Almira POV Pagkatapos naming mag-almusal, sabay kaming lumabas ni Drew. Tulad ng nakasanayan, siya pa rin ang nagprisintang maghatid sa akin sa hospital. Habang binubuksan niya ang pinto ng kotse, ngumiti ito nang may biro. “Kiss ko muna bago ka bumaba.” “Ha? Sa panaginip mo,” irap ko sa kanya sabay labas ng sasakyan. Tumawa lang siya at umiling. “Ang sungit talaga ng asawa ko,” pahabol pa niya, dahilan para mapailing ako habang papasok ng hospital. Pagdating ko sa loob, agad akong sinalubong ng abalang mga nurse. Siksikan ang ER, marami ang pasyente. Halos hindi na ako nakaupo buong umaga, kaya nang mag-lunch break, gusto ko sanang magpahinga kahit sandali. Pero nagulat ako nang biglang pumasok si Drew sa nurse station, may dalang paper bag at naka-ngiting parang walang pagod. “Lunc

