-PRIMO-
"C A L L . . . Doctor Bernal, tell him to come and see me”, utos ko sa sekretarya ko through the intercom.
“But Dr. Cordova, day off po ni Doc---”
“NOW!!!”, iritado kong sigaw sabay mariin na pinindot ang button ng intercom ko.
“Y-Yes Doc”, kabado nitong sagot bago nawala sa linya.
“F*cking idiots!”, pahabol ko pang komento kahit alam kong hindi na ako naririnig nito dahil hindi ko naman pinindot ang Speak button.
Napasuklay ako sa buhok ko sa sobrang frustration ko habang binabasa ko ang quartrrly reports ng bawat department ng ospital. Halos ilang araw ko nang pinagtutuunan ng pansin ang mga iyon pero wala akong makitang magandang report.
Halos mapunit ang mga papel as I turn the pages dahil sa sobrang inis ko.
“Wow... Doctor Monster Cordova is back”
Napaangat ako ng tingin at doon ko nakita si Toni na ngiting-ngiti habang nakatayo sa may pintuan ng opisina ko,
“Toni!”, I exclaimed.
Agad akong tumayo para salubungin ito ng yakap na sinuklian din naman nito.
“What are you doing here? Kelan ka pa dumating?”, tanong ko agad nang maghiwalay kami.
Nagkibit balikat muna ito bago sumagot.
“Martin finally gave in to my whimpers and granted me a month leave”.
“E di namroblema na naman ‘yon kung sino ang magcocover ng shifts mo?”, natatawa kong tugon.
“Not my problem. I’ve been requesting for this leave since forever, ilang beses na rin akong nagcompromise na i-move ng i-move dahil sa pakikiusap niya”, sagot nito at tuloy-tuloy nang pumasok sa opisina ko habang iginagala ang paningin sa kabuuan niyon.
“Kesyo wala s’yang mahanap na reliever, kesyo short staff ang ospital... tsk, I got tired of it so I said f*ck this, I bought my tickets and told him I’m leaving in two days whether he likes it or not”, dagdag pa nito.
Nabaling ang paningin nito sa nagkalat na papel sa lamesa ko tsaka diretsong naupo sa swivel chair ko.
“What’s all these?”, tila disgusto nitong tanong.
“Ah, quarterly reports”,
“You mean problems”,
Natawa naman ako.
“Yeah”.
Umikot ang mata nito saka umiling-iling.
“No wonder Doctor Monster Cordova is here”, komento nito.
“Monster? Who? Me?”,
“Didn’t you know?”
“Know what?”,
“That’s what people in the hospital call you. Doctor Monster Cordova”, she answered as she lazily flip through the pages on my desk.
“Excuse me, I’m too good-looking to be a monster”, komento ko na ikinaikot naman ng mata nito.
“So! When can I meet my cousin-in-law to be?”, maya-maya ay excited nitong tanong.
Medyo natigilan ako nang maalala ko na naman si Mia at ang huli nitong sinabi no’ng sapilitan ko itong inuwi sa mansyon.
I want to get to know him better.
Napahugot ako ng malalim na buntong hininga dahil parang biglang piniga ang puso ko sa naalala.
“What’s wrong?”, nag-aalalang tanong ni Toni.
Muli akong napabuntong hininga tsaka naupo sa maliit na sofa sa receiving area ng opisina ko.
“I’m running out of ideas kung paano ko mapapasagot ulit si Mia”, I answered with disappointment sabay napahilamos ng kamay sa mukha.
Tumayo naman si Toni mula sa swivel chair ko at dinaluhan ako sa receiving area.
“So? Suko ka na?”, tanong nito while she slightly leaned her body forward.
“No”, sagot ko pero agad ding napaisip kung tama ba ang sinabi ko.
“I mean, I don’t know”, I added with uncertainty.
“Anong you don’t know?”,
“Like, what if may iba na pala talaga s’yang nagugustuhan? What if hindi na pala talaga n’ya ako mahal? I mean, isn’t it too selfish of me kung pipilitin ko s’ya sa bagay na hindi naman na s’ya masaya?”, muli kong naihilamos ang kamay ko sa mukha tsaka bahagyang hinilot ang noo ko dahil kanina pa sumasakit iyon.
