Drew’s POV Kitang-kita ko kung gaano kasaya si Almira habang kausap si Calix kanina sa restaurant. Hindi niya alam, kanina pa ako nando’n — nakatago sa sulok, naka-disguise para hindi makilala. Ganun ba siya kasaya kapag kasama si Calix? Ganun ba siya ka-in love, hanggang sa mismong paglapit ko sa kanila ay hindi man lang niya naramdaman ang presensya ko? Narinig ko pa ang mga sinasabi niya sa “prince charming” niyang ’yon — na kapag ako raw ay nasa paligid niya, gumugulo ang buhay niya. Napangiti ako, pero hindi iyon masayang ngiti. Talaga, Almira? Ganun ba ang tingin mo sa akin? Pangpagulo lang sa buhay mo. Total, hindi mo naman ako binibigyan ng pagkakataong patunayan kung gaano kita kamahal, kukulitin na lang kita… aasarin. Kahit pa sa totoo lang, bawat biro, bawat pang-aa

