KABANATA 55 Katahimikan ang naghari sa kanila pagkatapos sabihin ni Ethan iyon. Aaminin ni Chaaya na may punto ang kanyang kaibigan. Naguguluhan na rin siya sa kanyang nararamdaman dahil sa pinapakita o kaya naman ay sinasabi sa kanya ng Senyorito ang kaso nga lang ay kaagad niya rin namang inaalis sa kanyang isipan iyon dahil na rin sa walang hanggan na paalala ng kanyang ina sa kanya. At isa pa, hindi pa niya kayang humakbang sa panibagong kabanata sa kanyang buhay gayong nalimot niya ang mga naunang kabanata ng buhay niya, ni isang ala-ala ay wala siyang maalala. Ang pagbabalik ng kanyang ala-ala ang nauuna sa kanyang iniisip ngayon. “At katulad din natin, alam ko—nararamdaman ko na ganon din ang aking pinsan,” malungkot na ngumiti si Ethan dahil alam niya rin ang napagdaanan ng kany

