinig ako nito pero nang tingalain ko ito ay diretso lang ang tingin nito at walang mababakas na emosyon maliban sa salubong na kilay.
Maya-maya pa ay nakapasok na kami sa kwarto nito. Diretso ako nitong iniupo sa gilid ng kama nya tsaka ito tumayo ng tuwid. Pinakatitigan ako nito ng matalim ng ilang segundo tsaka nagpakawala ng marahas na buntong hininga at nag-iwas ng tingin.
At ito pa talaga ang may ganang ma-frustrate??? Inirapan ko rin ito kahit na alam kong hindi naman ako nito nakikita dahil sa ibang direksyon ito nakatingin.
“Give me your phone”, kapagka-kuwa’y sabi nito.
“Excuse me?”,
“Your phone”, ulit nito sabay inilahad pa ang kamay.
Tinaasan ako nito ng kilay pero imbes na masindak ay tinaasan ko rin ito ng kilay. Kung akala nito ay matatakot pa rin ako sa mga pagalit-galit niyang ‘yan ay nagkakamali ito.
“Uuwi na ako”, inis kong sabi.
“Mia?! Can you not.....just don’t do anything, please”, anito habang pilit na pinapakalma ang boses pero halatang nanggigigil and at the same time ay nakikiusap.
“Aba’y ako na nga itong dinala-dala mo ng sapilitan dito, tapos pinahiya mo pa ako sa harap ni Iñigo kanina, nakakahiya wala namang ginagawang masama ‘yon---”
“STOP!”,
Napatigil ako sa biglang pagbulyaw nito.
“Just stop....mentioning his name. Stop mentioning any other man’s name for god’s sake!”,
“Ano bang problema mo na naman?!”, hindi ko na rin maiwasang hindi magtaas ng boses, paano’y nagiging unreasonable na naman ito.
Hindi ito sumagot pero nagpabalik-balik ito ng lakad sa harapan ko na parang hindi mapakali at nakapameywang.
“Ikaw na ‘tong nambastos kay Iñigo, ikaw pa ‘tong galit?!”
“Iñigo! Iñigo! Putang inang Iñigo ‘yan!!!”
“Wag mo ngang mamura-mura ‘yong tao! Di mo naman kilala!”
“Eh putang ina naman talaga s’ya eh!”
“Inaano ka ba n’ya?”
“Ayoko ng nagseselos!”
Natigilan ako hindi na nakasagot sa huling sinabi nito. Habang ito naman ay nagtaas -baba ang dibdib sa galit at nanatili ring nakatingin sa ‘kin.
Sa bilis ng t***k ng puso ko ay wala akong ibang nagawa kundi ang titigan ang tila magneto nitong mga mata. Ngunit hindi ko kinaya ang intensidad ng mga titig nito kaya ako na rin ang unang nagbawi ng tingin.
Nahagip ng mga mata ko ang picture ng anak nitong si Talia na napatong sa may lamesa sa kwarto nito. Doon ako parang biglang pinukpok ng bato at natauhang muli sa tunay naming sitwasyon. Walang namin. At hindi na magkakaro’n.
Muli akong tumayo para umalis na roon dahil hindi naman talaga ako dapat na nandoon. Pero naudlot ito nang itinulak ako ni Primo pahiga sa kama at agad na pinakubabawan. Impit ang naging pagtili ko sa mabilis na pangyayari.
Bagaman itinukod nito ang mga braso sa kama para panatilihin ang distansya ng mga mukha namin, ay ramdam na ramdam ko naman ang bagay na namumukol sa may bandang gitna nito na nakapatong sa puson ko.
Ilang kurap at paglunok ang kinailangan kong gawin upang pilit na kalmahin ang sariling damdamin. Samantalang pinakatitigan naman ako ni Primo at nakita ko ang pagdaan ng samu’t saring emosyon sa mga mata nito.
“You have no idea how much I’m restraining myself not to strip you naked and make love to you right now Mia”, anito nang hindi inaalis ang titig sa akin.
Okay, baliw siguro ako kung sasabihin kong walang epekto sa akin ang mga sinabi nito, plus the fact na nakapakubabaw ito sa akin at mukhang sinasadya talaga nitong tuksuhin ako ng umbok niyang nakadikit sa puson ko.
“Primo...”,
Bago pa man ako nakapagsalitang muli ay sinakop na nito ang mga labi ko. Hindi tulad ng panakaw-nakaw nitong halik sabi nga ni Clang, this kiss is different. It’s passionate. It’s demanding. It’s longing...