“Hey, hey”, ani Toni sabay pitik-pitik ng daliri niya sa harapan ko kaya napaangat ako ng tingin.
“What’s happening to you? Why are you chickening out? What happened to that Doctor Monster Cordova na handang banggain lahat just to get what he wants?”, anito.
Napaisip ako sa sinabi nito. Exactly Primo, anong kinakatakot mo?, tanong ko rin sa sarili.
Magmula kasi ng umalis ito sa mansyon noong isang araw ay hindi na muna ako nagpakita rito. This is so gay but I will admit, kinain ako ng insecurities ko. Dahil kasi sinabi nitong gusto pa nitong makilala ang hayup na Iñigo-ng ‘yan, ay bigla akong napaisip na baka nga ako na lang ang kumakapit, baka nga napagod na si Mia at ngayon ay gusto na akong kalimutan.
Napasandal ako sa sofa sabay nagbuga ng marahas na hangin.
“Oh God”, biglang sabi ni Toni sabay tuptop pa ng bibig niya.
“What?”,
“In all those years na magkasama tayo sa Canada, I’ve never seen this look in your eyes Primo”,
“What look?”,
“Fear”,
Kumunot ang noo ko.
“You’re scared of losing her forever. To the point na hindi mo na malaman ang dapat mong gawin”, she said in awe.
Hindi ako nagkomento dahil natumbok nga nito ang eksaktong mga salita.
“She really is your one great love, cousin dear”, dagdag pa nito.
Maya-maya ay bigla nitong inabot ang dalawa kong kamay at pinagsiklop ang mga ‘yon.
“I know what to do!”, excited nitong sabi.
“Huh?”
“Leave it with me. Let’s go”, magpoprotesta pa sana ako pero hinila na ako nito patayo at palabas ng opisina ko kaya wala na rin akong nagawa kundi sumunod dito.
-MIA-
“N A K A K A L O K A . . . Maria Isabella ah! Alas tres y medya na! Tom jones galore na akeems! Tapos na ang Mahal na Araw pinagfafasting mo pa ‘ko!”, abot ang pagkaladkad ni Clang sa ‘kin papasok sa isang kilalang restaurant sa bayan.
Sinamahan kasi ako nito sa trabaho dahil bored daw siya sa bahay at gusto niya ring makita kung paano maging preschool teacher. Kaya lang masyado akong naging busy sa activities ng mga bata kaya nalipasan na kami ng gutom.
“Teka, dahan-dahan naman, baka madapa ako”, tugon ko rito.
“Dalian mo kasi! Kinakain na ng mga bituka ko ang isa’t isa!”,
“Eto na nga...”, hindi ko malaman kung matatawa ba ako o ano dahil sa ekpresyon nitong tila end of the world na.
Lihim akong nagpasalamat nang makapasok kami sa restaurant at makitang kokonti na lang an tao, siguro ay dahil past lunch time na. Agad kaming pumwesto ni Clang sa isang bakanteng lamesa.
Lumapit sa amin ang isang lalaking waiter para iabot ang menu. Bahagya kong sinipa sa ilalim ng lamesa itong makire kong kaibigan dahil abot ang pa-cute sa kuyang waiter. Pinandilatan lang ako nito ng mata at itinuloy ang pagpapa-cute niya. Naiiling na inirapan ko na lamang ito at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Siya namang pagpasok ng isang pares na masayang nagtatawanan.
Pakiramdam ko ay nag-akyatan lahat ng dugo ko sa ulo nang mapagsino ko ang lalaki sa pareha.
“OMG, your hot ex s***h manliligaw ulit, 3 o’ clock!”, bulong ni Clang.
Gusto ko itong sagutin ng alam ko, pero natatakot akong magtunog affected ako kaya kunwari ay nagkibit balikat lang ako. Abot-abot ang pagpipigil kong tumaas ang kilay nang magawi sa amin ang tingin ni Primo. Halatang nagulat din ito nang makita kami.
I won’t stop until you take me back pala ah, ha! Bwiset kang unggoy ka!, sigaw ko sa isipan. Ako ang unang nagbawi ng tingin at pilit na pinagnormal ang ekspresyon ng mukha ko.
Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong naupo ang dalawa sa may di kalayuan sa amin.
“Nakakaloka... may na-miss ba ako? Akala ko ba die hard manliligaw mo ‘yang ex mo? Eh bakit may ibang chu-babe na kasama?”, bulong ulit ni Clang.
Ilang beses muna ako lumunok bago nagsalita, pakiramdam ko kasi ay natuyo ang lalamunan ko.
“Order na tayo?”, kunwa’y balewala kong pag-iiba ng topic.
Itinakip ni Clang ang menu sa mukha niya tsaka pasimpleng sumilip sa gawi nina Primo.
“In faiiirr gondo ‘yong chu-babe. Balingkinitan at makinis. Mukhang sosyalin at---”
“Clarisse Dimaano! Akala ko ba gutom ka na? Oorder ba tayo o chichismis na lang?”, labis ang pagtitimpi kong huwag sumigaw at makaagaw ng pansin.
Lumabi-labi ito tsaka muling nagpa-cute sa waiter na matiyagang naghihintay ng order namin.
Nang makaalis si kuyang waiter ay nagkaroon ako ng mas malinaw na view kung saan nakaupo sina Primo at ang babaeng kasama nito. Ang nakakainis do’n ay parang may sariling isip ang mga mata ko at kusang dumadako sa direksyon ng mga ito. At ang mas nakakainis ay sa ilang beses kong ginawa ‘yon ay lagi akong nahuhuli ni Primo! Bwiset na matang ‘to!, lihim kong pagalit sa sarili.
Panay ang kwento ni Clang pero wala akong maintindihan dahil masyado akong pre occupied doon sa dalawang taong kung magtawanan at maglandian ay akala mo’y sila lang ang tao sa mundo.
Maya-maya pa ay dumating na ang in-order namin kaya nagsimula na kaming kumain. Ang hindi ko malaman ay kung bakit para akong pusang hindi mapaanak sa kinauupuan ako. Lalo na nang makita kong masuyo pang pinunasan ng babae ang gilid ng bibig ni Primo.
Wala sa loob na napalakas ang tusok ko ng tindor sa porkchop sa plato ko. Bagay nga kayo, mga haliparot!, komento ko ulit sa isip sabay irap sa mga ito kahit alam ko namang hindi ito sa ‘kin nakatingin.
“Affected ‘te?”, bulong ni Clang.
“Excuse no! Wala akong pake kung maglaplapan man sila d’yan! Buhay nila ‘yan eh!”,
“Ong toos?! Di ka defensive n’yan?”, panunudyo pa nito.
“Alam mo ikaw, bilisan na mo nang kumain d’yan at nang makaalis na, baka maimpacho pa tayo sa panget na hangin dito”, mataray kong sagot
“Okaaayyy”
Nagkukutkot ang loob kong itinuon ang pansin sa kinakain.
Me pa-selos-selos pa kunwari, lalandi rin naman pala sa iba! Hmft! Makikita mo talaga Primo Cordova! Who you ka sa ‘kin ngayon!, paghihimuktok ko sa isip.
“Don’t worry friend, gaganti tayo, gaganti tayo! Naku talaga, ako wag inaano ah!”, pabulong-bulong na sabi ni Clang habang nanggigil na tumitipa sa cellphone niyam
Hindi ko na ito pinansin at pilit na inubos na lang ang pagkain ko. Dalawang bagay lang ang gusto kong gawin sa ngayon, una ay ang pilipitin ang leeg ng makireng babaeng kasama ni Primo, at pitpitin ang tenga ni Primo na mukhang enjoy na enjoy naman!
Nang matapos kaming kumain ay nagyaya na akong umuwi, pero panay ang pilit nitong si Clang na magdessert pa kami ay wag na munang umalis. Gusto ko itong kutusan dahil mukhang sinasadya pa nitong patagalin ang pananatili namin doon.
“Basta, mag-dessert na muna tayo... sige na pleeeaasseeee”, pangungulit pa nito.
Napabuntong hininga na lang ako tsaka tumango.
Napapalakpak pa ito sa galak at excited na tinawag ang waiter para sa dessert namin.
