bc

Agony Of Waves (Isla Vida #1)

book_age18+
297
FOLLOW
1.9K
READ
billionaire
contract marriage
second chance
CEO
doctor
drama
tragedy
heavy
office/work place
small town
like
intro-logo
Blurb

Waves symbolizes hidden emotions. Hidden… even if she’s living on an island she didn’t know existed, she’s still wondering what was her life before she came here. 

Her memories were like waves that were hidden somewhere. She felt that something tragic happened in her past and she didn’t know how she could find those…

Or would she still revive those lost memories?

chap-preview
Free preview
SIMULA
SIMULA  “You’re not going anywhere.” Bakas sa boses ni Dylan ang pagiging seryoso at mananatiling ganon ang desisyon niya.  “What?!” Hindi makapaniwala na tanong ni Chaaya, nakabihis na siya at handa na siyang umalis dahil nagkaroon ng aberya sa isa nilang branch.  “Can’t you hear yourself? You’re going to a f*****g construction site? You’re pregnant, Chaaya!” Hindi mapigilan ang pagtaas ng boses ni Dylan dahil sa kakulitan ng kanyang asawa.  “I know! I know! Mag-iingat ako, okay?” Pagpapaintindi niya sa kanyang asawa pero umiling-iling si Dylan dahil hindi niya maintindihan kung bakit hindi nakikita ng kanyang asawa ang kapahamakan.  “Chaaya naman,” Halos magmakaawa si Dylan sa kanyang asawa para magbago ang isip nito pero buo na ang desisyon ni Chaaya.  “Alam mo naman na mahal ko ang trabaho ko, hindi ba?” Nanghihinang tanong ni Chaaya sa kanyang asawa. “Alam mo kung gaano ko kamahal ang kumpanya namin at ang trabaho ko!” Siguro ay dahil sa kanyang pagbubuntis ay hindi niya maiwasan na sumigaw dahil kailangan na niya talagang pumunta sa site.  “Alam ko. Naintindihan ko naman.” Malamunay na banggit ni Dylan sa kanyang asawa dahil ayaw niya itong ma-stress at maselan pa ang kanyang pagbubuntis.  “Alam mo naman pala eh! Then, let me go!!” Inis na sambit ni Chaaya. Habang pilit na inaalis ang pagkakahawak ni Dylan sa kanyang braso.  Paalis na kasi siya sa kanina ang kaso ay nasaktuhan pa ng pag-uwi ng kanyang asawa kaya ngayon ay nag-aaway pa sila. Mag-iingat naman siya dahil bakit niya naman gagawa ng ikapapahamak ng kanyang anak? Kahit na sinabi na niya noon na wala siyang balak magkaroon ng anak dahil hindi niya kaya ang responsibilidad ay napilitan siyang magbuntis dahil sa kanyang asawa. Pero sa araw na lumipas, nararamdaman niya sa sinapupunan niya ang bata ay hindi niya mapigilan na mahalin na rin ito. “I won’t.” Pagmamatigas ni Dylan dahil nag-aalala lang siya para sa mag-ina niya. Ngayong alam niyang nagkaroon ng problema ay hindi malayo na magkaroon ng disgrasya sa site. “It’s not your work.” Pagpapaliwanag pa niya pero pilit na kumakawala si Chaaya.  “Hindi ko trabaho pero business namin iyon!” Naiinis si Chaaya dahil hindi niya alam kung bakit hindi siya maintindihan ni Dylan. Alam niyang hindi na kasali sa trabaho niya iyon pero gusto niya lang tignan at kung may magagawa siya para maayos ang problema. Dahil sa oras na may nangyaring hindi maganda ay hindi lang siya papalpak bilang negosyante kung hindi mawawalan din ng trabaho ang iilan dahil don.  “Delikado nga.” Sinubukan na maging malumanay ang boses ni Dylan kahit na nawawalan na siya ng pasensya dahil sa kakulitan ng asawa pero pinapaalala niya na lang na baka dahil sa hormones niya.  “After I check the site, I will file a leave in our company so I can focus on my pregnancy.” Biglaang sabi ni Chaaya. Nagulat si Dylan dahil sa sinabi ng asawa at alam niya nakaka-engganyo ang sinabi ni Chaaya dahil career-oriented si Chaaya bago pa lang sila magkasama at maging ngayong mag-asawa na sila.  Kaya hindi niya maiwasan na mag-aalala madalas sa pagbubuntis ng kanyang asawa dahil kung ano ang trabaho niya noon ay ganoon pa rin ang trabaho niya ngayon kahit na buntis siya. May isang araw pa nga na dinugo siya at nakita na lang niya sa hospital ang kanyang asawa. Laking pasasalamat niya na walang nangyari sa mag-ina niya ang kaso nga lang ay naging maselan ang pagbubuntis niya simula noong araw na iyon.  