While I was in daze, sinamantala nito ang pagkakataong iyon para paglalimin ang halik niya. He smoothly slid his tongue into my mouth and started to rummage its inside. Hindi naman ito nakainom, hindi rin naman mapait, sa katunayan ay manamis-namis ang nalalasahan ko pero pakiramdam ko ay bigla akong nalasing sa lasa ng dila nito.
“Hmmmm”, narinig kong ungol nito.
Maya-maya ay naramdaman kong ipinasok nito ang isang kamay sa ilalim ng blouse ko. Agad akong napaiktad sa init ng balat nito. Lalo na nang magsimula itong himas-himasin ang tiyan ko hanggang sa unti-unting naglandas ang kamay nito pataas, hanggang sa marating nito ang isa kong bundok. He gently massaged my left breast habang bumababa rin ang mga halik nito sa leeg ko.
“Primo!”, halos mapasigaw ako nang mabilis nitong hawiin ang isang side ng bra ko at diretsong isinubo nito ang tuktok niyon sa ibabaw ng blouse ko.
Doon ako parang binuhusan ako ng lamig na tubig at nahimasmasan. Mali ito. Hindi ito dapat nangyayari.
“Primo..”, pag-awat ko rito habang marahang itinutulak ko ito palayo ngunit hindi ito natinag at nagpatuloy sa ginagawa niya.
“Primo, please...”, I said desperately.
Doon ito natigilan at nag-angat ng tingin.
Saglit ko muna itong pinakatitigan bago ko itinuloy ang sinasabi.
“This is wrong”, dugtong ko sa mahinang boses.
Kumunot ang noo nito at ilang sandaling pinakatitigan lang ako. Mukhang may gusto pa itong sabihin ngunit tanging buntong-hininga lang ang narinig ko mula dito tsaka ito umalis sa pagkakakubabaw sa ‘kin.
Biglang parang gusto kong kutusan ang sarili ko, dahil nakaramdam pa ako ng disappointment nang gawin nito iyon.
Kagya’t na rin akong bumangon at inayos ang sarili. Nang ibaling ko ang tingin ko rito ay nakatayo lang ito sa may gilid ko at nakatanaw sa labas ng veranda na tila napakalalim ng iniisip.
“D-Do you...”, mahina nitong basag sa katahimikan sa pagitan namin.
Muli itong bumuntong-hininga.
“Iñigo”,
Nakunot ng bahagya ang noo ko. Bakit ba hindi ito matigil sa kaka-Iñigo nito?
Maya-maya ay nilingon ako nito.
“Do you like him?”, tila nag-aalangan pero seryoso nitong tanong.
Hindi ako nagbawi ng tingin habang pinag-iisipan ko kung ano ba ang dapat kong isagot dito.
“I want to get to know him better”, sagot ko nang hindi pa rin nagbabawi ng tingin. Pero mukhang ‘yong sinabi ko ang gusto kong bawiin nang makita ko ang pagrehistro ng sakit sa mga mata nito bago nag-iwas ng tingin.
Hindi ko alam kung bakit iyon ang biglang lumabas sa bibig ko. Wala naman talaga akong balak sagutin ang tanong nitong iyon pero iba ang nangyari.
Tumaas-baba rin ang gulung-gulungan nito tsaka tumango-tango.
“Okay”, kalmado nitong tugon.
Kalmado naman ang tono nito, mukha ring hindi naman ito galit. Pero parang may nagsasabi sa ‘kin na dapat akong kabahan.
Hindi na ito muling nagsalita pa. Samantalang hindi ko naman inalis ang mga mata ko sa mukha nito dahil gusto kong makita ang lahat ng reaksyong magdaraan do’n.
Pero hanggang sa maglakad ito papunta sa may pintuan ay wala blangko na ang ekpresyon ng mukha nito.
Maya-maya ay binuksan nito ang pinto tsaka tumayo sa gilid niyon.
Wait lang, tama ba ang pagkakaintindi ko? Pinapalabas ako nito ng kwarto n’ya???, hindi ko nakapaniwalang tanong sa isip habang kumukurap-kurap.
Ha! Pinapalayas ako??? Excuse me?! Baka nakakalimutan ng unggoy na ‘to na sapilitan n’ya akong dinala rito!, dagdag ko pa.
Sa inis dahil sa insultong natanggap ko ay padabog akong tumayo at nagmartsa papalabas ng pinto. Pero nang tumapat ako sa kinatatayuan nito ay nahinto ako nang magsalita ito.
“Wrong answer, Mia”, anito sa baritonong boses.
Pinukol ko ito ng matalim na tingin.
“Now you’re gonna have to pay the price. Wait for it”, dagdag pa nito na may bahid ng pagbabanta.