Almira’s POV Kinabukasan, maaga akong pumasok sa hospital. Akala ko tahimik lang ang araw ko, pero pagkapasok ko pa lang sa nurse station, nagulat ako sa mga tingin nila Bea at ng iba kong kasamahan. Parang may gusto silang itanong pero nag-aalangan. “Uy, Almira…” sabi ni Bea, maingat ang tono. “Okay ka lang ba?” Napakunot ako ng noo. “Ha? Oo naman. Bakit?” Ngumiti ako kahit medyo nagtataka. “Napadami lang yata inom ko nung isang gabi, ‘yun lang.” Pero si Myles, hindi nakatiis. Tumayo siya, nakapamewang. “Napadami ng inom? Almira, laman kayo ng balita!” Napatigil ako. “Ano?” “Laman kayo ng balita, girl,” ulit ni Myles, medyo may diin sa boses. “Isang araw ka raw sa condo ni Drew. At sabi pa sa article, ikaw daw ‘yung babaeng nakita ng mga tao sa Condo na pumapasok sa unit niya!”

