Almira POV Hindi ko pinansin si Drew at pumasok ako sa kuwarto ko. Nagligpit ako ng gamit, hindi na ako nag isip, basta ang gusto ko lang ngayon ay magkaroon ng space. Napatigil ako sa ginagawa ko nang biglang hinagis ni Drew ang maleta ko sa sahig. Napasigaw ako sa gulat. “Drew!” Galit ang mga mata niya, ‘yung tipong hindi ko pa nakikita noon. Mabigat ang hininga niya, at ramdam ko ang tensyon sa buong kwarto. “Iiwan mo ako?” madiin niyang sabi. “Alalahanin mo, Almira, ikaw ang unang lumapit sa akin! Alam mong magulo ang mundo ko, pero pinasok mo pa rin!” Napatulala ako. Hindi ako makagalaw, habang patuloy siyang nagsasalita. “Ikaw ang unang nag-alok ng kasal kahit peke ‘yon! Nanahimik na ang buhay ko noon, pero ginulo mo!” sigaw niya, habang mahigpit na hawak ang buhok niya na par

