Lorraine's POV Pagkarating nga namin sa Makati University ay nagbalik ang lahat ng ala-ala sa akin. Bawat kanto ay naaalala ko si Lumiere kung paano niya ako kulitin noon. Kung paano niya ako abangan sa kanto at kung gaano niya ako gustong makasabay pero todo iwas ako. Samantalang ngayon ay para bang wala na talaga akong kawala sa kanya. Marami ng estudyanteng nag-eenroll. Magsisimula pa lang kaming maglakad papunta sa entrance ay hinapit na kaagad niya ako sa aking bewang upang mas mapalapit sa kanya. Ngayon tuloy ay kahit yata langgam ay hindi kakasya sa pagitan naming dalawa. "Lumiere... sandali lang naman. Hindi ako makalakad ng maayos e." "Why?" Tanong pa niya na parang hindi alam ang dahilan. "E kasi! Tingnan mo naman? Halos idikit mo na ako sa tagiliran mo?" "Much better.

