Almira POV Pagdating namin sa restaurant, pumili si Drew ng tahimik na lugar sa sulok—‘yung medyo dim ang ilaw, parang gusto niyang iwasan ang mga mata ng tao. Pero kahit anong iwas, artista pa rin siya, at imposibleng walang makakilala. Habang kumakain kami, panay ang tingin ng mga tao sa paligid. Naririnig ko pa ‘yung mga pabulong na “Si Drew Morales ‘yun ah!” o “Totoo pala balita na sila?” Kinakabahan na ako. Pinipilit kong huwag pansinin, pero ramdam kong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Biglang may dalawang babae na lumapit sa mesa namin, halatang mga fans. May hawak silang phone, nanginginig pa habang nakangiti. “Excuse me po, Drew Morales po, diba?” tanong nung isa, halos nanginginig sa kilig. Ngumiti si Drew, ‘yung tipong effortless charm na parang sanay na sanay na siya. “Y