“Hi! Sorry natagalan ako, may dinaanan pa kasi ako!”, sabay kaming napatingala ni Clang sa lalaking biglang lumapit sa table namin.
“Iñigo?”,
“Hi!”,
Sabay naming sabi ni Clang. Agad akong napabaling sa kaibigan kong mukhang galak na galak at nagniningning pa ang mga mata.
“Uhm, tinext ko si Iñigo para sana magpasundo at magpahatid sa bahay, nagkataon naman na malapit lang siya kaya ayan”, nakangiting paliwanag ni Clarisse ngunit lihim na tumataas-taas ang kilay. Pinandilatan ko naman ito ng mata.
“Uhm, are you guys ready?”, tanong ni Iñigo.
“Ay sorry Iñigo, um-order pa kami ng dessert, akala kasi namin matatagalan ka pa, sorry”, sagot ni Clang.
“Clang, alam mo ikaw, inabala mo pa ‘yong tao”, pagsita ko naman sa kaibigan ko.
“No it’s okay. I need for a cup of coffee myself, okay lang if I join you guys?”, tanong naman ni Iñigo.
“S-sige..”, sagot ko.
Naupo ito sa tabi ko, samantalang awtomatiko namang lumipad ang mga mata ko sa gawi nina Primo, pero tanging ang babaeng kasama lang nito ang nando’n. Naging malikot ang mga mata ko at pasimpleng hinanap ang pamilyar na bulto pero hindi ko ito nakita.
Paki mo ba Maria Isabella? For all you know, nakakita na naman ‘yon ng mas magandang babae kaya iniwan ‘yong date niya! ‘apaka babaero!, paghihimuktok ko pa rin sa isip.
“Are you okay, Mia?”, tanong ni Iñigo.
“A-Ahhh oo---”
“Ako? I’m not okay”, biglang singit ng isang baritonong boses.
Sabay-sabay kaming napatingala sa lalaking nakatayo sa tabi ko. Napasinghap ako nang makita si Primo na walang kasing dilim ang anyo.
“You again?”, inis na tanong ni Iñigo rito.
“Yes. And from what I understand, I already warned you---”
“Primo! Pwede ba?!”, sigaw ko tsaka padabog na tumayo. Napatingin tuloy sa amin ang iilang kumakain.
“Wag kang gumawa ng gulo rito! Tsaka ano bang pinagpuputok ng butse mo?!", sigaw ko.
Bumuka ang bibig nito para sumagot pero agad naman akong nagsalita.
"Na andito si Iñigo? Eh bakit? Di ba ikaw rin naman? May kasama ka ring ibang babae?!”, tuloy-tuloy kong sumbat na halatang kinagulat nito.
Medyo nagulat din ako sa mga sinabi ko dahil alam kong tunog bitter, pero huli na para bawiin ko pa ang mga iyon.
“Clang, tara na”, sabi ko na lang at padabog na dinampot ang bag ko.
Natataranta namang dinampot rin ng huli ang bag niya.
Aktong lalampasan ko na si Primo nang pigilin ako nito sa braso.
“Don’t walk away from me nang hindi pa tayo tapos mag-usap Maria Isabella!”, galit din nitong turan.
“Excuse me! Wala na tayong dapat pag-usapan!”, ganting sigaw ko sabay bawi ng braso ko mula rito at malalaki ang hakbang na lumabas sa dinning hall. Agad akong dumiretso sa counter at mabilis na nagbayad.
“Mia!”, narinig ko pang tawag ni Primo sa akin pero wala akong balak na pansinin pa ito.
Napakakapal ng mukha! Siya pa ang may ganang magalit??? Mabaog ka sana!, galit na sabi ko sa isip ko habang nagsisettle ng bill namin ni Clang.
“Wag mo sabi akong tinatalikuran!”, anito nang maabutan ako sa counter.
“Wala akong pakialam”, inis ko namang sagot.
“Primo? What’s going on?”, singit naman ng babaeng kasama nito sa malanding tono.
“O ayan! Mag-explain ka na d’yan sa date mo! Tabi nga! Sa dinami-rami naman ng makakainan, dito ka pa nagpunta, ‘apaka malas ko talaga!”,
Lumingon ako para siguraduhing nakasunod sa ‘kin si Clarisse pero hindi ko ito nakita. Bahala na nga! Makakauwi naman ‘yon mag-isa.
