Almira POV Pagkagising ko kinabukasan, parang ang gaan ng pakiramdam ko pero sabay rin ang kaba. Naiinis ako sa sarili ko, bakit ba ako naapektuhan sa simpleng biro lang ni Drew kagabi? Paglabas ko ng kuwarto, naamoy ko agad ang niluluto sa kusina. Umuusok pa ‘yung kawali, at nando’n si Drew, naka-t-shirt lang at nakangiti habang hinahalo ang itlog. “Good morning, Mrs. Superstar,” biro niya sabay kindat. “Ewan ko sa’yo,” sagot ko habang umupo sa mesa, pero hindi ko maitago ang ngiti ko. “Bakit ikaw na naman ang nagluluto? Akala ko salitan tayo ngayon.” “Eh, nauna ka nang nagluto kahapon, ‘di ba? Tsaka gusto kong bumawi sa takot na inabot ko kagabi,” sabi niya sabay tawa. Napahinto ako, natawa rin nang mahina. “So aminado ka pala na natakot ka?” “Hindi naman sobra… konti lang,” depen

