KABANATA 48 Pagkatapos ng kaarawan ni Lucas ay muling bumalik sa pagta-trabaho si Chaaya sa paglilinis sa dalampasigan at ilang bahagi ng mansyon para tulungan ang kanyang ina. Ilang linggo na rin ang nakalipas pagkatapos sumakit ng kanyang ulo nang ganoong kalala pero hindi niya sinabi sa kanyang mga magulang—maging sa kanyang kapatid dahil ayaw niya itong mag-alala pa. Hindi na rin naman sumakit ang kanyang ulo simula noon kaya wala nang rason para sabihin pa niya ito sa kanyang pamilya. Napapikit si Chaaya tiyaka niya nilanghap ang sariwang hangin na humahampas sa kanyang mukha. Mukhang swerte siya dahil ang binigay sa kanya na parte na lilinisin ay ang dalampasigan dahil hindi siya magsasawa sa tunog ng alon. Kumakalma ang kanyang pakiradam at para bang nawawala ang kanyang pagod sa