Nang muli akong bumiling para sana lumabas na ng restaurant ay ang mukha ng malanding babae na kasama ni Primo ang agad kong nakita. Mukhang may gusto itong sabihin pero agad ko itong hinawi.
“Tabi!”, sigaw ko rito. Muntik pa itong mabuwal kung hindi pa ito nahawakan ni Primo. Lalo namang nag init ang ulo ko dahil halata namang arte lang iyon ng babae.
Inirapan ko na lang ang mga ito atsaka tuloy-tuloy na lumabas.
“Wait!”, sigaw ni Primo mula sa likuran ko kaya lalo kong binilisan ang mga hakbang ko.
Nagpupuyos ang dibdib na tumayo ako sa gilid ng kalsada para maghintay ng tricycle. Hindi ko alam kung alin ang kinabubwiset ko, ‘yon bang nakita kong magkasamang ibang babae si Primo, o ‘yong katotoohanan na affected pa rin ako at hindi ko nagawang itago ‘yon.
“Sabi nang wait lang eh! Bingi ka ba?!”, galit nitong bulyaw tsaka muli akong siniklot sa braso.
“Bitiwan mo nga ako!”, sagot ko naman at muling binawi ang braso ko. Kahilig kasing manghawak sa braso nakakabwiset din!
“What’s your problem?”, tanong nito.
“Wala!”
“Anong wala? Eh bakit ka nagagalit?”
“Paki mo ba kung galit ako o hindi? Pati ba naman kung kelan ko gusto magalit pakikialaman mo? Tabi nga d’yan! Haharang-harang!”, iniripan ko ito sabay hawi rito para tumanaw ng tricycle.
“You are being unreasonable”,
“Unreasonable man o hindi wala ka na do’n!”,
Pinara ko ang isang tricycle na bakante pero nang huminto ito sa tapat namin ay agad iyong itinaboy ni Primo. Sinamaan ko tuloy ito ng tingin.
“Problema mo ba?!”, bulyaw ko rito.
“Are you jealous?”, tanong nito.
Napatawa ako ng pagak pero sa totoo ay medyo kinabahan ako.
“Ha! Ako? Magseselos? Excuse me no! Never! Ni hindi kita kaano-ano”, sagot ko at muli itong inirapan.
“Then why are you fuming mad?”,
Medyo natigilan ako pero hindi ko iyon pinahalata.
“Dami mong tanong. Pwede ba mind your own business”, pag-iwas ko sa tanong nito.
“Uhm... Primo? Uhmm excuse me...Sorry, I didn’t know if you’re still coming back, kaya sinettle ko na ‘yong bill”, maarteng singit ng babaeng kasama nito.
Ewan ko ba! Pati sa boses nito ay naaalibadbaran ako! Paconyo-conyo pa, tse! Hindi ko na pinigil ang pag-ikot ng mga mata ko.
“Balikan mo na ‘yong date mo! Baka sabihin pa n’yan harap-harapan mo siyang ginagago, madamay pa ako”,
Nang akmang lalampasan ko na siya ay pinigil ulit ako nito. Bwiset na ‘to! Nakakarami na! Bugbog na ‘tong braso ko sa kakapigil ng unggoy na ‘to!
“Stay”,
“Ayoko sabi! Bit---”
“I said, STAY”, matigas nitong ulit. Pinakatitigan ko ito ng masama pero mukhang hindi ito affected.
“Toni, I’d like you to meet your future cousin-in law, Maria Isabella Alcantara”, dagdag pa ni Primo.
Wait, ano raw?, parang nag-hang bigla ang utak ko. Nang tingalain ko ito ay sa ibang direksyon ito nakatingin. Nang sundan ko naman ang tingin nito ay ang malanding babae ang tinutumbok niyon.
Iniharap ako ni Primo sa naturang babae gamit ang mga balikat ko.
“Mia, this is Antoinette, my cousin”,
Kumurap-kurap ako habang nakatingin sa babaeng sinasabi nitong pinsan niya. Ngumiti naman ang babae ng alanganin.
“Ahm... hi Mia, I’m Toni, pinsan ni Primo”.