Pero kahit na naging maselan man ang pagbubuntis niya ay hindi pa rin tumigil sa pagtatrabaho si Chaaya. Sumosobra pa nga ang sahod niya bilang Doctor at ang pera niya sa kumpanya nila kaya kahit hindi na magtrabaho si Chaaya ay kaya niya itong buhayin. Ang kaso nga lang ay ayaw ni Chaaya ang trabaho sa bahay at mas gusto niyang maging hands-on sa kanilang business.  “But we never know what might happen there.” Halos ibulong nalang ni Dylan iyon dahil kung siya ang tatanungin ay gusto niyang tanggapin ang offer ng kanyang asawa ang kaso nga lang ay delikado talaga at baka ito na ang huling makausap niya ang kanyang asawa.  “Dylan, you know how much I love my work. I first love my work before I love you. You should be the first person who supports me!” Hindi maiwasan na sumbatan ni Chaaya si Dylan dahil ba parang kinukulong siya ng lalaki at nasasakal siya ngayon na hindi niya ito mapagbigyan.  “I know that’s one of the reasons why I fell in love with you. It is because I saw how much you love your career and not just yours but also the employees who are working with you.” Malambing na wika ni Dylan sa kanyang asawa. Sinubukan niyang haplusin ang pisngi nito ang kaso lang ay umiwas si Chaaya kaya hindi niya maiwasan ang pag singhap.  “Sorry but I need to go there.” Padabog na inalis ni Chaaya ang pagkakahawak ni Dylan sa kanyang braso kaya hindi maiwasan ni Dylan ang mapayuko.  “I know that you don’t want to have a child but please don’t do this.” Nakayuko niyang wika na ikinatigil ni Chaaya sa pagbubukas ng pinto. “Alam kong ayaw mo sa anak ko pero huwag namang ganto. Huwag mo naman siyang ipahamak. Wala siyang ginagawa sayo. Ako ang mag-aalaga sa kanya paglabas niya kung ayaw mo.” Halos lumuhod na sa pagmamakaawa si Dylan para lang huwag tumuloy si Chaaya.  Natigil siya dahil ganon pala ang tingin ng asawa niya sa kanya na handa niyang ipahamak ang anak nila. Minahal na rin niya ang bata dahil siya ang may dala-dala nito sa kanyang loob. “Ganoon ba ang tingin mo sa akin?” Hindi makapaniwala na tanong ni Chaaya. Para siyang nanghihina dahil sa sinabi ni Dylan sa kanya. “Na wala akong pakialam sa anak natin? Tiyaka, anak mo? Anak ko rin ito.”  Tumingin si Dylan kay Chaaya na ngayon ay nakaharap na sa kanya na kanina ay nakatalikod para buksan ang pinto.  “Hindi ba at ayaw na ayaw mo? Kaya nga ako na ang nagsakripisyo sa pangarap ko, na magreresign ako sa trabaho ko para ako na ang mag-alaga sa bata para lang hindi namin masira ng anak ko ang trabaho mo.” Masakit na tumawa si Chaaya.  “Ha!” Singhal ni Chaaya. “Sinusumbat mo sa akin ang desisyon mo? Dapat ko rin bang bitawan ang pangarap ko?! Hindi ba't pinagbigyan naman kita sa gusto mo?!”  “Hindi ba't pumayag ako na dito tayo tumira dahil malapit sa hospital na pinagtatrabahuhan mo? Hindi ba't pumayag ako na gusto mong makasal sa church kahit ma gusto ko sa beach? Hindi ba't pumayag ako na ikaw ang magdesisyon sa ayos ng bahay? Pumayag ako lahat sa gusto mo!” Sumbat ni Chaaya sa kanya. “Sumbatan ang gusto mo, hindi ba?! Ako lagi ang nag-adjust para sayo! Kahit na ayaw ko, pumapayag ako. Kasi mahal kita!”  “Hindi ba’t pinatawad kita kahit na hindi ko alam kung nagsasabi ka ba ng totoo tungkol kay Alessandra? Noong gabing hinalikan mo siya, hindi mo man lang ba ako naisip?! Kahit ayaw na kitang balikan noon, binalikan pa rin kita… kasi wala eh, mahal kita!” Hindi nakapagsalita si Dylan dahil para siyang natauhan sa sinabi niya. Napatingin siya sa cellphone niya na ngayon ay may tawag galing sa hospital. Paniguradong may emergency sa hospital. Halos mapapikit siya dahil kakatapos niya lang sa kanyang duty, nag-aaway silang mag-asawa ngayon pagkatapos ay may emergency pa at hindi siya pwedeng hindi pumunta.  “Lahat ng ayaw ko, ginawa ko para sayo! Pero hiniling ko lang na huwag mo akong pagdamutan sa pangarap ko.” Muling nag ring ang cellphone ni Daryl kaya hindi na siya makapag-isip ng mabuti. Palipat-lipat ang kanyang tingin mula sa kanyang asawa at sa kanyang hawak-hawak na cellphone. “Huwag mo naman ipagdamot sa akin ito… kahit ngayon na lang… kaya ko naman bitawan pansamantala para sa iyo.” Halos manghina si Chaaya habang binibigkas niya ang mga salitang iyon. Hindi madali bitawan para sa kanya ang kanyang career pero kaya niyang bitawan pansamantala. “Hindi lang para sayo kung hindi para na rin sa batang dala-dala ko.” Hinaplos niya ang tatlong buwan niyang tiyan.  Halos mapapikit si Dylan nang tumunog ulit ang kanyang cellphone, napahilot ito sa kanyang sentido bago siya pagod na tumingin sa asawa.  “The moment you step out, it's the end for the both of us.” Napaawang ang labi ni Chaaya dahil sa tinuran ng lalaking pinakamahahal niya.  “You’re really making me choose?” Halos hindi makapaniwala si Chaaya, ang akala pa naman niya ay si Dylan ang unang susuporta sa kanya pero mukhang nagkakamali siya. Huminga muna siya ng malalim bago siya tumango.  “Okay. This is the end for us.” Buong desisyon na sambit niya. Alam niyang nagpadala sila sa kanilang emosyon pero sa tingin niya ay hindi na tama ang pagmamanipula sa kanya ng lalaki.  Umiiyak siyang nagdrive ng kanyang sasakyan lalo na’t hindi siya sinundan ni Dylan. Magkaibang way ang kanilang tinahak. Siya papunta sa site at ang kanyang asawa ay papunta sa hospital.  Papunta sa una nilang minahal bago ang isa’t-isa.  Sinisigurado ni Chaaya na walang mangyayaring masama sa kanya para hindi siya magsisi. Tinahak niya ang kabilang daan para mapadali siyang makapunta sa site habang pilit na kinakalma ang kanyang sarili dahil ayaw niyang humarap ng ganoong itsura sa mga empleyado nila.  Parang bigla siyang nagsisi sa tinahak niyang daan dahil halos abandonado na ito, wala ni isa mang sasakyan pero bigla siyang napapreno ng biglang may sumalubong na truck sa kanya. Kabang-kaba siya habang nakayuko ang kanyang ulo sa manibela dahil muntikan na siyang mapahamak.  Patuloy ang paghinga niya dahil nagpanic siya. Alam niyang hindi lang siya ang mapapahamak kapag nabunggo siya sa track na iyon kung hindi pati ang bata na walang kamalay-malay sa kanyang sinapupunan. Hinaplos niya ang kanyang tiyan para maghingi ng paumanhin sa kanyang anak.  “Miss!!!” Sigaw ng nakamaskarang lalaki habang kinakatok ang bintana ng kanyang sasakyan. Kaagad siyang kinabahan dahil dalawang lalaki na nakatakip ang mukha ang nandoon habang may hawak-hawak na baseball bat. Kukuhanin na niya sana ang kanyang cellphone para tawagan ang kanyang asawa ngunit napasigaw na lang siya sa gulat ng biglaang hinampas ng lalaki ang bintana dahilan ng pagkabasag nito. Kaagad pinoprotektahan ni Chaaya ang kanyang sarili gamit ang kanyang mga kamay. Naramdaman na lang niya ang bubog na bumaon sa kanyang braso.  Naging mabilis ang pangyayari dahil nabuksan ng dalawang lalaki ang kanyang sasakyan tiyaka siya mabilis na hinatak palabas. Napasigaw siya sa diin ng pagkakahawak nila lalo na’t naramdaman niya pa ang mga bubog sa kanyang katawan.  “Maawa kayo!” Pakiusap ni Chaaya. “I will give you money! How much do you want?” Nagpapanic na tanong nito pero kita niya ang pagsenyas ng isang lalaki sa kanyang kasamahan kaya mabilis niya itong sinikmuraan.  Muling napasigaw si Chaaya dahil don hanggang sa nararamdaman niya ang pagdaloy ng pulang likudo mula sa kanyang maselan na parte kaya kahit na hindi na siya makahinga ay paulit-ulit ang pag-iling niya tiyaka niya iniisip ang kanyang anak.  “Patayin mo na lang iyan.” Dinig niyang sambit ng isa habang nahihilo na siya. Ramdam niya ang paghihina niya at ang pagsakit ng kanyang tiyan. Hindi niya maiwasan ang maiyak dahil hindi lang ang kanyang asawa ang binigo niya kung hindi pati na rin ang anak niya na mukhang hindi na masisilayan ang mundo.  Hanggang naramdaman na lang niya ang malakas na pagtama ng isang matigas na bagay sa kanyang ulo na naging dahilan para mawalan siya ng malay.  “I’m sorry.” tanging nasabi niya bago humandusay ang kanyang katawan sa sahig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
105.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.5K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook