KABANATA 79 “Hay nako! Hindi ko talaga alam kung anong meron diyan sa babaeng iyan at bakit baliw na baliw kayong mag-pinsan!” ang mga katagang bumungad kay Lucius pagkamulat pa lang ng kanyang mata. Dinig na niya agad ang boses ng kanyang ina. Masakit ang kanyang katawan pagdilat niya, agad din na nagtama ang nanlilisik na mata ng kanyang ina pero kita niya pa rin ang pag-aalala sa mga mata nito. Hindi na niya pinansin kung ano man ang sinabi ng kanyang ina at inikot niya ang kanyang paningin sa puting kwarto. Nakita niya rin naman ang kanyang pinsan na si Ethan na nakaupo sa isang kama malapit sa kanya habang kumakain ng mansanas, inalok pa siya nito na akala mo ay nasa bahay lang sila. “Are you okay, son?” agad na tanong ng Senyor sa kanyang anak. Lumapit na rin ito sa kanyang kama

