Almira’s POV Napansin ko na iba ang suot kong damit. Bigla akong natigilan at napatingin sa kanya. “Hindi ko pa nalalabhan ‘yung damit mo. Madumi na kasi, nagsuka ka kagabi sa dami ng nainom mo.” Nabasa niya siguro ang nasa isip ko kaya agad siyang nagpatuloy. “Ikaw ‘yung nagbihis sa sarili mo kagabi. Nag-shower ka na rin bago matulog.” Nahihiya akong ngumiti. “Sorry, ha… kagabi.” “Okay lang. Magpahinga ka muna. Magpapabili lang ako kay Gina ng damit mo. Nag-order na rin ako ng pagkain.” Matiim siyang tumingin sa akin bago tumalikod. Napahinga ako nang malalim. Nakakahiya talaga. Si Drew pa ‘yung inabala ko, eh ako pa naman ‘yung nagsabi dati na ayaw ko ng ma-stress—tapos eto ako, literal na gulo sa buhay niya. Nilingon ko siya nang palihim. Tulog na tulog. Halatang pagod. Bigla k

