Chapter 23

1018 Words

Drew’s POV Maaga pa lang, nasa gym na ako. Mamaya pa naman ang shooting at TV guesting ko, kaya gusto ko munang magpawis. Pagpasok ko, nakita ko agad si Caleb — suki talaga ‘to ng gym, laging on time. Ako lang madalas late dahil sa puyat at trabaho. Ngumiti siya nang makita ako. “Naks, ang aga mo ngayon ah.” Nagkibit-balikat lang ako habang inaayos ang gamit. Habang nag-uumpisa na kami magbuhat, bigla siyang nagsalita. “O, kumusta na ‘yung bagong prospect mo, si Nurse Almira.” sabay tawa. Napailing ako. “Hindi na nga ako pinapansin no’n. Nakakainis, sarap na ngang kidnapin at ikulong sa kwarto ko.” Sabay tawa ako, pero may halong inis. Halakhak si Caleb. “Hindi ka kasi sanay manuyo ng babae. Ang mga babae, pakipot lang ‘yan. Dapat marunong kang kumuha ng loob.” Natigilan ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD