Drew’s POV Pagkatapos ng charity event, nagpaalam ako saglit sa PR team. Hindi ko naman talaga kayang umalis nang hindi man lang siya nakakausap nang maayos. Nakita ko siya sa parking area, pasakay sa tricycle, bitbit ‘yung maliit na backpack. Halatang gusto lang niyang makauwi agad, para makaiwas din siguro sa akin. “Almira!” tawag ko. Hindi siya lumingon. “Almira, sandali lang.” Huminto siya saglit, huminga nang malalim, tapos dahan-dahang humarap. “Bakit mo pa ako sinusundan, Drew? Wala akong oras sa mga drama mo.” Inabot ko ang sumbrero ko, pinigilan kong mapangiti. “Hindi ako nandito para magdrama. Gusto ko lang magpaliwanag.” Umiling siya. “Wala ka nang kailangang ipaliwanag. Hindi naman tayo—” “Alam ko,” putol ko agad. “Hindi naman tayo. Pero may mali kasi, at gusto kong

