Almira POV Pag-uwi ko galing duty, madilim pa rin ang buong bahay. Napakunot noo ako. “Ang weird… umuwi na siguro si Eleonor,” bulong ko sa sarili ko. “Pero bakit hindi man lang nagpaalam?” Pagpasok ko sa sala, inabot ko ang switch ng ilaw— at halos mapaatras ako nang biglang sumigaw ang lahat: “Surprise!” Nasa harap ko sina Eleanor, Enzo, at si Drew na may hawak pang cake. May mga lobo pa sa mesa, at amoy pa lang ng handa, alam kong pinaghandaan talaga. “Ha? Sino may birthday?” tanong ko, naguguluhan. “Hindi ko naman birthday ah.” Ngumiti si Drew, sabay kindat. “Me. Happy birthday to me!” sabi niya sabay blow ng candle. Nagpalakpakan sina Eleanor at Enzo habang ako naman, napatawa na lang. “Grabe ka, Drew. Wala akong gift sa’yo, hindi mo man lang sinabi na birthday mo.” Nila

