Almira’s POV Natigilan ako nang makita ko si Calix. Nakaupo siya sa may visiting area ng ospital, tahimik, at tila malayo ang iniisip. Bakit parang malungkot siya? Nag-away kaya sila ni Belle? Hindi ko sana siya lalapitan, pero hindi ko rin kayang balewalain lang siya. Kaibigan ko naman si Calix. “Musta?” bati ko sabay ngiti, at umupo ako sa tabi niya. Lumingon siya sa akin, bahagyang nagulat nang makita ako. Ngumiti si Calix. “Okay lang. Ikaw?” “Ito, busy as always,” sagot ko. “Sino nga pala ang naka-confine?” “Si Liran, anak ni Belle. May dengue siya,” sagot niya. Tumango ako at sandaling natahimik. Napatingin ako sa malayo, parang may gustong itanong pero pinipigilan ko. “Free ka ba mamaya?” tanong bigla ni Calix. “Oo,” mabilis kong sagot sabay ngiti. Ngumiti rin siya, at san

