Lorraine's POV Dahil ngayon ako magpapa-enroll ay maaga akong gumising para maaga ko rin matapos ang aking mga gagawin. Pagkatapos kong maglinis ay naligo na rin ako kaagad at eksaktong tapos naman na akong magbihis ng bumukas ang aking pintuan. "Gising ka na pala. Nakapaglinis na ako at nakapagluto na rin ng almusal." Nakangiting saad ko kay Lumiere habang inaayos ko ang pantalon at t-shirt na suot ko. "Sobrang aga mo naman yata mag-prepare. Kumain ka na ba?" Tumayo siya sa hamba ng pintuan habang pinagmamasdan ang ginagawa ko. "Hindi pa. Tatapusin ko lang itong pag-aayos ko. Para pagkatapos kong kumain ay aalis na lang ako." Tugon ko sa Hckanya habang isinusuot ko na ang sapatos ko. Matagal na itong sapatos na ito sa akin. Gamit ko na ito since college days ko pero heto at magan

