KABANATA 77 Bahagyang kinabahan si Chaaya kung sino man ang tumawag sa kanila. Alam naman niya na wala silang masamang ginagawa ng kanyang kaibigan na si Ethan. Hindi niya alam pero nakaramdam na lang siya ng kaba dahil kita niya ang mga mata ng taong tumawag sa kanila. May halong sakit at inggit ang kanyang nakikita kaya naman hindi niya maiwasan na maawa sa mga mata nito. Gusto man niyang magtago sa likod ni Ethan dahil hindi niya kayang harapin ang mga matang iyon ang kaso nga lang ay ayaw na niyang dagdagan pa ang sakit ng tao sa kanilang harapan. “Ashley,” pagtawag ng kanyang kaibigan sa dalaga. Pilit naman na kinurba ng dalaga ang ngiti niya habang nakatingin sa kanila kahit na mukhang napilitan lang itong ngumiti sa kanila. Mukhang hindi naman lubos sa kanyang loob ang ngiti na

